CHAPTER 35: Kheizhara At Hastro

2433 Words

~ SI REYNA KHEIZHARA, nakukontrol niya ang mga puno’t halaman dahil sa taglay niyang Elpio, ang Bato ng Gubat. Siya ang pinakamahusay na manggagamot sa buong Anorwa. Kaya niya ring gamitin ang mga puno’t halaman sa pakikipaglaban – ang dahon, bulaklak, ugat at ang mismong puno ay maaring maging sandatang nakamamatay. Sa tuwing may pagkakataon, lihim na nag-iikot si Reyna Kheizhara sa buong kaharian ng Ezharta gamit ang kakayahan niyang maglaho. Bawat sulok ay ginagalugad niya upang gamutin ang mga nasirang kagubatan at ilang mga hayop na kailangan ng tulong. Mapagmahal na reyna si Reyna Kheizhara at naniniwala siya sa wagas na pag-ibig. Kaya naman pinayagan niya noon ang diwatang si Chelo at ang taong minamahal nito na magsama kahit pa iyon ay isang malaking kasalanan sa mundo ng Anorwa, a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD