(MR. Q’S POV) “Boss, Q. Hindi pa dumarating ang mga tauhan natin,” anas ng aking driver. “Darating din sila. Saka, mga bihasa sila sa pakikipaglaban. Ilang araw rin nating sunabaybayan ang kilos ng Mafia Lord na ‘yun. At napapansin ko sa lalaking ‘yun, walang ibubuga. Ma-pera lang kaya nakapasok bilang Mafia Lord,” umiiling na anas ko. ‘Yun din ang po ang napapansin ko. Parang duwag siya,” sagot naman ng aking tauhan. Kaya dapat lang na akong ang maupo sa trono niya!” bulalas ko habang may mala-demonyong ngisi sa aking labi. “Ikaw naman po dapat. . . Pero boss, Q. Hindi lang ikaw ang may gustong patayin ang Mafia Lord at ang babae nito. Sa aking pagkakaalam ay marami kayo. Ngunit, may namatay ng isang tao, dahil sa sunog. Sa pagkakaalam ko’y naghahangad din ‘yung maging Mafia Lord.”

