kabanata 30

1133 Words
I woke up early. Kahit umaga na ako nakatulog ay nauna pa akong nagising kila Tori, tulog na tulog pa sila kaya naligo na ako at nag bihis. Excited na akong umuwi. Iika-ika pa rin ang lakad ko kahit nalagyan na ng first aid kit kagabi, i need to go to the doctor to sew up the cut for me. Sabi nila Cade ay malalim daw kaya nilagyan muna nila ng gasa. Pagkatapos ko maligo ay gising na sila, hinintay ko pa silang matapos bago ako lumabas dahil ayokong bumaba mag isa roon. Naririnig ko ang mga ingay nila kaya alam kong gising na ang lahat. Ang mga pinsan lang namin ang naabutan namin, hindi ko alam kung nasaan sila mommy but whatever. "Maggie, nasaan sila mommy?" Tanong ni Cade sa nakaupo sa dining table na umiinom ng kape. "They decided to go grocery shopping with themselves." She shrugged. "Yung boys?" "Uh, they're playing basketball somewhere." Tumango si Cade at umupo, si Tori naman ay kumuha ng bread sa lamesa at ako ay nagpunta sa kitchen para kumuha ng gatas. Naramdaman kong may sumunod sa'kin kaya napalingon agad ako, tumaas ang kilay ko nang makita si Raven na nakayuko at nilagpasan ako. Kumuha ako ng milk at sinalin sa glass, ininom ko ang lahat at nag salin ulit. "Masaya ka na?" Tanong ni Raven kaya napatingin ako sa kanya. Namamaga ang mata niya, halatang umiyak buong gabi. "Not today, satan." Sabi ko at tinalikuran siya. "Trace broke up with me last night." Her voice trembled. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon ulit, pinatong ko ang hawak kong gatas sa lamesa. "Okay, so do i need to know?" Tanong ko. "No, right? And am i feeling happy?" Tumango ako. "Yes, i am. I'm feeling so damn great, Raven." Pinunasan niya ang luha niya kaya umirap ako sa hangin. "Do that, create a drama. Cry me a f*****g river and drown yourself in it." "Damn you!" Sigaw niya kaya nakarinig ako ng kalabog sa dining area. Biglang nagtakbuhan ang mga pinsan namin dito kaya kinuha ko ang gatas ko at umalis. "You flirted with him! Malandi kang pokpok ka!" "Whatever." Bulong ko at binilisan ang lakad para bumalik sa taas pero napatigil ako nang makita sila mommy sa harap ko. May dalang mga pinamili. "What's happening in here?" Tanong ni mommy habang mataman na nakatingin sa'kin. I shrugged. "Ask the drama queen." "Tita, your daughter seduced Trace last night! Nahuli ko sila and he broke up with me!" Umiiyak na sigaw ni Raven. Nanlaki ang mata nila mommy. Napakagat ako sa labi at humakbang paakyat ng hagdan pero marahas akong hinila ni mommy sa braso. "Is she telling the truth, Karisma Isabelle?" Galit na galit siya at namumula ang mukha. "I'm not in the mood to talk, mommy." Mahinahon na sabi ko. "So feel free to believe what you want—" She slapped me again. Harder. Three more times harder than before, pakiramdam ko ay nag dudugo ang pisngi ko dahil sa sobrang hapdi. "Tita!" Gulat na sigaw ni Cade at lumapit sa'kin pero lumingon ako sa kanya kaya napatigil siya, nakita ko sa likod niya si Tori na nakatakip ang palad sa bibig at mukhang paiyak na. Kumapit ako sa handle ng hagdan at umakyat. Sobrang bigat ng dibdib ko pero hindi ako makaiyak, umupo ako sa higaan dito sa guest room. Not feeling anything. Empty. My minds blank and my heart doesn't feel like throbbing. I feel so dead. After so many hours of staring at nothing ay kinuha ko ang slippers ko at sinuot, sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko. Nag hilamos ako at itinali ang buhok ko. Pagkababa ko ay nasa salas silang lahat, sabay na tumayo si Cade at Tori kaya pinakita ko ang car key ni kuya Felix. "Can you drive?" Tanong ni Tori kaya tumango ako. "I'll contact you." Sabi ko kaya sabay silang tumango. "Damn, just go." Sabi ni Chantel kaya lumingon ako sa kanya. "I'll go whenever i want." Umirap siya. "Tama nga ang sinabi ni tita Teressa, you have no manners." "Good for you, Chantel. I'm so happy for you because you're such an angel." Sarkastikong sabi ko at nilingon si Raven na masama ang tingin sa'kin kaya ngumisi ako. "Kari.." Awat ni Cade kaya napabaling ako sa kanya. "Call me when you need me." Tumango ako. "I will." Lumabas na ako ng bahay at nakasalubong ko pa sila Von na basang basa ng pawis dahil sa pagbabasketball. "Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Jasper. "I need to go, may pupuntahan pa ako." Tumango sila at isa isa akong niyakap kaya nagreklamo ako dahil puro pawis sila. "Be safe, Kari." Dumiretso ako sa isang hospital, pinatahi ko ang cut sa paa ko. Mabuti na lang ay malaki-laki ang pera na binigay sa'kin ni kuya Cameron kaya nakapag bayad ako. Sinabi ng doctor na wag ko munang pwersahin ang paa ko pero kailangan kong mag drive, mabuti na lang ay left foot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nakita ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang daan papunta sa school nila Tobias. Nang dumating ako ay hindi pa ako lumabas. Nakatingin lang sa bintana at tinitignan ang school, alas dos pa lang naman ng hapon. "Ma'am. Ikaw pala 'yan, sisitahin ko sana dahil nakaharang itong sasakyan sa tapat ng school." Sabi no'ng guard na nakasilip sa bintana ko. "Pakitabi na lang po ng sasakyan niyo at pumasok na kayo sa loob dahil nandoon ang pakay niyo." Tumango ako. Itinabi ko ang sasakyan at lumabas, hindi ko alam kung halata pero pinipilit kong hindi ipahalata na iika-ika ako. Puting shirt, itim na pants at vans na slippers lang ang suot ko. Yumuko ako habang naglalakad, kumapit ako sa hawakan ng hagdan habang nakayuko pa rin. Bigla akong napatigil sa pag hakbang paakyat nang may pamilyar na sapatos na tumigil sa harap ko. "Bakit ngayon ka lang?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses niya. Nakatingin siya sa'kin, nang makita ang itsura ko ay kumunot ang noo niya. Somehow, my eyes started to water. Bigla na lang akong napahikbi habang nakatingala sa kanya, para akong batang nag susumbong sa harap niya. Lahat ng nararamdaman ko ay biglang lumabas lahat dahil nakahanap ako ng kakampi. The frustrations, sadness and disappointments are killing my insides. "Bakit?" Naguguluhan na tanong niya. "I missed you.." Sabi ko sa gitna ng paghikbi. "I missed you so much." He didn't respond. Hinila niya na lang ako palapit sa dibdib niya at niyakap ng mahigpit. I cried hard. At this stair, Tobias quietly stroking my back, my arms hugging his body tight, with students passing by. I felt his arms go around me, holding me tighter than ever. I was safe. I was warm. I was home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD