CHAPTER 45: Ang Pagkawala Ng Tagapagligtas At Pagwawala Ni Rama - 1

1777 Words

NAPAATRAS AKO, KILALA ko ang mga bisitang dumating sa bahay nina Chelsa. Lumabas sila ng lanai upang puntahan ako. Ang mga mandirigmang habo na kasama ni Chelsa sa Anorwa. Narito sila. Kasunod nila si Chelsa habang matamis na nakangiti. "Nate, sila ang mga bagong kaibigan ko," pakilala ni Chelsa sa mga ito. "Si Ayreen, ang aming pinuno," pakilala niya sa nakalaban ni Pinunong Kahab. "Si Lelawa," pakilala niya sa babaeng may mga galamay at ekstrang mga mata. "Si Vehoo," pakilala niya sa nakalaban ni Rama na nagpapalit anyo. "Sina Treb at Lato." Itinuro niya ang dalawang hatao na tigre at lobo. "At ako ai Edhor!" masayang pakilala ng batang habo at tumawa nang malakas. "Nandito ka sa mundo ko, Nate!" Ano?                                                                     Napahawak ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD