CHAPTER 58: Mga Saloobin

2160 Words

~ SA PALASYO NG EZHARTA ~ SA HARAP NG PINTO kung nasaan si Chelsa na nananatiling wala pa rin malay, nagpakita si Bangis at agad na binuksan ang pinto ng kuwarto. Sa loob, naabutan niya sina Reyna Kheizhara at kapwa atervhi na si Sarogway sa tunay nitong anyo bilang atervhi ng lawa at ilog, isang matangkad na babaeng may ginintuang buhok at berdeng kasuotan. "Lason mula sa itim na perlas ang nasa loob ng kanyang katawan. Tanging si Rangawey lamang ang makakapagbigay ng uri ng lasong iyon na mula sa itim na perlas na matatagpuan sa ilalim ng karagatan. Salbahi talaga ang impakta na iyon," saad ni Sarogway nang makalapit si Bangis. "Nabigyan ko na siya ng lunas, ngunit maaring abutin pa ng ilang araw bago siya magkamalay. Kumalat na sa katawan niya ang lason, at kung nahuli pa tayo ng ilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD