"Knixx," tumingin siya sa akin, dahil tinawag ko ang kanyang pangalan. Grabe wala na akong mahihiling pa. Ang batiin niya lang ako sa pinakamahalagang araw ng buhay ko ay sapat na. "Ano yun Clij?" Tanong niya, at nanatiling nakayakap pa rin sa akin. "Let's escape together, kahit ngayong araw lang," tugon ko sa tanong niya. Pero hindi siya sumagot. "Can you spend your ten hours with me, Knixx?" Pakiusap ko sa kanya. Umalis siya sa mula sa pagkakayakap ko at tumayo nang maayos. Yumuko siya at kinuha ang kanang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay. "Kahit habang buhay pa," she slightly squeeze my hand and look at me intently. Hindi ko ba alam kung tama tong nakikita at nararamdaman ko ngayon, kasi kamakailan lang, sinabi niya sa akin na huwag umasa sa kanya, dahil hindi sigurado ku

