Chapter Three

1145 Words
ANDREA   NAKAKATAKOT ang tingin ni victoria sa akin na para bang lalamunin ako nang buhay teka nga bakit ba nagagalit siya na kausap ko si erika? teka nga lang pinapa bantay ba ako ni mommy sa kanya? "Bawal kang lumapit iba" makamandag nitong saad nagsalubong naman ang kilay ko "Sino ka ba para utusan ako alam kong kaibigan ka ni mommy pero wala kang karapatan pagbawalan ako" pabalang na sagot ko napakuyom naman ang kamao niya. "Hindi mo pa ako kilala andrea" tanging sagot niya pero ang mga maga ang talim ng tingin "ano bang masama kung kausapin ko si erika? mukha namang mabait yung tao at isa pa maganda siya" pabalang na sagot ko nagulat ako ng bigla niya akong kwelyuhan napalunok naman ako sana pala hindi nalang ako sumagot sa kanya lalo ko pang nagagalit. "Sundin mo nalang ako kung ayaw mong pag untugin ko kayo ng babae mo" pagbabata nito bakit ba nagagalit siya? Konti nalang iisipin kong nagseselos itong si tanda.   Limang araw na ang nakakalipas mula ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni victoria mula noon hindi ko pa siya nakikita. "Andrea" napalingon naman ako doon si summer na walang sawang nangungulit sa akin at gustong gusto ako maging kaibigan. "Andrea..wait" sigaw niya at tumakbo papunta sa akin lagi nalang siyang ganyan inis na huminto ako dalawa sila nang mommy niya na gumugulo sa utak ko "what?"singhal ko sa kanya natigilan naman ito at napayuko. "Pwede ba tayong sumabay sa pagpasok?" nahihiyang saad nito napataas naman ang kilay ko wala ba siyang kaibigan na maiistorbo pero napapansin ko tuwing lunch wala siyang kasabay o baka naman trip lang niyang mag solo?   Marami namang lumalapit at nakikipag kaibigan sa kanya pero tinatanggihan niya bakit sa akin ang kulit niya?  "Sorry kung sobrang kulit ko alam ko naman na ayaw mong makipag kaibigan sa akin" malungkot nitong saad "mauuna na ako" dugtong niya sabay takbo hindi man lang hinintay ang sasabihin ko. Nakaramdam ako ng guilt mukhang sumusobra na ako sa pagsusungit sa kanya napahilot nalang ako sa sentido ko dahil na i-stressed ako sa kanya  naglakad nalang ako papunta sa classroom.   "s**t" tili ko at napalundag nang biglang may umakbay sa akin pagtingin ko si hera pala na ka seatmate ko sa english class "sorry kung nagulat kita kanina pa kasi kita tinatawag yun pala naka earphone ka" usal nito habang akbay pa din ako porket matangkad siya sa akin 5'8 siya samantalang ako 5'4 lang. "Nag breakfast kana ba?" tanong nito sabay ngiti sa mga nadadaanan naming estudyante sikat kasi siya captain ng volleyball team umiling naman ako na-late na kasi akong nagising niyaya naman ako kanina ni summer pero tumanggi ako dahil malamang magdadaldal siya na walang katapusan. "Tara sa cafeteria" yaya nito sabay hawak sa braso ko  pagpasok namin hindi sinasadyang narinig ko ang kwentuhan ng grupo sa kabilang table.   "Ang creepy diba? Kung ako yan matatakot akong maglakad ng walang kasama" "Ako din hanga ako sa kanya para kasing wala lang sa kanya yon" "Kawawang summer"   Si Summer Jordan ba ang tinutukoy nila anong nangyari sa kanya? Gusto ko sana itanong pero magmukukha akong chismosa mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa katawan dahil mukhang may pinagdadaanan si summer. "Bilib talaga ako diyan kay summer" saad ni hera nakikinig lamang ako umupo na kami sa table dahil may pupuntang waitress naman hindi mo na kailangan pumunta sa counter para mag order. "Kahit may baliw siyang stalker hindi pa din siya natatakot na maglakad mag-isa o kaya naman ma d-depress" pagpapatuloy niya habang nakatingin sa akin hindi ko napapansin na may ganon palang nangyayari pagkatapos lagi ko pa siyang tinataboy at sinusungitan tuwing nilalapitan niya ako. "Nahuli na ba ang stalker niya?" tanong ko umiling naman ito lumapit naman ang waitress nagsimula na kaming nag order binuksan ko phone ko para hanapin ang f******k ni summer napataas ang kilay ko famous pala siya wala pang isang oras ang dp naka five hundred thousand likes na.   Ang mommy niya kaya may sss?    Victoria Jordan   Napangiti ako ng makita ko ang profile niya kaya lang naka private ang account niya mag friend request kaya ako sa kanya pero bakit ko naman gagawin yun. "Hoy, ano yang ngini-ngiti mo diyan"untag ni hera kaya naman nagulat ako muntikan pang mahulog phone ko ganoon nalang ang gulat ko nang mapindot ko ang add friend gusto kong bawiin pero huli na dahil na accept niya na agad.   Ang bilis naman online siya ngayon kung ichat ko kaya siya? Hindi!! Nakakahiya feeling close ka andrea "sorry andrea okay ka lang ba? namumutla ka. Kanina pa kasi akong nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig" saad nito na may pag-aalala sa mukha niya. "Okay lang ako tara kain na tayo" yaya ko nang ilapag na ng waitress ang mga pagkain natakam tuloy ako pero naiisip ko na naman si victoria agad na naming naubos ang pagkain at naglakad na sa classroom.   Huminga ako nang malalim bago pumasok sa classroom namin nakita ko si summer na tahimik lang nakaupo ito at may earphone sa tainga bakante ang upuan niya lumapit ako at umupo sa tabi niya napansin naman nito ang presence ko nagulat siya ng makita ako. "andrea?" nagugulang saad niya. "Sorry kanina" mahinang usal ko ngumiti naman siya "okay lang yun kasalanan ko naman ang kulit ko kasi sayo." ganting sagot niya hindi ko namamalayan madami na pala kaning pinaguusapan.   Tinanong ko siya kung bakit ako ang gusto niyang maging kaibigan ang sinagot niya sa akin.   Dahil totoo kang tao na hindi pera o kasikatan ang habol mo sa akin mas lalo kitang gusto maging kaibigan tuwing tinatanggihan mo ako dahil ang iba sila ang lapit ng lapit sa akin dahil lang sa pagiging JORDAN ko.   "Drea" napalingon naman ako kay summer na may pagtataka sa mukha "tinawag mo akong drea?" sabay turo sa sarili ko nakangiting tumango naman ito "tatawagin naman kitang reese" nakangiting sagot ko second name niya kasi yun tanging malalapit lang sa kanya ang nakakaalam. "Drea bestfriend na kita ha" masayang usal niya kahit ang bilis nang pangyayari nakikisabay nalang ako "wait bili lang ako nang tubig nauuhaw na ako. Ano pala ang gusto mo?" tanong ko sa kanya nagisip muna ito "sprite nalang" sagot niya at ngumiti ng matamis tumango naman ako at pumunta sa convenience store na malapit sa kinaroroonan namin napataas naman ang kilay ko sa cashier na ang lagkit ng tingin sa akin ang sarap tusukin ng mata. Paglabas ko nang convinience store hindi ko na nakita si summer luminga linga ako sa paligid "summer?" sigaw ko nang pangalan niya nakaramdaman ako ng kaba tumakbo ako habang tinatawag ko ang pangalan niya napansin ko na may babaeng nagpupumiglas sa gilid ng kalsada "Summer" sigaw ko napansin nila ako nagmadali akong lumapit "bitawan mo ang kaibigan ko" galit na saad ko hinawakan ko si summer na namumutla nang biglang may nagtakip sa ilong ko "napaka pakialamera mo isusunod din kita" bulong nang lalaki mula sa likuran ko   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD