Chapter 41-SPG

2874 Words

ANG sakit ng katawan ni Tere nang magising siya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang natulog. Ang batid lang niya ay napahimbing siya. Maging sa panaginip niya ay nagtatalik pa rin sila ni Liam. At hindi niya itinatangging hinanap niya agad ito sa tabi niya. Pati na rin ang pangakong hindi pa ito tapos sa kaniya. Pero dismayado si Tere nang makitang wala roon ang asawa niya. Akala ko ba ikaw ang nakapuntos? Pero bakit ikaw itong naadik at hinahanap-hanap pa ang asawa mo? Pasimpleng kinapa ni Tere ang sarili niya. Medyo mahapdi pa rin iyon pero maaliwalas na sa pakiramdam. Hindi na kasinglagkit katulad nang natatandaan niya kanina bago siya natulog. Kahit ang kaniyang buong katawan ay presko na rin. Napatingin siya sa side table. May nakita siya roon na maliit na palangganang may tubig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD