Pagkalipas ng tatlong buwan… Sa pangalawang pagkakataon ay ipinagpatuloy nila ang kanilang nabinbin na pag-iisang dibdib. This time mas solemn at mas private. Wala nang nakabantay na mga pulis sa buong paligid. Hindi na rin sila kakaba kaba na any minute ay baka may sumulpot na isang tao upang manggugulo sa kanilang pinakahihintay na sandali ng kanilang buhay. Copper and Yani were rest assured that everything will go smoothly today, sa gabay na rin ng Maykapal. Sa parehong lugar pa rin sa pribadong resort na nasa tuktok ng bundok sa Baguio ang pinili nilang pagdarausan ng kanilang kasal pati na ang kasunod na reception. Ngunit dahil sa nagamit na ang mga bagay na pinalamuti sa lugar na iyon noong nakaraan ay nagbayad ulit sila specially para sa mga panibagong bulaklak na ididecorate

