I woke up so early the next day. Kinuha ko sa hanger ang uniform ko para sa work at tinupi ng maayos para hindi malukot, dadalhin ko na lang muna ito dahil may class pa ko ngayon.
Good thing na one subject lang kami ngayon kaya maaga akong makakauwi. Pagtapos kong mag bihis ng school uniform ay bumaba agad ako at tumingin ng mga foods sa ref namin.
Nag toast muna ako ng bread bago ako kumuha ng tatlong layer na lunch box at nilagay ang guacamole, nachos and tuna sandwich. Kakainin ko 'to mamaya bago ako magpunta ng work, hindi naman 'to mapapanis dahil heated lunch box naman 'to kaya kapag kinain ko ito mamaya ay mainit pa rin.
Pagtapos ay nagsalin ako ng maraming milk sa tumbler ko. Kailangan kong gawin 'to dahil wala naman akong pera at ayokong tanggapin ang three hundred pesos ni mommy, hatid-sundo naman ako ni Mang Raul kaya hindi ko na kailangan problemahin ang pamasahe.
"Congrats!!!" Tuwang tuwa na sabi ni Cade nang magpaalam ako sa kanila na kailangan ko nang umalis dahil may work ako, kumakain na sila ng lunch ngayon pero mamaya na ako kakain sa kotse habang nasa biyahe.
"Why the hell are you congratulating me?" Gulat na tanong ko kaya tumawa siya.
"You have a work!" Uminom siya sa fruit shake niya. "What an independent woman..."
I made a face. Inaasar niya lang ako kaya tumayo na ako at inayos ang gamit ko.
"Kari, don't be rude at rude customers." Paalala ni Tori.
"I know, mom." Sarcastic na sabi ko kaya pinasingkit niya ang mata niya, sinabit ko ang bag ko sa balikat ko at kumaway sa kanila. "See you tomorrow!"
"Take care, miss independent!"
Kumain ako sa kotse habang nasa biyahe, inayos ko na rin ang sarili ko at naglagay ng manipis na make up. Sabi ay kailangan daw may makeup para presentable tignan, so here it is.
I don't wear make up at normal days, tanging red lipstick lang ang nilalagay ko. I do them whenever i go to parties though.
"Ma'am, hihintayin ko pa po ba kayo?" Tanong ni Mang Raul no'ng malapit na kami sa work place ko.
Umiling ako. "Come back before six, wala ka naman gagawin doon."
"Sige, ma'am."
Nang dumating kami ay nginitian agad ako nung manager at ng mga crew, hindi ko alam kung paano nila ako nakilala but whatever. Nagpalit ako ng suot sa banyo at tinali ang buhok ko, tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ngumiti.
Goodluck to me.
Pagkalabas ko ng banyo ay saktong may papasok na, napatigil siya at nginitian ako.
"Hello! Ikaw ba 'yung naka-assign sa drive thru?" Tanong niya kaya tumango ako. "I'm Phoebe, ituro ko lang sayo 'yung mga dapat mong gawin tapos uuwi na ako."
Ngumiti ako at tumango. Tinuruan niya ako ng mga bagay bagay, ang daming menu kaya hindi ko pa kabisado lahat pero sabi niya ay masasanay din ako.
So i worked for four hours. My butt and back hurts from sitting a long time, nangangalay ang paa ko at masakit ang lalamunan ko dahil sa kakasalita.
"Kamusta, ma'am?" Tanong ni Mang Raul nang sunduin niya ako.
I sighed. "I'm okay, gutom na ako."
"Alam kong magugutom ka, ma'am. Kaya nagdala ako ng pagkain galing sa bahay niyo." Proud na sabi niya at tinuro 'yung paper bag sa tabi. "Ayan po, ma'am. Nagluto si Cecilia ng chicken pastel kanina.."
Nanlaki ang mata ko at kinuha ang paper bag. "Really?! It's my favourite!"
"Kaya nga ayan ang niluto ng asawa ko, ma'am.." Pagtawa niya kaya ngumiti ako.
Medyo na-touch ako, siguro ay ten years old pa lang ako noong maging driver namin si Mang Raul. Si Manang Cecilia naman ay matagal na namin maid noon, tapos nagkagustuhan sila. At may anak na sila ngayon na nag aaral ng elementary.
"Thank you."
Nilantakan ko ang pagkain. Dumating kami sa school ni Tobias na kumakain pa rin ako. Madilim na naman kaya medyo nag aalangan ako kung maaabutan pa namin siya.
Mabilis kong binuksan ang bintana ng kotse nang makita si Domino na naglalakad at may kasamang isang babae.
"Domino!"
Napatigil sila sa paglalakad at lumapit sa'kin.
"Nandyan pa si Tobias?" Tanong ko.
Ngumisi siya at tumango. "Nasa loob pa, iniwan ko na kasi may kasama ako e."
Tinignan ko ang babaeng kasama niya na hindi na nag abalang lumapit sa'kin, ngumiti siya sa'kin na parang nahihiya. She looks so innocent, ganito ba ang mga type niya?
Binalik ko ang tingin kay Domino. "Okay, thank you. Hihintayin ko na lang dito.."
"Sige, mauna na kami." Paalam niya at tinignan ang kasama niya kaya sumunod agad ito.
Ngumuso ako at sinundan sila ng tingin palayo.
"Mukhang delikado ang lalake na iyon, ma'am ah." Biglang sabi ni Mang Raul kaya napalingon ako sa kanya.
"What do you mean? He's kind naman."
Umiling siya. "Mukhang mabait siya, ma'am. Pero mukhang mga inosenteng babae ang puntirya niya."
"Judgemental ka ha." Pabirong sabi ko.
Napakamot siya sa ulo. "Lalake ako, ma'am. Kaya alam ko 'yung mga ganyan.."
Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa gate ng school nila Tobias. Naghintay pa kami ng halos thirty minutes bago ko siya nakitang naglalakad mag isa, his left hand on his pocket.
"Tobias!" Hindi ko alam kung nahalata ang excitement sa boses ko. But it's a long day for me, at pakiramdam ko ay ang tagal ko siyang hindi nakita kahit kagabi lang 'yung huli.
Nagdiretso siya sa paglalakad at tumigil sa harap ng bintana ng kotse. Gusto kong bumaba pero nandito si Mang Raul, i'm exhausted right now and all i want is a hug. At baka mayakap ko si Tobias sa harap ng driver namin.
"Hey..." Mahinang sabi ko habang nakatitig sa mukha niya. It has no emotion, but he's staring back at me.
Gumalaw ang mata niya para tignan si Mang Raul sa drivers seat.
"We waited for you, were you busy?" Tanong ko kaya bumalik ang tingin niya sa'kin.
He breathed. "Gabi na."
"Uhm, i know?" Nagtatakang sabi ko. "You don't want me here?"
Hindi siya sumagot. Kinamot niya ang kanyang kilay, he looks like he wants to say something but he can't. He can't stop looking at my lips, making my whole body tense.
"What is it?" Naiinip na tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nilusot ko ang kalahati ng katawan ko palabas sa bintana, ine-expect ko na aatras siya dahil nagkalapit ang mukha namin pero hindi siya gumalaw.
"Mapagkakatiwalaan ba 'yung kasama mo?" Mahinang tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
"Si Mang Raul? Why?" Naguguluhan na tanong ko. "He's okay, napag kakatiwalaan ko siya—"
There. He just suddenly kissed me, just a peck again and i feel so mad! When i leaned closer for another kiss, he moved his head to avoid it.
"Really?!" Frustrated na tanong ko. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong uhaw sa halik, but i'm addicted at hindi ko tinatanggi.
Imagine a drug addict, not having enough drugs that he wanted. He'll get frustrated and his whole body will be sick, and then he'll die.
And i think, i'm really going to die.
I bit my lower lip, annoyed. "Are you doing this on purpose?"
"Nagpupunta ka lang ba rito dahil doon?" Kumunot ang noo niya. "Inaabuso mo yata ako.."
My eyes got widen. "You don't like it? Ginagawa mo lang ba 'yon dahil gusto ko?"
He shrugged. Hinawakan niya ang taas ng ulo ko at tinulak paloob para ibalik ako sa loob ng kotse, sumimangot ako at nag cross arms.
"You're not doing it because of Mang Raul, right?" Tanong ko. "You really like it, tell me! I'm a good kisser, right?"
Kumunot ang noo niya tapos bigla siyang humalakhak kaya nawala ang kunot ng noo ko. Look at him laughing with his eyes! Nawawala talaga ang mata niya kapag tumatawa, hindi ko alam kung maiinis ako o hindi dahil sa pagtawa niya. Nakakagigil.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko kaya kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang pagtawa. Napaayos ako sa upo nang maalala na naglagay ako ng red lipstick kanina.
Tinuro ko ang labi ko. "Is it because of the red lipstick?" Pinalo ko siya sa dibdib nang tatawa na naman siya. "Stop laughing and answer me!"
Ngumisi siya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Fine! I won't ask again." Umirap ako at pinindot ang car window button para isara ang bintana. "Bahala ka riyan."
Napatigil ako sa pagpindot dahil hinarang niya 'yung kamay niya, kalahati na ng bintana ang nakaangat. Hinawakan ko 'yung daliri niya para tanggalin doon pero hindi ko maiangat kahit 'yung pinky finger.
Pinitik-pitik ko pa yon pero wala lang sa kanya, kinurot ko pa pero ayaw niya pa rin alisin ang kamay niya. Wala naman siyang sinasabi! He just wants to tease me!
"Ano ba?!" Galit na sabi ko kaya ngumuso siya at tinanggal ang kamay niya, agad kong pinindot ang button para isara ang bintana.
Nang maisara ko ang bintana ay nagulat ako nang buksan niya ang pinto kaya agad kong inayos ang skirt ng uniform ko.
"Hey!" Sigaw ko.
Hinila niya ako palabas kaya natatarantang kumapit ako sa kanya dahil may heels ang black shoes ko at baka madapa ako.
"What? What? What?" Inis na tanong ko habang nakatingin siya sa'kin.
Huminga siya ng malalim at mabagal na pinulupot ang braso niya sa'kin, nagulat ako pero automatic na niyakap ko ng mahigpit ang bewang niya.
He buried his face in the curve of my neck, sending goosebumps all over my body.
"Hindi ko pwedeng gawin 'yon sa harap ng ibang tao kaya ganito na lang muna." Mahinang sabi niya kaya nag init ang mukha ko at tumango-tango.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"It's okay, your hugs are great too.."
He chuckled softly. "Salamat."
I buried my face on his chest and sniffed at his uniform. I can finally say I'm satisfied.