The Dilemna

3205 Words
Dollar's POV I first checked my reflection in the mirror then headed out of my unit. Para lang mapapadyak sa inis. Not again. Sa loob ng dalawang linggo simula nang pag-usapan namin ang lintek na closure na iyan ay hindi pa din niya ako pinapatahimik. "Don't worry. This is goodbye." Shamari said, arms crossed, hindi mukhang malungkot, hindi din mukhang natutuwa. Nabitin ang pag-pout ko sa sinabi niya. Goodbye daw? "Why?" Saka ko napansin ang hawak niyang papel sa tagiliran niya. At namilog ang mga mata ko. "What? Mamatay ka na?! Is that a medical result?" Aagawin ko sana sa kanya ang papel pero iniwas niya agad iyon. "Silly. It's not about me." "Oh my--- mine?" "Tss." At inabot niya sakin ang papel na naiinis. Binasa ko ang nasa papel. Well, it is my printed resignation letter. Napatingin ako kay Shamari. "I've signed it, finally." Nakita ko nga ang received signature niya sa ibaba ng papel. "Pinapayagan na kitang mag-resign." Ganoon pa din ang mukha niya, hindi mukhang nalulungkot o natutuwa. I really admire her when she's putting her poker face on. Napatawa ako ng malakas."Hindi ko naman hinihingi ang pagpayag mo eh. Pero sige na nga." Napangiti ako. I'm free at last. "I'm going. May lakad ako." Nilagpasan ko siya pero nanibago ako nang hindi siya sumunod sakin. She's acting weird. "Okay... yayain na nga kita. Gusto mo bang sumama sakin? We should celebrate. What do you think?" Magkikita kami ni Zilv ngayong gabi. At syempre kahit sa huling pagkakataon, gusto kong inisin si Shamari kapag nalaman niyang isasama ko siya sa lakad namin ni Zilv. "I talked to Rion." She said seriously. Natigilan ako at napatango. "Okay... bye." Binalak kong mag-walk out. Pero hindi ako nakatiis na bumalik sa harapan niya. "Kailangan mo pang kausapin siya bago mo ako payagan? O si Rion mismo ang nag-utos na payagan mo 'kong mag-resign?" Parehong hindi katanggap-tanggap para sa ego ko iyon. At nararamdaman kong mag-aaway na naman kami ni Shamari dahil sa ginawa niya. "It's my decision. But I also opened up the topic about closure..." Nakataas-kilay niyang pambibitin. Nararamdaman ko ng papunta sa pagkasira ang gabi ko. "And I don't need to ask you what he said because you will say it anyway, right?" Pandidilat ko sa kanya. "Well, you need to ask me." She challenged. Gusto kong iikot ang mga mata ko sa inis. Gusto ko siyang sakalin. Hmm... pero gusto ko bang malaman? Of course! Para hindi ko na kailangang puntahan pa si Rion! "Okay, so what did your brother tell you?" "Sabi niya pwede kang pumunta sa kahit saan mo gustong puntahan." Umiwas ng tingin si Shamari kaya nagduda ako. "Quote, unquote? And why did he say something like that? Hindi naman ako nagpapaalam sa kanya na may pupuntahan ah." Nagkibit-balikat lang si Shamari. I'm sure nagsisinungaling siya. O baka naman kung saan pumunta ang pag-uusap nila kaya nasabi iyon ni Rion? But one thing is clear: wala na talagang pakelam sakin si Rion. Wala siyang pakelam sa resignation ko o kung saan man ako pumunta. "And, Dollar..." Shamari stopped me. "Nakahanap na nga pala ako ng papalit sa'yo." "That fast, huh." Parang gusto kong magtampo, samantalang namomroblema siya dahil baka maging malaking epekto kapag bagong mukha ang i-launch ng Astra dito sa Pilipinas. "Yeah, and I think you know her." Naintriga ako kaya hinarap ko siya ulit. "Who?" "The woman on the island. Rion knows her too." The woman on the island... Nahigit ko ang hininga ko at isang mukha lang ang rumehistro sakin. Ang babae sa bahay ni Rion! Ang ka-together for years now ni Rion! "Nyssa St. Martin." Shamari added. A St. Martin! Kaanu-ano siya ni Vaughn? Ni Vladimir? "W-What?!" "In two weeks' time, you will be out of the company. At nasa akin naman ang pagde-desisyon kung sino ang ipapalit ko sa'yo." Tiningnan ko siya ng masama. "Did you know... that..." alam ba ni Shamari ang kaugnayan ng Nyssa na 'to kay Rion? "Na... may relasyon silang dalawa ni Rion?" "Ahuh. I can tell kahit hindi sabihin ni Rion ang score sa kanila." "At pinahihingi mo 'ko ng closure sa kapatid mong may ka-relasyon ng iba?!" Tek! Gusto ko siyang sakalin. "He owes you that!" "Damn!" Damn the St. Martins, except for Vaughn and damn the Flaviejos except Lolo! Diniinan ko ang pagpindot sa button ng elevator na kanina ko pang hinihintay. Binalik ko ulit ang tingin kay Shamari, sa naniningkit na mga mata. Napansin kong hawak ko pa din ang resignation letter ko na ngayon ay crumpled na. An idea hit me. Ah, bahala na. Pero hindi ko mapapayagan na layasan lahat ng 'to na ako ang pinakatalo. Na ako ang pinaka-pathetic na iniwang girlfriend at c-in-rossed out sa buhay ng boyfriend niya at hindi makakatikim ng closure! I can't be the aggrieved party! Not Dollar Mariella Viscos! Sinasaid talaga ng universe at ni Rion ang pasensya ko! Damn him! Bumalik ako kay Shamari at binalik sa kanya ang resignation letter ko. "So, are we putting your resignation on hold?" At hindi man lang tinago ni Shamari ang pagngiti. "You are tricking me!" Damn her! "I'm a businesswoman, Dollar. I know what's good for my business. Don't push your resignation anymore at hindi ko ico-consider si Nyssa na kapalit mo. Pero kung ipagpipilitan mo, well, I wish you good luck. Move on fast this time, Dollar. You will really need that." "I so hate you!" My last words before finally leaving her. ************* "Zilv!" Tinakbo ko si Zilv at niyakap siya mula sa likod. Hindi ko pinansin ang mga taong napalingon samin dahil sa malakas na pagtawag ko o ang isang paparazzi na nakakuha agad ng pictures ko. I'm just too happy to see him again. Kulang ang pagkikita namin sa isla dahil umuwi agad ako. Pero siya na mismo ang nagsabi na magkikita pa nga kami. And I just got a text from him this afternoon that he is in town. At dito nga ako pinulot ng pangalan ng hotel na binigay niya. A painting exhibit. Painting na mga aso ang subject. Konting tao lang ang nandito at napakatahimik. I'm not surprised. "Dollar." He acknowledged at inakbayan ako. "So what do you think?" Kiniling niya ang ulo sa painting na kanina niyang tinitingnan. Mula sa paghagod sa kabuuan niya at paghanga dahil minsan ko lang siya makitang nakasuot ng formal ay nilipat ko ang paningin sa malaking canvass. It was a black and white illustration of a face of a pup smiling with its tongue out. Kahit walang kulay kundi puti at itim ay parang maliwanag pa din ang painting dahil sa cute na tuta. "Cute. I think the painting will bring positive energy to your room." "I think so too." Sabi niya nang nakatingin pa din sa painting. Humilig ako sa dibdib niya habang nakatingala pa din sa painting. "But I think... painting of your cute human babies will give more positive vibes not just in your house... but in your life." Nakangisi ko siyang tiningala. Zilv just smiled at me and pat my head. "But of course you have to find the mother first." Bulong ko at pailalim siyang sinilip, tinatantya kung hindi ba siya titiklop ngayong balak kong tungkol sa kanya ang pag-usapan. "Yeah..." Zilv whispered. Parang hindi naman nakikita ang tinitingnang painting at may naalalang kung ano o sino. Napataas ang kilay ko sa sagot niya. It would be the first time that he agreed and didn't close the topic concerning him. "I'm not talking about Shamari, Zilv! She's evil!" Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Shamari kanina. But Zilv gave a bark of laughter. Napatingin ang iba samin. At may nakita pa 'kong mga babaeng napangiti na parang kanina pa syang sinusulyap-sulyapan talaga. I am between kidding Zilv and feeling irritated again with Shamaw. Pero kung anuman ang mangyari sa kanila ni Shamari in the future sisiguraduhin kong gagantihan ko muna si Shamari sa ginagawa niyang pamba-blackmail sakin para hindi ako mag-resign bago ko siya suportahan para kay tatay Zilv. "Ano na namang pinag-awayan nyo?" Lingon niya sakin habang kinukuha ang braso ko para akayin sa susunod na painting. Nag-isip ako kung sasabihin ko kay Zilv ang pagpigil ni Shamari na mag-resign at tungkol sa kaninang pinag-usapan namin. Mag-aalala si Zilv kapag nalaman niyang nawawalan na naman ako ng direksyon, siguradong hindi siya aalis sa tabi ko. I wouldn't want that to happen. Because I know he's also carrying something to himself for a long time. Ayaw ko ng makadagdag sa napakaraming ginagawa niya. Isa pa, malaki na 'ko. "Nothing... just petty things." Zilv jusy eyed me. Kung naramdaman na may nililihim ako ay hindi na siya nagsalita. "Zilv..." tawag ko ulit sa pansin niya. Hindi ko mapigilang hindi itanong sa kanya ito. "Hmn?" "Who's Nyssa St. Martin?" Tumitig sakin si Zilv. There's no need to hide my emotions in my face, kilala niya 'ko masyado. Yeah, jealousy is eating me. Dahil feeling ko mas nakakalamang si Nyssa sakin. Siya ang nakasama ni Rion sa maraming taong nakalipas. Samantalang, isang taon lang ang naging relasyon namin. Paano na kapag nalaman ko pa ang totoong ugnayan niya kay Rion? Pagseselos pa din ba iyon? O panibugho na? "Vladimir's bastard." Walang gatol niyang sagot. Hinintay ko ang sasabihin niya pa pero hindi na siya nagsalita ulit at tinitingnang mabuti ang painting sa harap. "Of course I can figure, Zilv. Ilan lang naman siguro ang St. Martin sa mundo at hindi lang coincidence na ka-apelyido niya si Vladimir. Hindi iyan ang gusto kong marinig na sagot." I knotted my forehead. "Why do you have to know her connection to Flaviejo?" Nakakunot-noo din siya sa tanong na iyon pero hindi mukhang naiinis. "So... I can move on." Nawala ang kunot ni Zilv at kinabig ako palapit sa kanya. "Just say the word, Dollar and I will kill Rion for you." Napatawa ako ng mahina. Matagal na niyang offer yan. Seven years ago pa. Pero alam namin pareho na hindi niya magagawa iyon. Siguro noong mga panahong naliligaw pa sila ng landas at pareho pa silang hindi nare-recruit ng team ay nagawa na nila iyon sa hindi mabilang nilang away. But they may not talk to each other if they are in the same room but they had each other's respect that developed to a tighter friendship over the years. Hindi pumagitan ang nangyari saming dalawa ni Rion sa pagkakaibigan ng tatlong lalake. Dahil mas madalas silang magkakasama at marami silang pinagdaanan na magkakasama. They had each other in ups and downs. And I am sure that the two somewhat know Rion's reason for leaving me. Pero piniling hindi sabihin sakin dahil nirerespeto nila ang desisyon ni Rion habang pinoprotektahan din ako. Kaya alam kong mahirap din kay Zilv pumili sa pagitan namin ni Rion. Zilv knows a lot about me and a lot about Rion too. That's why Zilv is the one who can understand, he's not choosing sides, he never meddles and it makes me more comfortable to confide to him without worrying that he might tell Rion. "So, care to tell me about this girl of the St. Martins?" Tingala ko sa kanya. Umiling siya. And I pouted. "I thought no secrets between us?" "She's not a secret. I just don't care about her." Tumangu-tango ako. "Dollar." "Hmn?" "Don't do something stupid. Don't seek things about her." "And why?" Genuine ang nakita kong dumaan na pag-aalala sa mukha niya. Lalo tuloy akong naintriga sa Nyssa na 'to. "If you want to know her then the safest thing is to ask Rion." "What?!" Natapik ko siya sa dibdib sa pagkabigla. Hindi lang pala si Shamari ang nagpapapunta sakin sa lalakeng iyon. "I won't do that." "Then forget about her." Paano ko siya makakalimutan gayong siya ang balak na ipalit ni Shamari sakin? Alangan namang hindi ko na ituloy ang resignation? But I want out! Pero... Naiinis ko siyang tiningala. "Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sakin?" "I already told you what I need to say. She's Vladimir's bastard which means she is no good to you and you should stay away from her." "C'mon, bakit di mo pa sabihin na nagkarelasyon sila ni Rion. Dahil alam ko na naman. I just want to confirm from you." Napatingala si Zilv at saka tinungo ako. "They are business associates. Well, you can figure that because she is a St. Martin and Vladimir is associated first with Rion." "And? Is she the reason why Rion didn't come back to me?" "Sa tingin mo kahit sagutin ko yan ay mapapayapa ka? You know the only person who can answer that truthfully is him." Tama naman siya. Si Rion lang. At bakit pa 'ko masosorpresa kung naging magkarelasyon sila? Hindi ko masisisi si Nyssa kung mahalin ang katulad ni Rion. Hindi ba't ang tagal ko din siyang hinabol dati? Rion has that spell on women. But I want to know if their love is one-way traffic? Mutual ba? Si Nyssa ba ang dahilan kung bakit nakalimutan na ako ng tuluyan ni Rion? Is their love greater than what Rion and I shared? "You are right. I'm sorry. Hindi ganito ang gusto kong pagkikita natin" Tiningnan niya 'ko nang may pang-unawa. "Will you marry Shamari, Zilv?" Matamlay kong pag-iiba ng topic. Nakatungo pa din siya sakin. Poker face ang tatay ko. "I hinted earlier that you will be against it." Nagkibit ako ng balikat. "She hates me sometimes and I hate her most of the time. And she hates dogs." "Is that a discouragement?" Nakataas-kilay na tanong ni Zilv, amusement in his eyes. "Yes." Napapangiti kong sagot. Napatawa naman ng mahina si Zilv at inakbayan ulit ako. We moved from painting to painting and contemplate which one to buy. At habang ginagawa namin iyon ay nubos namin ang gabi sa pagkukulitan. I suddenly forgot about Shamari's threat. Sa isang pag-ikot ko para lingunin si Zilv na kausap ng curator ay hindi sinasadyang nabunggo ko ang isang babaeng nasa gilid ko. The woman's purse fell on the floor. At bago ko makuha ay nakuha na agad iyon ng babae. "I-I'm sorry." Apologetic kong sabi. "No, it's okay." The middle-aged woman smiled at me. At susundan ko na sana si Zilv nang mapansin kong nakatitig pa din sakin ang babae. At naiilang man ay nginitian ko na lang siya. "Are you okay, Ma'am?" Tanong ko sa ginang. There is something in her eyes like... longing. At gusto kong isipin na pamilyar ang babae. Pamilyar ang maamo at magandang mukha ng babaeng sa hula ko ay nasa late forties ang edad. She has a petite frame at morena ang balat. "Yes, hija." Iyon lang at nagmamadali nang umalis ang babae. Nililingon ko ang paglalakad niya palayo nang umakbay sakin si Zilv at niyaya akong magdinner sa isa sa mga restaurant ng hotel. I completely forgot about the woman. ************* "So kelan ka magbabakasyon dito? Handa na yung cottage mo at tanung ng tanong sakin ang inaanak mo kung kelan ka daw dadating." Animated na sabi ni Euna mula sa monitor ng laptop ko. Through video call na lang ang communication namin ni Euna na sobrang bihira pa. Sobrang busy namin pareho. Nakapag-asawa siya ng foreigner at may isa ng anak na babae. She and her husband are running a farm in the serene countryside of Australia. At matagal niya na 'kong niyayang magbakasyon doon. Well that was really my plan after my resignation. Pero dahil sa pambabanta ni Shamari na ipapalit niya si Nyssa St. Martin sa oras na umalis ako, na hindi ko pa din matanggap hanggang hindi ko siya nakikilala ay baka matagalan pa bago mangyati iyon. "I still have to settle things before going there." Sagot ko sa kanya at nangalumbaba sa kama. "May pangalan ba yang things na ise-settle mo?" Taas-baba ang mga kilay ni Euna. "Yeah. Nyssa St. Martin." Daig ko pa ang nakakain ng ampalayang hilaw kapag binabanggit ko ang pangalan niya. Kahit wala pa man siyang ginagawang masama sakin, ganito na ang nararamdaman kong inis sa kanya. Bakit kaya? Well, dahil may kaugnayan siya kay Rion. At kasalanan din niya na nasa kanya lahat ng pisikal na katangian ng mga babaeng d-in-ate ni Rion bago naging kami. And does this Nyssa really fit to carry my slippers? Hindi ba at nakakagalit na siya na nga ang pumalit sakin sa buhay ni Rion tapos siya pa ngayon ang papalit sakin sa Astra? Teka... baka naman ako pala ang kontrabida sa kwentong to? Baka naman nakatakda talagang dumaan lang ako sa buhay ni Rion? I exhaled harshly. "St. Martin?" "Yeah." At pahapyaw kong kinuwento kay Euna ang pagkikita namin ni Rion at ni Nyssa sa isla. Pati din ang pinag-usapan namin ni Shamari about sa closure at ang balak niya na palitan ako ni Nyssa at interes ko ngang makilala kung sino talaga siya. "Why don't you ask Vaughn?" Suggestion niya. "I don't think so." Sa totoo lang naisip ko na din iyon. Pero ayokong itanong kay Vaughn dahil alam kong kinakalimutan niya na ang kahit anong may kaugnayan sa pamilya niya lalo na si Vladimir. "Bakit mo pa kasi kailangang malaman ang tungkol sa babaeng ito eh magmo-move on ka na nga?" Pandidilat ni Euna. "I don't want to close the chapters without knowing the complete details." "Then don't close it! Ngayon pa na nagkita na kayo!" Dumukwang sa monitor si Euna para i-emphasize ang sinasabi. Pinandilatan ko siya ulit. "Moving on is the only way for my world peace." Nakita ko siyang umiling sa screen at sumubo ng cracker. "Sometimes you need to move backward Dollar." "And why?" Another piece of advice from a friend is coming. Sa panahon ngayon, kailangan ko nga yata talaga ng words of wisdom dahil hindi ko maasahan ang takbo ng utak ko kapag involve ang puso ko at si Rion. "Dahil sa pagmo-move on mo eh baka nahulog ka na pala sa sa earth, you need to move backwards for safety measure, be still there because you belong there. Wag isod ng isod friend nahihirapan ka lang lalo, pwedeng bumalik. And you can go back by following your friend's advice. Talk to Rion. After that then go, close your eyes, and then jump off the earth." Shamari, Zilv and now Euna. Sarili ko na lang ang tanging kontrabida sa pinakamabisang gawin, ang pagka-usap kay Rion, para matapos ito. Napatunganga ako. I'm contemplating on what she said and it was like hearing Shamari's voice and Zilv's in my head again. That I need to talk to Rion. Nakita ko sa screen ang paglitaw ng mestisang anak ni Euna, si Charlie. Nagkukusot ito ng mata na halatang kakagising lang. The cute kid ask her mother for her milk and hugged her. Aw, sweet... Nag-hi ako sa inaantok pang bata at nagpaalam na din kay Euna dahil sigurado akong magiging abala na siya. We bid our goodbyes and remind me again about my vacation in their place. Sinarado ko ang laptop at nahiga sa kama, nakipagtitigan sa kisame. I remembered what Euna has implied. That I have to move backward by talking to Rion. Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko. Wala na kong babalikan. I'm all alone in this world. Rion is on another planet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD