CHERRY'S POINT OF VIEW Kinabukasan…. nagising akong mugto ang mga mata dahil buong gabi akong umiiyak. Pinipilit ko ang sarili kong kumalma, pinipilit na tumahan na ako sa pag-iyak, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, kapag pilit akong tumitigil sa pag-iyak ay sumasakit ang dibdib ko, kumikirot ang puso ko na para bang paulit-ulit akong sin*saksak roon. Humarap ako sa malaking salamin, pinagmamasdan ang sarili at kitang-kita ko ang naglalakihang eye bags sa ilalim ng mata ko. Habang nakatitig ako sa salamin ay nagsimulang umingay ang isipan ko. “Ang bilis mo kasing ma-attach, Cherinah. Ilang buwan ka pa lang nagta-trabaho sa kumpanya niya, ilang linggo pa lang magmula ng maging malapit kayo sa isa't-isa at naging naging ganito ka na.”

