CHAPTER 20: Chelsa

616 Words

~ PRINSESA DEZA ~ "CHELSA?" MAHINANG NASABI ko. Napabangong upo ako sa aking higaan. Muli ko na namang napanaginipan ang isang lalaking tinatawag ako sa pangalang hindi ko alam. At tulad no’ng mga nakaraan, kusa na lamang pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko maanig ang kanyang mukha, ngunit ang tinig niya ay tila ba kilalang-kilala ko na. Hindi ko alam ang pakiramdam na ito, pero parang ang bigat sa aking puso. Nasasaktan ako. Nagpasya akong lumabas sa aking silid. Paglabas ko ng kuweba, medyo madilim pa. Ang tahimik ng paligid. Tanging ang hampas ng alon sa malalaking bato sa islang ito ng Dulom ang ingay na maririnig. Pinuntahan ko ang lugar kung saan itinapon ang bangkay ng lalaking pinugutan ng ulo, ang lalaking una kong nakita nang magising ako mula sa mahabang pagkakat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD