What? Kinunutan ko siya ng noo. "Kidding hahahha, kailangan ko nang umalis at may pasok pa ako." Natatawa niyang sabi. Kahit na nawiwierdohan ako sa inasal niya ay tinanguan ko lang siya bilang sagot. Agaran naman siyang umalis sa harap ko para pumasok sa klase niya. Pagkaalis niya ay bumalik naman ako sa pagsusulat. Makalipas ang ilang minuto ay kinailangan ko nang umalis din para pumasok sa susunod kong klase. Nang nag lunch naman ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Andrea. Andrea: I understand. It's my fault because I called too early. Thanks for telling Rayven by the way, I just really want to unwind. My whole week was not so very exhausting since, maliit na gawain lang naman ang ibinibigay ng profs. Nagkakaroon pa ako ng oras para makapag sulat at humabol sa pagpubli

