Pasok Kotse 3

1051 Words
Nakangiwing tumingin ako sa lalaking kasama ni Papa. Peste! Bakit ba iyon ang nasabi ko? Ano ba naman utak ang mayroon ko? Sure akong magagalit na sa akin si Itay. Dahil puro kalokohan ang laman ang nasa isip ko. "Bombie, ano ba iyang pinagsasabi mo?" pagsaway sa akin ni Itay. Nahihiyang tumingin ako sa aking Ama. "Sorry po, Itay," saad kong sobrang lungkot ng aking mukha. "Lord, ako na po ang humingi ng paumanhin para sa aking anak. Minsan po kasi may pagkaisip bata ang aking Anak. Iwan ko ba kung saan iyan nagma. Noong ganiyan ang edad ko hindi naman ako katulad niya," biglang sabi ng aking Ama. Bigla tuloy akong napanguso. Dahil siniraan pa talaga ako ni Itay sa amo niya. Gusto ko tuloy magpapadyak dahil sa inis. Maliksi naman akong napabaling sa amo ni Itay. At nakita kong nakatingin lamang siya sa akin. Tila hinahalukay ang buong pagkatao ko sa klase ng pagtitig niya sa akin. Magkakasunod tuloy akong napalunok ng laway. Hanggang sa umiwas na lamang ako ng tingin dito. "Itay, aalis na po ako," anas ko. Nagmamadali tuloy akong umalis sa harap nila. At hindi ko na sila hinintay na magsalita pa. Pumunta ako sa likod bahay para kumuha ng manok. Tamang-tama lang ang alis ko dahil busy sina inay at itay sa bisita nila. Paghahandaan ko na lang ang sermon sa akin ni Inay mamaya pagdating ko ng bahay. Malalaki ang mga hakbang ko para tuluyang lumabas. Nadaanan ko pa nga ang kotse ng amo ni Itay. Bigla muna akong tumigil upang silipin ang loob ng sasakyan. Bukas naman ang bintana kaya nakikita ko ang loob. Mas inilapit ko pa ang ulo ko sa bintana. Lintik! Bakit ang bango ng loob ng kotse nito. Alam na alam talaga na pangmayaman ang amoy. Hindi pa ako nakuntento at mas ipinasok ko pa ang aking ulo sa loob. Muli naman akong tumingin sa manok na hawak ko. Sabay ngisi ko. "Ano manok! Gusto mo rin bang umamoy ng pangmayaman?" baliw na tanong ko sa manok na tandang na dala-dala ko. Kaya naman nagdisesyon akong ipasok din ang manok sa loob ng kotse. "Oh! Amoy-amoyin muna habang hindi pa tayo umaalis at wala pang tao," muling kausap ko sa manok na hawak ko. "What are you doing there, woman?" "Ay! Kabayong may hotdog!" biglang sigaw ko dahil sa pagkagulat. Ang masama pa'y nabitawan ko rin ang tandang na manok na hawak ko at napunta ito sa loob ng kotse. Paktay ako nito! Pagkatapos ay dahan-dahan kong inalis ang aking ulo sa bintana ng kotse. Marahan din akong lumingon sa lalaki. Salubong ang kilay nito at hindi rin maipinta ang mukha habang hinihintay niya ang aking sagot. Pakiramdam ko'y gusto akong sakalin ng lalaki. Kaya naman tumikhim muna ako bago magpaliwanag dito. "Kasi po. . . Hmmm! Iyong manok ko po ay lumipad papasok sa loob ng kotse mo. Gusto po yata ang amoy ng pangmayaman," nakangiwing paliwanag ko sa amo ng aking Ama. Lalo namang dumilim ang mukha nito. Hindi yata nagustuhan ang aking palusot. Lagot na po! Baka isumbong ako sa aking ama at ina. Tiyak na katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko aking mga magulang. "Ginoo, ipagpaumanhin po ninyo ang ginawa ng aking manok. Ngunit puwede ko na ba siyang makuha? Mukha kasing lalong nag-eenjoy sa loob ng kotse mo. Saka para makaalis na rin kami. Baka mahuli kami sa laban ngayon sa sabungan," pakiusap ko sa lalaki. "Kung gusto mo siyang makuha sa loob ng kotse ko. Call your father so he can get in the car." "Puwede naman ikaw na lang ang kumuha. Tutal kotse mo naman iyan. Saka baka sermunan ako noon lalo na si Inay. Baka ang labas hindi ako makaalis!" nasusurang sabi ko sa lalaki. "So, I don't have that problem anymore." Kuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa lalaking naglalakad papalayo sa akin. Hindi talaga ako tinulungan kunahin ang manok sa loob ng kotse nito. "Peste! Madapa ka sana..." bulong ko na lamang. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa loob ng sasakyan. At nakita ko ang aking manok. Pwes! Ako na lang ang kukuha. Kasya naman ako sa bintana. Tumingin muna ako sa aking likuran at baka bumalik ang lalaki. At nang matiyak kong ako na lamang ang nandito ay saka ako nagdesisyong sumampa sa bintana ng kotse nito. Hindi naman ako nahirapang makapasok sa loob. Akala siguro nito hindi ko kayang pumasok sa loob nito. Aba! Bihasa yata ako. Lalo na sa mga aktay bahay at pasok kotse at daan sa bintana. Tumingin naman ako sa manok kong pasaway. Agad ko itong dinakma nang makalapit ako rito. "Masyado kang pasaway at maarte. Dahil sa ginawa mong pagpasok sa kotse ng lalaking iyon. Mahuhuli tuloy tayo sa laban mo ngayon!" sermon ko sa manok sabay palo sa ulo nito para magtanda na ito. Aalis na sana ako rito sa kotse nang mapatingin ako sa isang paper bag. Nakita kong puro chocolate ang laman noon. Bigla tuloy akong napangisi. Hindi naman siguro malalaman ng tao na iyon na kulang ng isa ang chocolate niya. Saka ang dami naman nito. Kaya ba nitong ubosin ito? Baka sumakit lang ang ngipin nito. Kaya kailangan kong bawasan. Walang takot na lumapit ako sa paper bag na punong-puno ng chocolate. Malaksi akong kumuha ng isang bar na chocolate at mabilis ko ring itinago sa loob ng damit ko. Ngunit bigla na naman akong napatingin sa hindi kalakihang box. At dala nang pagiging malikot ang kamay ko ay agad ko iyong binuksan upang alamin kung ano ang nilalaman. Biglang nanlalaki ang mga mata ko nang tumambad sa harap ko ang mga alahas. Alam kong mamahalin ito. Kaya naman agad kong kinuha ang isang kwintas. Gusto ko ang design nito. Simple ngunit kakaiba ang ganda nito. Lalo na ang maliit na pendant na hugis labi. Hmm! Hindi naman siguro mahahalata ng lalaking iyon na nawawala ang kwintas na ito. Saka ang dami-daming alahas nito. Ngumisi tuloy ako ng mala-demonyo. Maliksi ko tuloy naitago sa aking suot na pantalon ang kwintas. Pagkatapos ay nagmamadali akong lumapit sa bintana para lumabas na. Subalit bigla naman iyong sumara. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ring lumabas ng bahay namin ang amo ng aking Ama. Paktay ako nito oras na makita ako ng lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD