He is smiling from ear to ear. “Oo gusto kita. Gustong gusto kitang sapakin sa mukha.” Nakita ko ang paglaho ng ngiti niya. “Noong nakaraan ka pa huh, masyado ka yatang humangin at iginigiit mo na naman an may gusto ako sayo.” Dagdag ko pa. “Sige, you don’t like me. Kunyari ay hindi ko nakita na umiyak ka noong nakaraan doon sa ilalim ng puno ng manga.” Inambahan ko siya ng suntok pero hindi man lang siya nagpatinag at inilapit pa ang mukha niya sa kamao ko. “Alam kong hindi mo ako magagawang saktan.” Mahangin na sabi niya. Isinarado ko na lang ang laptop ko at tumayo. Babalik na lang ako sa counter, doon walang asungot na kagaya niya na aali-aligid. Hinintay niya ako na matapos sa trabaho at sabay kami na umuwi gamit syempre ang sasakyan niya. Habang nasa sasakyan ay hindi ko

