Hindi ko inexpect na yayakapin niya ako. Kahit na walang tao sa paligid ay nahihiya ako. Tinapik ko ang braso niya. “Kristoff ayos lang ako.” Sabi ko para bumitaw na siya. “You cried.” “Hindi.” Sagot ko naman kahit na hindi tunog tanong ang sabi niya. Bumitaw siya sa yakap pero hawak niya pa din ang dalawang braso ko. Lumayo lang talaga siya para makita ang mukha ko. “Bakit ba parati mo na lang itinatanggi?” Tinawanan ko naman siya at marahang tinaggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. “I am used to that kind of treatment form my sister, kaya bakit aki iiyak?” I smiled at him to assure him na okay lang ako. Nagsimula ako na naglakad papalabas akala ko ay sumunod siya. Paglingon ko to check on him, nakatayo lang siya kung nasaan kami kanina. “I’m

