Unang Hubad
" And where exactly do you think your going Miss? " tinaasan ko ng kilay at pinaweywangan ang gwapong lalaking nakaharang sa pintuan ng hospital suite na kinalalagyan namin. Malaki siyang tao na halos umabot lamang ako sa kanyang balikat. I am 5'7 pero mistula akong bansot sa sobrang tangkad niya. Nakaka intimidate ang kanyang postura lalong lalo na ang kanyang mga mata na kay talim na nakatingin sa akin. Siya yung tipo ng lalaki na kahit hindi yata maligo ng ilang araw o kahit isang linggo pa ay mananatili pa ring mabango sa iyong paningin. His features was so manly, yung mga tipong pang greek god ba.. pero sad to say hindi ko tipo ang mga kagaya niya. I rolled my eyes upward dahil parang tanga lamang ang lalaking ito dahil kung nag iisip siya sana alam niyang hindi ako makakaalis o makakatakas sa apat ng sulok ng kwartong aming kinalalagyan kung nakaharang siya mismo sa pintuan.
"Why dont you answer your own question, Mister? Where do you think Im going? Masama na bang tumayo sa couch na ito para mag inat ng kaunti dahil namimintig na ang mga ugat ko sa pagkakaupo? Do you honestly think na makakatakas ako dito or mabubuksan ko ang pintuan na nasa likuran mo kung ikaw ang nakaharang dyan? " pagtataray ko sa kanya. Nakarinig ako ng mahihinang tawanan na alam kong nagmumula sa aking mga matalik na kaibigan na si Thea at Sabel na nakaupo sa couch na aking inupuan kanina. Kating kati akong lingunin sila para mabigyan ng isang nakakamatay na tingin para sila ay tumahimik at makisama dahil sa totoo lang sa mga nangyari kanina mukhang tuwang tuwa pa sila ng hatakin ako ng sangganong lalaking ito pagkatapos buhatin ng mga bouncer sa club patungo sa sasakyang ang lalaking hudas na talipandas na m******s na damuhong humawak sa magkabilang kong dede na natulog dahil sa malakas na pagkakabalibag at suntok ko sa kanyang mukha.
Alam mo yung para kang sasabog sa kahihiyan, galit at sama ng loob dahil for the first time in my life my nagtangkang or sabihin na nating hinipuan niya talaga ako sa parte ng aking katawan na kahit kailan wala pang nakakahawak. . kung tutuusin kulang pa ang ginawa ko sa kanya.. kulang pa ang ginawa ko sa koreanong, hapones at intsik na talipandas na lalaking ito na hanggang ngayon ay tulog pa sa ibabaw ng hospital bed, halos 4 na oras na ang nakakaraan simula ng ipasok siya dito. Parang ang OA na talaga, hindi pa buong pwersa ko ang ibinigay ko sa suntok na tinamo niya dahil mabilis akong napigilan ni Sabel kanina. Gusto ko pa sana siyang sipain sa sikmura, baliin isa isa ang kanyang mga daliri at tadyakan ang kanyang pag aari kasi iyon ang mga bagay sa mga kagaya niyang manyak!!
" Wag mo akong pagtaasan ng boses babae. Malaki ang kasalanan mo sa kapatid ko. He suffered from mild concussion, broken fingers and bruises on his right e---------- tumaas na ang presyon ko!! I am usually calm, hindi ako yung tipo na madaling maputol ang pisi dahil sobrang haba ng pasensya ko pero sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan simula ng mahipuan ako ng manyak ng koreanong hilaw na iyon na nasa hospital bed na parang sarap na sarap sa pagtulog eh para na akong bulkan na sasabog!! hindi ko kasi talaga matanggap na naisahan ako! abnormal ang magkapatid na ito.. parang lumalabas na ako pa ang may kasalanan ah!! eh samantalang ako ang agrabyado!!
" I suffered from humiliation Mister whoever you are!! Your freaking maniac brother s****l harassed me. Kaya wag mong masabi sabi sa akin na ako pa ang may kasalanan sa inyo o dyan sa m******s mong kapatid dahil tama lang ang mga nangyari sa kanya at kung tutuusin kulang pa ang tinamo niya sa akin dahil sa ginawa niyang paghihipo sa aking magkabilang dibdib. Your p*****t maniac brother deserve everything he gets from me!! I can sue him. No! I will sue him once na magkaroon na siya ng malay para magtan--------
" Jaja, kalma lang teh! hindi ka naman niya inaaway--------- sansala sa akin ni Sabel na nasa tagiliran ko at hawak hawak na niya ng mahigpit ang aking kanang braso dahil umaabante na ako papalapit sa gwapong lalaking iyon na nasa pintuan. And honestly pati siya makakatikim sa akin kapag hindi ako nakapagpigil.
" Sabelita, hayaan mo siya. Hayaan mong ilabas ni Jaja ang lahat ng galit niya. At kung ako sayo bibitawan ko na yan dahil natitiyak kong pati ikaw tatalsik na lang kung saan kapag nagpumiglas yan. Ikaw din hindi mo na madadalaw sa TIP ang boyfriend mong proffesor doon." relax na relax niyang sabi habang pinagmamasdan nito ang kanyang mga daliri na kaka manicure lamang kanina bago kami mapunta sa punyetang club na iyon.
" Pero Thea, baka magising si pog---------- arayyyyyyy----- jaja naman ehhhh---ara------ hiyaw niya ng malakas ng walang abog abog na dumapo ang aking kanang kamay sa kanyang singit at kinurot ko iyon kahit pa nga may damit pa siya. Hindi siya magkandatuto tuto sa pagpapaalis ng mga daliri ko. Iwas siya ng iwas pero mas lalo kong dinidiin. Alam kong magmamarka iyon ng bitawan ko ito. Ang akala ko nag aalala siya sa akin. Iyon pala sa lalaking pang iyon dahil sa ano? dahil pogi?? Malalandi talaga!! ubod ng kalandian sa kataw-----------
" Well magsimula ka ng maghanap ng magaling na abogado, babae. Dahil sinisigurado kong kami ang mananalo kung sakali mang magsampa ka ng kaso. "
" Talaga? Kayo ang mananalo? Papaano ka naman nakakasiguro lalaking matanda? ------ kitang kita ko ang agarang pagtiim ng bagang nito pagkarinig niya ng salitang matanda. So iyon ang weakness niya, pwes mas lalo ko siyang gagalitin. " Lalaking matanda, maghanda ka na dahil hinding hindi ko kayo uurun------------
" For fvck sake woman!! Hindi pa ako matanda para sabihan mo ako ng ganyan. Parehas na parehas kayo ng babaeng iyon! I am Atty. Matheo Liel Nicol. And I suggest you find someone who is better than me! Yung kayang kayang tapatan ang galing ko pagdating sa pautakan, Ms. whoever you a-------
" Oh.my.god!! that's why you are very familiar kyaaaaaaahhhhhh---- deym Thea!! siya yung sinasabi ko sayong nag top 1 sa bar exam!! oh my------- halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya. Tinakpan ko pa nga ang aking tainga dahil doon. Kagat labing tiningnan ko ulit ang kinatatayuan ng hambog na lalaking iyon. Abogado pala siya ha, abogado pala kaya mayabang. Anong akala niya siya lang ang magaling at walang makakatalo sa kanya. Makikita niya sa akin.
" Ang bunganga mo naman Sabelita!! Tone down your voice, nadidinig naman kita ehh!! yang kalandian mo naman rendahan mo! ano ka ba? Nagkakagulo na nga yang tuliling mo pa sa utak ang inuuna mo." banas na banat naman ni Thea na prenteng nakaupo pa rin. Hindi ko ba alam kung paano kami nagkasundong tatlo dahil sa totoo lang lubos kaming magkakaiba.. sa way ng pananamit, pagsasalita, sa ayos, kilos at galaw..
" Weeeehhh sorry naman. Kasi ilang beses na kaya siyang na feature sa mga magazine dahil ang dami niyang naipapanalong mabibigat na kaso. Pati sa tv laman siya ng mga balita. How come na hindi mo man lang siya nakilala Jaja? Wag mong sabihin sa akin na simula ng masira yung tv niyong minana mo pa sa lola mo ay hindi ka na bumili. Diyos ko ha.. maloloka ako sa tv mong nasa loob pa ng cabinet-------------
" Maria Isabelita Asuncion Flores tumahimik ka na!" nanlaki ang kanyang mga mata ng banggitin ko na ang buo nyang pangalan kasabay ng pagturo ko sa couch na kinauupuan ni Thea na busy naman sa pagkakalikot ng cellphone nito. Boring na boring na siya, I can tell. Mukhang na gets naman niya ang ibig kong sabihin dahil naglakad ito papalayo sa akin habang humahaba ang nguso at bubulung bulong pa. Napahinga ako ng malalim at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay dahil sa frustrations na idinadagdag pa niya. Pero halos panayuan ako ng balahibo ng pumailanlang ang mapanghibo ng boses na iyon na tila ba nang aakit--- kinikilabutan ako ng hindi maintindihan.
" Whoahhh anong meron at napapalibutan tayo ng ma-magagandang babae Kuya bah--------
" Sige ituloy mo ang salitang iyan Manyakol ka at talagang pababayaan kitang baliin niya ang mga daliri mo at ipapatadtad ko pa yang supot mong pag aari sa babaeng amasona---------
Pinakatitigan ko ng masama ang abogadong iyon. Naputol tuloy ang kanyang sinasabi dahil doon. Mabilis kong nailapat ang aking mga mata sa hudas na lalaking iyon na ngising ngisi pa habang tila ba nasa bahay lang siya, nakahiga sa kama habang nakapangalumbaba pa. Tila hindi niya alintana ang sakit sa pasa na tinamo niya sa akin. Namumula at medyo nangangasul na nga ang kanyang kanang mata dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kanyang kanina. Mild Concussion? iyon ang sabi ng doktor na tumingin sa kanyang kanina.. pero bakit parang wala naman siyang nararamdamang pagkihilo!! parang mas lumala pa ang sapak niya sa ulo.. Napasinghap ako ng kindatan niya ako kasabay ng pagkagat niya pa sa kanyang pang ibabang labi sa aking harapan. " Fvck!" Ibang klase talaga ang kapal ng apog niya.
" Hi Miss, anong pangalan mo?"
" Ako? tinatanong mo ang pangalan ko? --- tinuro ko pa ang aking sarili bago ako naglakad ng marahan papalapit sa kanyang hospital bed. Yung ngiti ko tabingi, kasi gigil na gigil ako sa kanya. Kasi naalala ko ang kabastusan na ginawa niya sa akin at umaakto siyang parang wala siyang ginawang kamunduhan at kabastusan sa akin!! kaya mas lalo akong nagagalit!! " Ako lang naman ang dudurog sa mga buto mo hanggang sa wala ng matira pa sayo, ang kakalbo sa mga buhok mo sa pamamagitan ng tyani! ang puputol sa pag aari mo sa pamamagitan ng nailcutter! Ang papatay sayo para mabawasan ang mga m******s na kagaya mooooo!!!"
" Ja!!"
" Jaja!!"
Sigaw ng aking mga kaibigan pero hindi na nila ako napigilan.
" Araaaaaayyyyyy ------ hmmmmpppp---- K-Kuyaaaaa-------
to be continued---