Si Chloe ay kasalukuyang nasa gitna ng matinding pagsasanay para sa Grand Prix sa Paris. Sa loob ng maraming linggo, siya ay walang tigil na nagsasanay sa race track, pinapahusay ang kanyang mga kasanayan at pinapalakas ang kanyang determinasyon. Sa bawat pag-ikot niya sa track, mas lalo niyang nadaragdagan ang kanyang bilis at kontrol sa sasakyan, handa na siyang harapin ang mga pinakamahusay na driver mula sa buong mundo. “How do you see Chloe Bryan?” habang nasa Germany si Bryan nakatuon pa rin ang kanyang isipan sa pagsasanay ng pinsan. “Alam mo Ron talaga naman perfect si Chloe sa race track medyo at first nanibago siya dahil ang tagal na niyang hindi nagdadrive at kahit nga sa araw araw ay si Sebastian ang palaging driver niya pero dahil bihasa na ito noon pa madali lang niya na pe

