Chapter 14 ARLYKA ZANE ZAMORA POV: Napailing nalang ako habang naglalakad papunta sa upuan ko. "Is she a murderer?" "Bakit naman kaya niya pinatay 'yung babae kahapon?" "She's an impostor" "Impostor? Ibig sabihin ni nanay ni Arlyka ang babaeng 'yun?" "Yeah, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Arlyka sa babae kahapon?" Hindi pa ba sila nagsasawa sa pagch-chismis sa buhay ng ibang tao? Tch, mga chismoso't chismosa. Umupo na ako sa tabi ni King, may nakita akong bagong transferee na katabi ni JL sa kanan niya kung saan dapat naka-upo si Zexter, pero wala na naman ang pinsan ko na 'yun. Mukhang sinamaha ang bagong babaeng mamahalin niya, na si Elyssa Limpin, tch. Napakunot nalang ang nuo ko habang iniisip ang mukha ng bagong transfer student. Her face looked so familiar. Kilala ko siya

