Nagising ako sa may bumuhat sa akin at ganoon nalang ang kunot ng noo ko nang mapansin kong hindi 'to si Hell tumingin ako sa kanya. Bakit parang ang seryoso naman nila ngayon. ''Ano’ng nangyayari? bakit nagkakagulo dito?'' Nanghihina pa ako gawa sa 'di pa talaga okay ang katawan ko dahilan sa tattoo na ipinalagay ni Hell sa akin at talagang nakakapang-lambot. Dahil may lagnat pa naman ako at 'di pa gaano galing. ''Masyado napaagap ang Mafia War. Ito na ang sinasabi ko kay Syx, gawa sa pag papakilala niya sa 'yo bilang Mafia Queen, ngayon ay nagkakagulo na ang dalawang kupunan na sakop nang kalaban.'' seryosong saad ni Theodor sa akin. Pinagtataka ko, bakit siya ang may dala sa akin nasaan asawa ko? Tumingin naman ito at mukhang na basa siguro nito ang mga katanungan ko. Napabuntong-h

