Ria MALAS. Naiwan ko pa sa bahay ang phone ko kaya wala akong ibang mapaglibangan dito. Kaya para hindi mabagot, nagpasya akong mag-house tour. Pakikielamanan ko lang ang mga gamit nila. Bumaba ako ng hagdan at nag-ikot-ikot sa paligid. Una kong pinuntahan ang sala at doon sinalubong ng isang malaking portrait frame na nakasabit sa dingding. Nilapitan ko ito at doon nakita ang mga nakahilerang malilit na picture frames sa ilalim nito na nakapatong sa pahabang table. Pinagmasdan kong maigi ang malaking litrato sa dingding. Mukhang si Mikael ang batang nasa picture at magulang niya ang nasa magkabilang gilid niya. Napangiti ako habang nakatingin sa mukha niya. Ang cute! Kaso bakit nag-iisa lang ang picture nila? Ang nakalagay nalang sa malilit na frames sa table ay puro p

