May mainit na tubig na rumaragasa sa dalawang pisngi ko. Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ko ang sariwang luha na dumadaloy. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakitingin ako sa puting kisame ng aking silid. Umiiyak ako. Pinunasan ko ng dahan-dahan ang dalawang pisngi gamit ang aking dalawang palad. I immediately roam my eyes inside the room. Mukhang wala namang nagbago, ganon parin. Umupo ako sa kama ng dahan-dahan at pinakiramdaman ang sarili. Mahapdi sa ibabang bahagi ng aking lower lip at sa ilalam ng aking ilong. Bumangon ako sa kama at sinuot ang pares ng tsinelas. Nagpunta ako sa C.R. para i-check kung ano ang mahapding bagay sa aking mukha. Pagharap ko sa salamin, kumunot ang nuo ko sa aking nakita. May mga sugat ako sa ilalim ng aking ilong

