“Saglit lang huwag mo munang ibababa, nasa malapit lang ako pupuntahan kita.” My eyes widened with disbelief. “What? Nasaan ka?” I curiously asked. Baka gino-goodtime lang ako ng isang to. “Nasa coffee shop na malapit sa condo kung saan ka namamalagi.” “Huwag mo ng akong lokohin.” “I am telling the truth. I will head to the condo. Text me your unit may ibibigay lang ako.” “Sandali.” Hindi na niya narinig nag naging sagot ko kasi agad niya na biinaba ang tawag. Nagmadali ako sa pagtayo para makalababas. Napakalapit lang ng coffee shop na tinutukoy niya sa condo unit ni Andrea. Tinakbo ko ang distansya mula sa kwarto hanggang sa pintuan sa sala. “May pupuntahan lang ako.” Sigaw ko nang madanan ko ang mga kaibigan ko na nagtipin-tipon sa sala. Nagmadali ako sa pagsuot ng tsinelas.

