JANNA MARIE'S POV
Mahirap man ang buhay na mag-isa ngunit kinakaya ko pa rin na ganito ang takbo ng mundo ko kung saan mag-isa lang ako sa buhay. Mag-isa akong matulog. At mag-isa rin akong gumigising tuwing umaga. Minsan hindi ko mapigilang maiyak tuwing gabi at mag-isa lang ako sa tinutuluyan kong condo unit. Pakiramdam ko napakamalas kong tao. May sumpa siguro ang pagkatao ko kaya ganito ang naging buhay ko.
Wala na kasi akong mga magulang. Ulilang lubos na ako kaya wala na akong pamilya. Isang taon na ang nakakalipas ng mawala silang parehas sa piling ko. Wala rin akong kapatid kaya mag-isa na lang ako.
May mga kamag-anak naman ako ngunit malayo naman sila. Nasa probinsya silang lahat. Ayaw ko naman umuwi doon kasi nandito ang trabaho ko. Nagtatrabaho ako bilang isang secretary sa isang pribadong kumpanya dito sa Maynila.
May mga kaibigan naman ako pero iba pa rin kung sariling pamilya ang nakakasama mo sa mga oras na gusto mo nang kausap tuwing malungkot ka para kausapin at dadamayan ka. May mga kanya kanya na rin kaming mga buhay kaya mahirap na kaya mag-isa lang ako minsan na sinasarili ko ang anomang problema o lungkot na meron ako.
Wala rin akong boyfriend na magmamahal sa akin at sasamahan ako palagi tulad ng mga nakikita ko sa labas. Kaya napakalungkot ng aking buhay. Buong buhay ko hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend.
Twenty five years old na ako ngunit wala pa rin akong nagiging boyfriend kahit isa man lang. Tatanda siguro akong dalaga nito. Hindi naman ako kapangitan o ano na hindi magugustuhan pero bakit walang nagmamahal o nagkakagusto sa akin na lalaki?
Hindi naman ako mataba. Hindi naman ako maitim. Maputi naman ako. Sabi nila maganda daw ako at singkit ang mga mata. Pero bakit gano'n? Walang nagkakagusto sa akin. Siguro dahil sa mataray ako kung umasta kaya gano'n natatakot akong lapitan ng mga lalaki.
Lahat ng mga kaibigan ko may mga boyfriend na. Yung iba magpapakasal na. Tanging ako na lang ang nahuhuli sa amin.
Sanay na rin naman ako sa ganitong klaseng buhay na meron ako. Lahat nawawala sa akin. Lahat pinagkaitan.
Wala na ngang mga magulang. Wala pang boyfriend na makakasama ko na makakaintindi sa akin lalo na sa mga panahong kailangan ko nang makakausap.
Malungkot man ang buhay ko pinapakita ko pa rin sa lahat na masaya ako kahit panandalian lang.
"Hindi ka pa ba kakain ng lunch, Janna?" tanong ng kaibigan ko na ka-officemate ko pa na si Aubrey habang tinatapos ko pa ang pinapagawa ng boss ko na kailangan kong ipasa sa kanya bago mag-alas dos ng hapon.
Aalis kasi siya papuntang Italy para dumalo sa isang event kaya inihahanda ko ang mga documents na dadalhin niya bukas na pinapagawa at pinapaayos sa akin bilang secretary niya.
"Susunod na lang ako, Aubrey. I have to finish this before two o' clock in the afternoon," nakatutok sa computer na sagot ko sa kanya. Tinapunan ko siya nang tingin at ngumiti.
"You're not going to eat lunch, are you?" nakataas kilay na tanong niya.
"No. Don't worry, kakain naman ako. Tatapusin ko muna 'tong isa. Medyo late na rin ako magla-lunch. Mauna ka na muna," nakangiting sagot ko sa kanya.
Tumango siya.
''Ah okay. I'll go first."
Pagkaalis niya ibinalik ko ulit ang atensiyon ko sa ginagawa ko. Sinipat ko ang relo ko para tingnan kung anong oras na. Eksaktong alas dose na ng tanghali. Kumakalam na rin ang sikmura ko pero kailangan kung tapusin ang ginagawa ko para pagbalik ko pagkakain ng lunch sa canteen konti na lang ang gagawin ko at aayusin.
Tatayo na sana ako nang lumapit sa akin si Aubrey na may dala-dalang pagkain na nasa styro na nakabalot pa sa plastic. Kaagad niya itong iniabot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.
"Bakit? Ano 'to?" nakangangang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya.
"Pagkain. This is your lunch. Binilhan na kita sa canteen. Nag-take out na ako para sayo. Malapit na kasing mag one o' clock in the afternoon kaya naisipan kong bilhan ko na lang ikaw ng lunch. Wala ka na sigurong balak kumain, eh."
Inabot ko ang binibigay niyang pagkain sa akin na binili niya.
"Maraming salamat, Aubrey. Papunta na sana ako ng canteen kaso dumating ka na nang may dalang pagkain. Bayaran na lang kita. Magkano ba bili mo nito?"
''You don't need to pay me. Libre ko na sayo 'yan," wika nga niya sa 'kin.
"Sigurado ka? Libre mo talaga 'to? Huwag na nakakahiya naman. Magkano ba?" pamimilit ko pa sa kanya kasi nakakahiya naman na ilibre niya ako samanatalang hindi naman ako nagsabi sa kanyang ilibre niya ako.
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.
"Huwag na nga. Libre ko na 'yan sayo. Tutal nililibre mo naman ako before kaya there's no problem with me na ilibre ka. Go lang hanggang may pera tayo. Kainin mo na 'yan dahil malapit nang mag one o' clock in the afternoon." sabi pa niya.
"Oh, sige na nga. Thank you ulit, ha." nahihiyang pasalamat ko sa kanya.
"OK. You're always welcome. Eat your lunch na."
Tumango ako at tumalikod na siya sa akin. Pumunta na siya sa office nila na katabi lang ng office ng boss ko. Ibang division nga lang sila.
Natapos ko ang pinapaayos at pinagagawa ng boss ko bago mag alas dos ng hapon. Bukas ang alis ng boss ko patungong Italy kaya nang maibigay ko na sa kanya ang natapos kong documents umalis na siya ng kanyang opisina. Uuwi na siya para magprepare sa kanyang trip bukas na tangahali papuntang Italy.
Wala na akong ginawa maghapon nang makaalis ang boss ko. Paupo-upo na lang ako at pasagot-sagot ng mga tumatawag sa office namin ng mga concerns and other matters nila about the company. May mga naghahanap sa boss ko kaya sinasabihan ko silang nakaalis na 'to pauwi sa kanilang bahay para magprepare sa kanyang flight bukas na tanghali.