“Hindi pa nga kayo nagkakaganyan ka na.” “Kaya nga eh.” Sagot ko naman kay Andrea. I happen to mention my problem to her. Maaga niya akong tinawagan para kumustahin ako. Mabuti na lang at nagmaaga din ako kasi plano ko na umalis ng maaga para hindi ko makasalubong si Kristoff. “Pero that is unfair sa part ni Kristoff kasi hindi mo naman alam ang side niya. Si Joy lang ang kinausap mo. Batay pa sa sinabi mo ay nagawa niyang magpakalat ng masama at walang katotohanan na rumor about you. Kaya there is also a possibility na gawa-gawa niya lang ang mga sinabi niya about her and Kristoff.” Npabuntong hininga ako. “That’s deep.” “I don’t know what to do.” “Kaya nga I’m giving you a good choice diba. Talk to him. Know his side. Para na rin hindi ka maging unfair sa kaniya.” “Pero kasi

