CHERRY'S POINT OF VIEW Huminto ang sasakyan sa harapan nang napakatayog na building. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay nakatanaw ako roon, kahit gabi at kitang-kita ang nagsusumigaw na kagaraan ng gusali. Maraming tao sa labas, nakasuot ng mamahaling damit at kitang-kita rin ang estado ng buhay nila sa paraan ng kanilang pananamit. Maya-maya pa ay bumungad sa aking harapan si Kael, bahagyang nakatabinge ang kanyang ulo na nakatingin sa akin. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan, inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan, sumenyas na hawakan ko iyon. Tipid akong ngumiti at unti-unting inangat ang kamay ko para ihawak iyon sa kanya, inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan, inangat niya ng bahagya ang tela ng suot kong night gown para hindi ko iyon maapakan. “Hey,” saad niya,

