Dollar's POV
It's already midnight when I reached the town proper. Pinili kong dumiretso sa Al's dahil sa gutom. I only eat a burger while travelling the NLEX and I'm now yearning for a decent meal.
Naglakad ako papasok sa main door ng Al's at sumalubong sakin ang amoy ng steak. At syempre ang usok din ng sigarilyo ng mga lalakeng customers habang umiinom ng beer at ng mga naglalaro sa billiards' wing.
I smiled.
This is the same place years ago. Kahit nag-branch out ang Al's sa iba pang bayan dito sa North ay hindi pa din binago ni Uncle Al ang lugar na ito, mga minor repair lang sa mga nasisirang parte pero pinapanatili pa din ang konsepto. Para pa din sa mga motorista, mga siga ng bayan, mga manlalaro ng billiard at halu-halong parokyano ang restobar na ang karamihan ay mga kalalakihan. Even the dim lightings and the table arrangement are the same as I remembered. Karamihan din ng mga staff ay nandito pa.
Naglakad ako papunta sa counter. I heard a whistle from one of the tables and I can also feel the stares from men. I just ignored them all. Kung may mambastos man sa 'kin, well, I can handle them. At tiwala ako sa mga staff na kaya nilang sumawata ng g**o.
Naupo ako sa stool na nasa mismong bar at kinatok ang counter. Mula sa pagkausap sa isang staff ay napalingon sakin ang lalakeng nandoon at ang binatilyong waiter.
"Dollar!" The man beamed in recognition.
"Hello, Kuya Baste!" Natawa ako sa gulat na rumehistro sa mukha niya. Siya na ngayon ang manager ng Al's.
"Teka magkasabay ba kayong dumating ni---"
Biglang nagsigawan ang mga kalalakihan sa isang pool tanda na may magandang tirang ginawa ang naglalaro. Napalingon ako doon at nawala sa isip ang sinasabi ni Kuya Baste.
I missed playing billiards. Kelan ba 'ko huling naglaro at nanalo? Eight years ago? Sa family room ng villa. I made a bet with Rion na kung matalo ko siya ay pakakasalan niya 'ko... At nang maging kami ay hindi ko na siya matalo sa mga naging laro namin and that was when I realized na pinagbigyan niya lang ako nang gabing iyon.
But those memories are bound to be erased tonight. Hindi ko kakalimutan ang paglalaro ng billiards pero sisiguruhin kong ang huling alaala ko ngayon na may kaugnayan sa billiards ay walang kinalaman si Rion.
Nilingon ko ulit si Kuya Baste at nagbigay ng order.
Of course, I want to eat first before having a good show tonight.
****************
Rion's POV
Napatigil sa ere ang pag-inom ko ng beer dito sa isang sulok ng Al's nang makita ko kung sino ang pumasok.
Dollar...
In a hanging top showing her lean stomach and low waist tight jeans and boots.
I cursed. Not because of shock for seeing her here in this hour of the night but because of the look the men are giving her.
This woman must be reminded na hindi na siya ang dalagitang pamangkin ng may-ari na pwedeng tumambay dito at hindi mag-aalalang lapitan ng kung sinumang customer dahil sa takot sa tiyuhin na ex-marine. But Alvaro is not around for a long time. At duda ako kung makilala ng mga dati ng customer si Dollar. Pero kung makilala man nila ay hindi pa din mapipigilang hagurin siya ng tingin dahil bihira lang ang mga babaeng pumapasok dito lalo na ang isang modelo. And not when the woman has a sexy gait like that.
I cleared my throat and silently gulp my beer.
Hindi nag-message ang informant ko na pupunta dito si Dollar. I hired a few men to silently keep an eye on her. It was for protection purposes only. Pero minsan ay nagtatanong din ako para siguruhing wala kami sa iisang lugar ni Dollar. Lalo na sa bihirang pagbisita ko dito sa Flaviejo. We never came across each other here because she too seemed to be avoiding coming back to this town.
At matagal na panahon na din ang huling punta ko dito at hindi ko din pinlano na magpunta ngayon. It was my last minute decision to fly here. Tanghali pa lang ay wala na akong binalak gawin kahit maraming trabaho ang dapat ko pang asikasuhin. I was just stuck with my habit of making origami for hours. At nang magsawa ay naisipan kong lumipad pauwi dito sa Flaviejo. Siguro ay naalala ko ang imbitasyon ni Don Marionello na pumasyal at bisitahin siya lalo na at malapit na ang town fiesta.
But what of Dollar? What brought her here? Is it just a coincidence?
Nilingon ko ang parking ng Al's at isa sa mga nakaparada doon ang Subaru Forester niya. Kung nag-drive siya ay malamang bago pa lang magtanghali ay nasa byahe na siya. Kaya ibig sabihin ay hindi niya ako sinundan dahil nauna lang ako dahil mas mabilis ang byahe sa ere. Kung nandito siya dahil sa akin ay siguradong sa Villa siya didiretso. O hindi siya babyahe ng ganito kalayo dahil pwede niya akong puntahan sa isa sa mga opisina ko. I have this feeling that she's not here to see me.
But whatever her reason is, I can't deny to myself that seeing her this near brought warmth to me...
Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pagmamasid niya sa paligid na parang nasisiyahan sa nakikita. That she was really happy to be back to the place where she grew up and found out that nothing much changed here.
Maski ako ay napansin na walang naging pagbabago sa Al's. Parang kelan lang nang maging tambayan ko ito na napadalas nang maging miyembro ako ng grupo ni Uncle Al. Ito pa din ang pwesto ko at ang unang gabing nakita ko ang batang si Dollar ay nasa counter din siya at nagmamasid sa paligid pagkatapos magbasa ng kung anu-anong magazines.
It seems like yesterday. Pero hindi. Wala mang naging malaking pagbabago ang lugar ay malaki naman ang pinagbago ng mga taong naging parte nito. And I am watching the woman whose change is very obvious. Pero naniniwala ako na may maliliit na detalye pa rin kay Dollar na mananatiling kanya at hindi magbabago.
Mayamaya ay sine-serve na ng waiter ang in-order niyang pagkain.
Hindi ko mahiwalay ang tingin ko sa bawat pagsubo at pagnguya niya sa maganang pagkain na iyon. I can't remember how many times I've watched her eat and munch her favorites when we were still together. And I always can't help myself from gazing at the movement of her lips in wonderment.
Ilang minuto pagkatapos niyang kumain ay nakita kong may sinabi siya sa bartender at base sa reaksyon nito sa kung anuman ang sinabi ni Dollar ay mukhang nag-aalangan.
No... not what I'm thinking.
But of course, no one could resist her charm. At katulad ng iniisip ko ay mayamaya pa ay binaba ng bartender sa harap ni Dollar ang isang baso ng martini. She grinned at the shy bartender and uttered thanks.
Alam kong malakas ang alcohol tolerance niya pero hindi siya nag-iisip ngayon kung binabalak niyang maglasing sa harap ng mga kalalakihan dito.
I groaned.
Sa isang pagbaba niya ng baso ay napalingon siya sa direksyon ko. Hindi ako nag-alalalang makita niya dahil nasa madilim na bahagi ako. The act only gave me the full view of her beautiful face. Her sweet innocent face yet always hiding with mischief. Malayo sa mukhang nakita ko sa isla na nakasimangot o hindi nakangiti at patungkol sakin ang mga ekspresyon na iyon.
She was on her third glass when I saw her move.
Napakunot-noo ako nang makita ko siyang tumayo at lumapit sa isa sa mga pool at nakinuod sa mga naglalaro. At mayamaya pa ay gumitna sa grupo ng mga kalalakihan.
I finished my beer and stood up. Tahimik akong lumapit sa pool at pumwesto sa likod ng mga lalakeng lumapit din.
***************
Dollar's POV
Bago ako bumiyahe ay may dinaanan ako sa bangko. Mga alahas iyon na pitong taon na ding natutulog sa vault. A South Sea black pearl choker, a pair of diamond stud earrings, two golden necklace and a white gold bracelet. All were from Rion. Mga regalo niya sakin sa bawat espesyal na okasyon noong kami pa. He was that generous and I was that sentimental to keep them all for seven long years. Balak kong ibaon sa lupa ang lahat ng mga gamit na may kinalaman kay Rion pero bigla kong naisip na huwag isama ang mga alahas. They have to have a story. Kailangan nilang magamit ang malaking value nila at para na din mapakinabangan ng ibang tao. At kung nasa pag-aari na ng ibang tao ang mga alahas ay ibig sabihin ay hindi ko na mababalikan iyon at malayo na ang mararating nila mula sakin.
So I decided to make them the prizes for this night's show. Para sa mga mananalo sa billiard.
I grinned. Itinaas ko sa kamay ko ang choker. "Here!"
Nang sinabi ko kanina sa mga lalake ang balak ko ay pinagtawanan lang nila ako pero ngayon ay nakamaang sila sakin. "Ibibigay ko 'to sa mananalo!"
Nang makabawi sa pagkabigla ang mga lalake ay kanya-kanya na sila ng plataporma. Wala ni isa ang nagduda sa authenticity dahil marahil karamihan sa kanila ay marunong tumingin ng totoong alahas. But of course, trust Rion's and the Flaviejos' taste when it comes to grandiose things money could buy. Hindi na kailangang sabihin na parang nanalo sa lotto ang makakakuha sa alahas.
"Seryoso ka ba, Miss?" Pagdududa ng isa at tiningnan akong mabuti.
Siguro iniisip ng mga lalakeng 'to na lasing lang ako na gustong gumawa ng eksena. Pero totoo naman, nararamdaman ko na ang epekto ng ilang baso ng alak. If I am sober then I doubt if I could lose the jewelries. Pero kung hindi ko maiwawala ang mga alahas ay baka hindi ko na magawa bukas dahil manghihinayang ako. So better to do it now while having alcohol in my system.
"Miss bakit hindi na lang ikaw ang premyo, pakakasalan kita bukas na bukas din!" Sigaw ng isang mama na medyo mukhang m******s.
I laughed. Mahina lang sa una pero nang may maalala ako ay di ko mapigilang tumawa ng malakas.
Well, I just remembered myself betting that with Rion eons ago. Nakakatawa lang na naulit ang mga salitang iyon mula sa ibang tao na ako mismo ang nagsabi dati. There will always be a thing in life that will remind you that something really happened in the past. Na nakakatawa na lang maalala dahil mare-realize mo kung gaano ka ka-silly ng mga panahong iyon at anong nangyari at hindi na nabigyan ng katuparan ang napakaliit na biro na iyon.
"So, ayaw nyo ba?"
Mabilis ang reaksyon ng mga lalake at marami ang nagprisinta na maglaro. But I already pick the two players I thought will give me a good show tonight while I am watching them a while ago. Nagpahayag ng panghihinayang ang ibang mga lalake pero tumayo na lang din sa gilid para manuod.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napapailing si Kuya Baste sa ginawa ko. I didn't mind him. Nakatutok ang paningin ko sa mga bolang inaayos sa rack.
Sinimsim ko ang martini habang naghihintay na magsimula ang laro.
The first player made the break shot and the balls scattered. Hindi masyadong malakas ang tira pero naghiwa-hiwalay pa din lahat ng bola at marahang gumugulong palayo sa isa't isa.
Yes, slowly. The balls are scattering slowly.
I gave a short laugh again to myself.
Katulad ng mga alaala namin ang mga bola. Alam kong kaya ko ding gumawa ng break shot na ganoon. I can do that slowly too. At tulad din ng dalawang naglalaro ay sisimulan kong i-shoot sa pocket ang stripe and solid balls hanggang mawala silang lahat sa ibabaw ng billiard table.
Hanggang walang matirang alaala namin ni Rion...
I know I can do that.