XIV.
Umagang-umaga ay nag-iinit ang ulo ko. Hindi ko alam kung sinong mata ni mommy sa school pero nalaman niya na nanghihiram ako ng pera kila Tori, ang hindi niya lang nalaman ay ang pera na binigay sa'kin ni Gideon na ngayon ay ubos na ubos na.
"Mommy, hindi ka ba naaawa sa'kin? You're giving me three hundred pesos per day and i'm not allowed to borrow money to someone?!" Frustrated na tanong ko. Nakatayo ako sa harap niya, my both hands are in the air because of frustration.
"Anong silbi ng pagbabawas ko ng allowance mo kung manghihingi ka ng tulong sa iba, kailangan mong mahirapan dahil parusa sayo 'to!"
Is 'Ugh' an emotion? Because that's what i'm feeling right now! Nanlalata na umupo ako sa sofa at hinawakan ang buhok ko.
"Fine! Magtatrabaho ako! Hindi ako sanay ng ganito, sinanay mo ako sa malaking halaga tapos bigla mong gagawin 'to! You're killing me, mommy!" Sigaw ko.
Tumango siya. "Go for it! Magtrabaho ka, dapat talaga ay hindi kita sinanay sa mga luho mo."
Hindi makapaniwalang napanganga ako. Hindi ako makapaniwalang hahayaan niya akong magtrabaho kung kayang-kaya niya naman akong bigyan ng malaking halaga, nag aaral pa ako at kailangan ko pang pilitin si Tobias na maging bodyguard ko dahil ayon ang gusto niya.
Padabog akong tumayo at mabilis na umakyat ng hagdan, malakas kong sinara ang pinto ng kwarto ko at nag dive sa higaan ko.
"f**k this life! f**k everything!" Sigaw ko at inis na winagayway ang paa ko.
Sinubukan kong tawagan si Gideon pero baka tulog pa, sunod kong tinawagan ay si kuya Felix at kuya Cameron pero walang sumagot. Namimiss ko rin si daddy pero siguradong pinaka-busy siya sa lahat kaya hindi na ako nag-abalang tumawag.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. I need someone right now.
Umalis ako ng bahay na hindi nagpakita kay mommy, ni hindi niya ako nabigyan ng three hundred pesos bago ako umalis. Nakakainis! Apat kaming anak niya pero sa'kin lang siya ganito!
"Magtatrabaho ka?" Gulat na tanong ni Cade kaya walang gana akong tumango.
"Naiinis ako kay mommy, never na akong mang hihingi ng pera sa kanya." Inis kong hinawi ang buhok ko. "Damn, i'm really really really really frustrated right now! I can't even freaking cry because I can't figure out what my feelings are, i don't know if i'm angry or sad and it's so frustrating!"
Ngumiwi si Cade. "That sucks..."
"Yes, it freaking sucks!" Agap ko kaya ngumiti siya.
"Find a work now." Aniya. "Kung hindi ka na hihingi kay tita simula ngayon, mamamatay ka sa gutom..."
Pumikit ako. "It might be better being dead."
"Gaga!"
"I won't kill myself, alright! But if someone tried to kill me, i won't beg for my life. Instead, i will take it." Mahinang sabi ko kaya naramdaman ko ang pagpalo ng libro sa ulo ko kaya napadilat ako ng mata at nakita ang nakatayong si Tori sa tabi ko.
"What?!" Galit na tanong ko.
Ngumiti siya. "Gaga ka."
Umirap ako at tumawa si Cade dahil pareho sila ng sinabi. Ewan ko sa kanila, tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Kailangan kong libangin ang sarili ko para mawala ang inis ko.
"Hey, don't kill yourself!" Sigaw ni Tori nung malayo na ako.
I made a face. "Sure."
Tinawagan ko si Mang Raul na kailangan ko siya, nagugutom na rin ako kaya sinabi kong dalhan niya ako ng pagkain ng kahit ano man ang makita niya sa ref. Gutom na talaga ako pero wala akong pera para bumili ng foods.
Nag hintay pa ako sa parking lot bago siya dumating, punong puno ng pagkain at inumin ang malaking paper bag kaya hinalungkat ko iyon habang umaandar ang sasakyan.
"Saan tayo, ma'am?" Tanong niya.
Napatigil ako sa paghahalungkat. "I need a stress reliever, let's go see Tobias."
"Sige, ma'am."
Puro malamig ang kinain ko. Malamig na nachos, lasagna, bread at sushi. Tapos malamig na fresh milk para sa inumin, gutom na gutom ako na hindi ko na pinansin kung gaano kalamig ang lahat.
Nang mapansin na malapit na kami ay tumingin ako sa salamin, inipit ko ng bun ang buhok ko. Tinitigan ko ang sarili ko at napaisip kung tatanggalin ko ang red lipstick sa labi ko pero nag desisyon ako na wag na lang.
"Nandito na tayo, ma'am."
"Just wait for me here, manong. You can eat the food kapag nagutom ka." Sabi ko at tumango siya kaya bumaba na ako at agad na nilibot ang tingin sa paligid.
"Parang nagiging madalang na ang punta niyo dito, ma'am ah? Halos dalawang linggo yata kayong nawala." Sabi agad nung guard kaya ngumuso ako.
"Busy lang at may problema."
"Naku! Mahirap 'yan.."
Nagbuntong hininga ako. "Pwede bang maging lady guard dito?"
"Huh? Bakit ma'am? Kapos ka na ba sa pera?"
"Yes!" Agad na sagot ko at huminga ng malalim. "Stressed ako ngayon..."
Hindi sumagot 'yung guard at parang hindi pa siya naniniwala na totoong may malaki akong problema ngayon. Mukha bang hindi ako problemado?! Kitang-kita sa mukha ko ang lahat.
"Nasaan na ba si Tobias?"
"Kanina pa siya nasa loob, ma'am."
Kumunot ang noo ko. "What?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Eh, ngayon niyo lang tinanong e." Napakamot siya sa ulo niya. "Si ma'am naman ang sungit, konti na lang maniniwala na akong problemado ka ngayon.."
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng matabang, tinuro ko ang bibig ko.
"Can't you see this fake smile?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya at pinagmasdan ako.
"Walang pinagkaiba, ma'am. Maganda pa rin kayo." Sabi niya habang tumatawa.
Napailing ako at tinuro ang entrance gate. "Papasok na ako sa loob."
"Sige, ma'am. Ingat..."
Pagpasok ko sa loob ay nanibago ako ng konti, ngayon ko narerealize na ang tagal ko nga talagang hindi nakapunta rito. Tinignan ko ang schedule ni Tobias sa notes ko para malaman ko kung saan ko siya hahanapin.
Dumiretso ako sa second building at mabilis na umakyat sa hagdan. Biglang nagpapawis ang palad ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sinalubong pa ko ng mga estudyanteng pababa ng hagdan kaya lalo akong naiinis, sa gilid lang ako dumaan at nagpanggap na multo para walang kumausap sa'kin.
Sa isang room, nakita ko si Tobias na nag aayos ng kanyang gamit. Napatigil pa ako sa may pinto ng ilang saglit bago ako tuluyang lumapit sa kanya, nagpagupit siya kaya umiksi ng konti ang buhok niya. Hmm, it looks good.
"Tobias..." Tawag ko nang malapit na ako sa kanya.
Hindi tulad ng dati ay mabilis siyang lumingon at napatigil sa ginagawa. Napatigil ulit ako sa paglalakad at hindi ko alam kung bakit.
He stared at me. Unti-unting kumunot ang noo niya at isinara ang zipper ng bag niya na hindi inaalis ang tingin sa'kin.
"Anong problema?" Tanong niya.
Kinagat ko ang aking labi. No one ever asked me that question, kahit na sabihin kong problemado ako ay hindi sila naniniwalang malungkot ako ngayon.
But him, just one look. And he already knew that i'm not okay, that something's wrong.
"Can i hug you?" I asked him, my voice trembled.
Hindi siya sumagot. Binitawan niya ang bag niya sa lamesa at humakbang palapit sa'kin.
Without a word, he pulled me and fold me inside his arms. I felt his breath on the top of my head and i let out a sigh of relief knowing that i'll be okay now.