9:45 AM. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo maging sa kanyang leeg habang tinatakbo ang kahabaan ng sikat na pampublikong parke sa Baguio, ang Burnham Park. Doon siya madalas pumunta tuwing umaga upang mag-jogging para pagpawisan at sumigla ang buong katawan para sa susunod na namang matagalang oras ng duty bilang isang pulis.
Suot sa pang-ibaba ang kulay gray na cycling at sports bra sa pang-itaas na inibabawan lang ng puting sleeveless na hanging shirt. Itinirintas niya ang lampas sa balikat na itim na buhok upang hindi maging sagabal sa mukha sa gagawing pagtakbo. She strapped her phone on her arm habang ang isang earpods ay nasa kaliwang tenga nakikinig ng nakakaindak na musika habang ang isang tenga ay aware sa ingay sa paligid, nang mapansin niyang naalis ang pagkakasintas ng suot na itim na sapatos sa kanang paa . Agad siyang huminto, at yumuko para isintas iyon. Nasa ganoon siyang pagkakaayos nang ilang saglit pa ay mula sa kanyang likuran ay may narinig siyang pumito na isang lalaki. Hindi man sigurado kung siya ang pinipituhan ng taong iyon ay naitaas niya ang paningin at naisalubong ang mga kilay. Ilang saglit pa pagkatapat mismo ng lalaking iyon sa kanya ay may binitawan itong isang salita na ikinasingkit ng kanyang mga mata sa galit.
“Hi, sexy!”
Tila nagpanting ang kanyang tenga, naitaas ang isang kilay at nangalit ang mga ngipin na sinundan ng tingin ang lalaki na kasalukuyang nagjo-jogging din. Agad niyang tinapos ang pagsisintas sa sapatos at kapagkuwan ay tumakbo ulit upang sundan ang lalaki. Mabilis ang kanyang ginawang paghabol dito at pagkalampas na pagkalampas niya sa lalaking iyon na nag ‘cat calling’ sa kanya ay pumaupo at iniharang ang paa sa daraanan nito upang patirin ito. Sa bilis ng pagtakbo ng lalaki ay hindi na nito naiwasan iyon at agad na napatimbuwang ito sa konkretong daanan.
Nilapitan niya ito. She then grabbed his shirt up. Sa liit ng kapa ng katawan ng lalaki ay tila nagbuhat lang siya ng isang may kabigatang luggage. Pinaupo niya ito sa sementadong daanan paharap sa kanya upang kausapin ng face to face.
“Alam ko sexy ako, but you don’t have to remind me,” she smirked at the guy. “Pero sa susunod pigilan mo sana ang bibig mo na pumito, nakakabastos eh! Baka next time hindi lang ‘yan ang matitikman mo galing sa akin!” nanggigigil na may paglaki pa ng mga matang turan niya dito.
Tila nanghintakutan naman ang lalaking iyon na napaatras ng ilang inches sa pagkakaupo at napatango lang sa kanya ng ilang beses. She sarcastically gave him a smile, got up and left immediately. Madali lang pala itong kausap. Sa mga sumunod na minuto ay ipinagpatuloy niya ulit ang pagtakbo at ipinokus ang atensyon sa ginagawa.
Nakaka-isang lapse pa lang siya ulit sa pagtakbo nang ilang minuto pa ay may marinig siyang nagsisisigaw na isang babae sa hindi kalayuan. Naibagal niya ang pagkilos ng mga paa, at inilingo lingo sa paligid ang paningin.
“Snatcher! Snatcher!... Ang wallet ko!.. Tulong!”
Mabilis na hinanap ng kanyang pandinig ang kinaroroonan ng babaeng humihingi ng saklolo. Ngunit sa dami ng nagkukumpulang mga tao sa iba’t ibang parte ng parkeng iyon ay tila hindi niya mawari kung saan hahagilapin ang sumisigaw na babae.
Talamak talaga ang nakawan at agawan ng mga bagay sa lugar na iyon. Isa kasi iyon sa pinaka-dinarayong lugar sa Baguio. Ang pagkakaroon ng magandang klima at tanawin sa lugar na iyon ang dahilan kung bakit dinarayo iyon ng maraming tao mapa-lokal man o galing sa ibang lugar o bansa. Isa ring dahilan kung bakit doon siya palagi tumatakbo sa umaga ay para masawata ang masasamang gawain ng mga ito na balita niya ay karamihan ng mga miyembro ay mga kalalakihang nasa menor-de-edad.
Inilingo lingo niya ang mukha umaasa na may makitang komusyon mula sa narinig na nagsisigaw na babae. Nang biglang may makita siyang isang lalaki na kumakaripas ang takbo, hindi nito alintana ang mga nababangga at nasasanggi na ibang tao.
Target spotted.
Kumaripas siya ng takbo para sundan ang may kapayatan at hindi naman kataasang lalaki. Tama nga ang usap usapan at tila menor de edad nga lang ang mga malalakas ang loob na gumawa ng isang klase ng masamang gawain doon sa kanilang lugar.
Sandali siyang napahinto nang matantya na hindi na niya mahahabol ang bata. Tiningnan niya kung saan ito papunta at imbes na habulin ito ay balak na lang itong salubungin. Patungo ito sa tagong eskinita. Pinabilis pa niya ang pagtakbo habang pinagmamasdan kung tama ba siya ng hula kung saan padako ang batang snatcher. Ilang sandali pa ay nakita niya ang bata na may dalang maliit na wallet na pasalubong sa kanya. Nakatimbre ang bata na liliko pa sana pero sadyang mabilis siya at nahablot kaagad niya ang itim na t-shirt na suot nito.
“Buknoy?” sambit niya nang makilala ang batang lalaking sinundan. She was gasping sa ginawang paghabol dito.
“Ate Yani?” takot ang nakita sa reaksyon ng bata nang makita ang humablot sa t-shirt nito.
“Ano ka bang bata ka! Bakit ka nang-snatch ng wallet?” may pagkairitang saad nito sa batang lalaki na nasa edad ng katorse.
“Eh kasi po nagugutom na ako. Hindi pa ako kumakain simula pa kagabi,” naihimas nito ang tiyan sa sinabing iyon.
“Ha? Eh, bakit hindi ka pumunta sa bahay ko?” binitawan niya ang pagkakahawak sa damit nito at mula sa inis ay tila napalitan ng awa ang naramdaman dito.
“Nahihiya na po ako sa inyo ate Yani, marami na po kasi kayong pinapakain,” saad pa nito sabay kamot sa ulo.
“Ok lang naman iyon eh, basta kapag meron ako, magbibigay ako sa inyo. At tsaka marami namang paraan para kumita ka pangbili ng makakain, bakit pagiging snatcher pa ang pinasok mo?” aniya. Sa lugar nila, isa siya sa mga lapitan ng mga batang pulubi kapag walang makain. Malapit sa kanya ang mga pulubing iyon gaya ni Buknoy dahil once na rin siyang naging pulubi dati.
“Ngayon lang po ate Yani,” nahihiyang sagot ng binatilyo.
“Sigurado ka ngayon mo lang ginawa ‘yan, kung hindi ibibigay kita sa DSWD!” may pagbabanta niyang sabi para hindi na umulit ang bata.
“Opo ate. Ngayon lang talaga, promise!” sabi pa nito sabay iling ng ilang beses.
“O sige, naniniwala na ako sa iyo,” aniya na inakbayan ito. “Samahan mo akong ibalik yan sa babaeng may-ari ng wallet at pagkatapos ay bibilhan kita ng pagkain,” hindi na nakaangal pa ang bata ng akayin niya ito pabalik sa lugar kung saan ito nanggaling kanina. Naabutan nila ang babaeng umiiyak na pinagkukumpulan na rin ng mga taong nag-uusyoso. Hinayaan niyang si Buknoy ang magbalik sa babae ng wallet nito, at humingi na rin ito ng pasensya habang ibinibigay iyon.
Nagpasalamat naman ang babae sa bata lalo na sa kanya.
Ngunit hindi pa nagtatagal ay may tila nagkagulo na naman sa kabilang panig ng parke na iyon. Tila may nangyayaring komusyon doon ng mga tao na inagaw ang kanyang atensyon.
“Diyan ka lang, babalikan kita,” saad niya kay Buknoy at agad ding umalis para lapitan ang nagkakagulong mga tao.
Habang nakikipagsiksikan sa mga taong nakikiusyoso ay pinagmamasdan niya rin ang paligid at tinitingnan kung may kahinahinala ba na tao na pwedeng akusahan ng kung ano mang dahilan ng pagkakagulo doon. Kailangan niyang maging alisto.
“Pulis po ako, ano po ang nangyari?” tanong niya sa mga taong nalalampasan. Wala pa mang nakakasagot sa katanungan niya ng bumalandra na sa kanyang paningin ang babaeng nakasalampak sa lupa, duguan ito sa may tagiliran na sapo sapo nito ng mga kamay. Agad niyang tiningnan ang sugat nito habang kinakausap.
Napag-alaman niyang sinaksak ito ng isang snatcher nang manglaban ito at tumangging ibigay ang bag nito na kalaunan rin naman ay napasakamay rin ng lalaking may masamang loob. Maliksi siyang napatayo at inilingo lingo ulit ang paningin sa paligid. Ayon sa babaeng nasaksak ay nakasuot daw ng sumbrero ang suspect at naka-pulang kulay ng suot na damit.
Mabilis na tila nag-ala scanner ang paningin niyang hinanap ang lalaking tinutukoy nito. Nang ilang sandali pa ay may mamataan siyang isang lalaki na akma sa deskripsyon ng babaeng nasaksak. May dala iyong isang bag na pangbabae at tila pasimpleng nakikisabay sa mga taong namamasyal doon. Modus na iyon ng mga ito para hindi akalain ng iba na may kinalaman ito sa nangyayaring kaguluhan doon.
“Call an ambulance,” aniya sa mga nakikiusyoso pagkatapos malaman na hindi naman kalaliman ang sugat ng biktima.
Agad siyang kumilos at sinundan ang namataang lalaki. Ngunit sadyang malakas ang pakiramdam ng suspect at nalaman agad nito na sinusundan niya ito kaya wala pa man ay kumaripas na agad ito ng takbo, senyales na tama ang taong pinaghihinalaan niya.
Naghabulan sila sa paligid ng park. Hindi na alintana ng lalaki ang mga nasasalubong na mga tao. Pinagtutulakan nito ang mga iyon para lang umalis sa daraanan nito. Ngunit sadyang mabilis siya. Sinunggaban niya ang lalaki nang mapatid ito sa nakausling bato malapit na sa tagong eskenita ng parke. Napaupo ang lalaki sa konkretong sementadong daanan. Agad na kinuha nito ang patalim na ginamit sa pananaksak sa nabiktimang babae kanina at iwinasiwas sa harapan niya.
Natigilan siya pero hindi rin naman nanghintakutan. Expected na niya iyon na ilalabas nito ang kutsilyong ginamit sa pananaksak sa babaeng nabiktima nito kanina.
“Huwag ka na manglaban, baka sa iyo maitarak yan,” matapang na saad niya dito habang nag-aabang lang ng tamang pagkakataon kung kelan susugod.
Nagpakawala lang ng sarkastikong pagngiti ang lalaki. Umakma itong sasaksakin siya sa binti. Nakailag siya at mabilis na nahawakan ang braso nito at agad na ipinilipit. Napasigaw ang lalaki sa sakit at nabitawan nito ang panaksak na hawak hawak. Pinihit niya ito para padapang humiga sa konkretong daanan. Inibabawan niya ang likuran nito habang patuloy pa rin ang pagpilipit sa braso nito.
Gamit ang isang kamay ay kinuha niya ang telepono sa braso para tumawag ng back up mula sa kapulisan na ilang sandali lang din naman ay magkasunod na dumating ang ambulansya at dalawang police car sa pinangyarihan ng insidente. Pagkatapos niyang ibigay ang suspect sa mga ito at malaman na maayos naman ang nabiktima nito ay binalikan na niya si Buknoy para makapagtanghalian kasama ang bata. Parang walang nangyari na pinagpag niya lang ang nadumihang tuhod at inakbayan ang bata at naglakad patungo sa kakainang establishment.
Siya si Deyanira Torres, dalawampu’t limang taong gulang. Halos ganoon ang laging eksena ng buhay niya magmula nang pumasok siya bilang miyembro ng kapulisan four years ago.
“Ate, hindi po ba kayo natatakot sa trabaho ninyo?” tanong ni Buknoy sa kanya nang magsimula na silang kumain. Kasalukuyang nasa loob na sila ng isang sikat na fast food chain.
“Bakit naman ako matatakot, wala naman akong ginagawang masama?” nangingiti niyang sagot sa tanong ng bata.
Ikinibit balikat lang iyon ni Buknoy na kulang na lang ay mabilaukan na sa ginagawang pagkain ng kanin at manok na binili niya para dito.
Iyon ang perspective niya sa buhay, wala siyang dapat ikatakot lalo na kung nasa panig siya ng tama at katotohanan.
Noon pa man, pagpupulis na talaga ang pangarap niyang maging propesyon paglaki. Iba ang hatid sa kanya ng mga ito lalo na kapag nakakalutas ng krimen at nakakahuli ng masasamang loob. Astig ang dating ng mga ito para sa kanya.
She was 8 years old nang mawala sa malaking parke ng Burnham Park noon. Ang naaalala niya lang ay hawak siya ng kanyang tatay ng bigla siya nitong mabitawan sa gitna ng maraming tao sa parke at simula nga noon ay nagpalaboy laboy na siya doon. Halos isang taon din na nagtiis siya na matulog sa kalye. Umulan man o umaraw ay namamalimos siya para may makain. Mag si-siyam na taong gulang na siya nang matagpuan siyang palaboy laboy sa lansangan ng dalawang may kaedaran na rin na mag-asawa. Hindi nag-atubili ang mga ito na kupkupin siya. Kaya naman bilang sukli sa lahat ng ginawang kabaitan ng mga ito sa kanya ay pinagbuti niya ang pag-aaral nang magkaroon ng pagkakaton na makabalik sa eskwela na ayon rin sa kagustuhan ng mga ito.
She was valedictorian when she finished elementary and salutatorian noong magtapos ng high school. Nagbago lang ang lahat at medyo nagloko sa pag-aaral nang mamatay ang mga itinuturing na mga magulang nang makapasok ang tatlong mga lalaki sa loob ng kanilang bahay dati at i-hostage nito ang mga ito at tuluyan ngang mapatay nang ma-corner ng mga pulis. Ang masama pa ay nakatakas din ang mga ito na hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ng mga awtoridad.
Sandali siyang tila nawala sa sarili noon. For a while nakalimutan niyang maging mag-isa sa buhay ng dumating ang mamay at papay niya but when that incident happened parang gumuho ulit ang mundo niya. Bumalik siya ulit sa pagiging mag-isa. She felt miserable. Kaya naman sa batang edad na labing walong taon ay naging laman na siya ng mga disco and bar house. Naging pariwara. Sa edad din niyang iyon nang maibigay niya ang virginity sa random person na nakilala sa club. Magmula noon ay kung sino sino na ang nilalandi at pinagbibigyan ng sarili.
She was lost that time. To the point na gusto na niyang mag-quit na lang sa pag-aaral sa kursong criminology na ipinagpursige ng mga magulang na makapag-ipon para lang masustentuhan ang pinapangarap niyang kurso. She was on the final day ng pagpapasya noon na mag-quit nang makilala ang isang tao na naging dahilan ng pagbabalik niya sa tamang direksyon ng buhay. Sineryoso niya ulit ang pag-aaral and at the age of 21 ay nakapagtapos nga sa kursong criminology bilang isang suma cumlaude.
Marami man siyang nagawang kamalian sa buhay, at iba doon ay pinagsisihan niya, naging daan naman iyon ng pagiging matatag at matapang pa na harapin ang kanyang future. Nagsikap siya upang sustentuhan ang sarili kahit pa kalaunan ay napilitang ibenta ang bahay na tinitirhan ng mga nakalakihang magulang. She was hesitant back then na gawin iyon ngunit dahil doon din pinatay ang mga ito at ayaw niya nang alalahanin ang karumal dumal na nangyari sa mga ito ay napagdesisyunan siyang bitawan na lang iyon. She promised herself naman na habang buhay siya ay hinding hindi niya makakalimutan ang mga ito at ang ginawa sa kanya ng mga ito. Ang kita doon ay ginamit niya para makapagsimula ng bagong buhay pati na rin para masustentuhan ang pag-aaral na alam niyang ikatutuwa rin ng mga ito. Iyon nga ang naging daan kung kaya may maganda siyang pamumuhay ngayon at kinikilala bilang isang kapitapitagang pulis sa kanilang lugar sa Baguio.
“Good job SPO3 Deyanira Torres!” saad pa ng nakakataas sa kanya na isa pang pulis pagkapasok niya sa trabaho kinahapunan. Nakipagkamay ito sa kanya.
It makes her proud at nabibigyan niya ng parangal ang sarili, ngunit sa kabila noon ay may agam agam pa rin sa kanyang isipan tungkol sa kanyang nakaraan.