Napayuko na lamang ako nang pinagmasdan ako ng pamilya ni Hell Syx. Halos parang ayoko huminga, dahilan sa hindi ko alam ang aking magiging reaksyon sa mga binibitawan nilang tingin sa akin na para bang pinag aaralan nila ako sa mga kilos o galaw. Hindi ko akalain na ganito pala ang magiging pakiramdam mo kapag nakita mo ang mga magulang nang isang Bilyonaryo na kagaya ni Hell Syx.
Kilalang-kilala ang pamilya niya dahilan sa taglay nitong karisma sa larangan ng mundo ng Bilyonaryo. Lalo na sa malupet na pamamahala ni Hell Syx sa mundo ng Mafia.
''Syx, it that her?'' saad naman ng isang magandang Ginang na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti. Bigla na lamang ako napalunok ng makilala ko ang magandang Ginang. Siya ang Mommy ni Hell Syx ang kilalang napakabait na Ina sa lahat ng Bilyonaryo pero ang pinagtataka ko lamang ay bakit hindi man lang nakuha ni Hell ang ugaling taglay ng kanyang Ina. Para bang dalaga pa ang anyang Ina sa kanyang katawan at para bang hindi pa nito nailabas si Hell.
Bigla naman yata akong na inggit sa kanyang itsura. Mukha siyang dalaga pa at hindi makakalayo sa aking edad.
''Yes. Mom, she's Fulvia Tori Smith. My soon to be wife,'' bigla akong nasamid sa sarili kong laway at napatingin na lamang kay Hell na ngayon ay nakatingin din pala sa akin at nakangisi pa ito. Hindi ba talaga kakabahan ang lalaking ito sa mga sinasabi niya? Hindi ba niya alam na hindi ko s'ya gusto? Hindi rin ba niya alam na matindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya mula no'n hanggang ngayon.
''Ohmygod! Finally, hija.'' nagulat naman ako sa mabilis nitong reaksyon at niyakap ako at ngumiti sa akin nang walang alinlangan. Ngumiti ako ng alanganin. Hindi ko nga alam kung panget ang pagkakangiti ko o talagang hindi ko alam kung ngingiti ako sa mabilisan na pangyayari sa buhay ko.
Natingin na lamang ako kay Hell at tinaasan siya ng kilay at ang loko, umiwas lamang ng tingin sa akin?! Really?
''Ikaw pala ang anak na panganay ni Mrs. Fulnialyn Smith at Mr. Macky Smith.'' Napatingin naman ako sa Daddy ni Hell na nakatingin kay Hell para bang nag-uusap sa mata ng dalawa.
''H'wag n'yo takutin si Fulvia kayong mag-ama ay 'di na talaga nagbago. Apo ipakilala mo naman kami,'' napatingin ako sa Ginang nakakadating lang at 'di mababakas ang kagandahan.
''Ilan taon ka naba hija?'' nakangiti itong nagtanong sa akin at malumanay na para bang ayaw niyang magkamali at para bang sa huli'y alam niyang mahihiya ako.
''Twenty-two po.'' Naiilang ako sa tingin nito. Kakaiba kasi talaga ang pamilya niya sa akin para bang ang wierd nila talaga tignan sa akin na kakaiba ang nararamdaman ko.
''Ganyan din ang edad ko ng pinagbubuntis ko ang Daddy ni Hell.'' masayang saad ng Lola ni Hell na may ngiti sa labi at hindi ko din naman maiwasan ang hindi mapangiti din rito.
''She's already pregnant, 3months na.'' Bigla ako nahiya parang gusto ko tuloy lamunin ngayon dito. Para kasing hindi pa ako handa nahusgahan dahilan mas nauna ang bata bago ang kasal, pero anong magagawa ko, hindi ko naman din ginusto ang gahasain ako ni Hell.
''Baka, naman kaya ka papakasalan sa apo ko ay buntis kana? atsaka, bakit nauna ang bata? Hindi ba't sana nagpakasal muna kayo? Ang mga bata nga naman ang pupusok na pagdating sa pag-ibig.'' Napayuko ako sa sinabi ng Lolo ni Hell.
Gusto kong mag-reklamo dahilan, hindi naman talaga gawa sa pagmamahalan ang batang nasa sinapupunan ko kundi gawa ito sa kahalayan ng kanilang apo. Bakit ginusto ko din bang gahasain ako ng apo n'yo? Gusto ko isigaw ang katagang 'yun pero naging pipi ako at ngumiti nalang. At ibinalik ang tingin sa mga kinakain.
''Stop. Wag n'yo pakialaman ang desisyon ko. Kung tutuosin, dapat matuwa kayo at masaya na ako.'' Napahawak ako sa kamay ni Hell dahil ramdam ko na gusto na naman niya magmura.
''Tsk. Ayoko ng binabastos ang Asawa ko sa harap ko pa, tandaan n'yo lang. Hindi kayo ang makakasama ko. Kundi si Fulvia at ang magiging anak namin.'' Kukunin n'ya sana ang kamay ko pero tinitigan n'ya ako.
Pero sininyasan ko siyang umupo muli. Ayoko ng ganito sa hapag-kainan pinag-aral kami nang mga magulang ko para rumispito. Alam kong may alitan sila pero isantabi na muna nila dahilan sa nagugutom ako sa ngayon.
''Tsk!'' umupo ulit ito sa tabi ko at wala din naman s'yang magagawa. Nakipaglabanan pa din siya ng titigan kay Lolo at hindi ko talaga akalain na nagkakaganyan siya sa simpleng bagay na, sana'y hinayaan na lamang n'ya dahil baka isipin ko talaga, nagkakagusto na s'ya sa akin.
Napatingin ako sa tiyan ko. Paano pala kung 'di ako buntis? Hindi kaya ako mapupunta sa bahay na ito? At makakasama ang lalaking sumira sa buhay ko? Ang lalaking hindi magtatanim sa aking ng sipling ngayon, pero masaya ako sa batang dinadala ko ngayon.
''Baby, are you okay?'' napatingin ako kay Hell dahilan sa tumayo na naman siya at para bang inaatake na naman siya ng pagkasira*lo.
''Iyang na nga ba sinasabi ko. Iniistress ninyo ang mag ina ko. Paano kung may mangyaring masama sa kanila?! Hin--''
''Puwede bang tumahimik ka lang? Nagiging oa kana.'' Hindi ko napigilan hilahin ang tainga ni Hell at pinaupo na ikinangiwi na lamang niya sa ginawa ko.
''A--aray! F*ck! S--sorry na,'' aniya na ikinaupo naman nito pabalik. Humahaba na naman ang nguso nito at hindi ko alam sa lalaking ito kung Mafia ba s'ya o talagang madalas may sapi siya nang kapraningan.
''Pfff...'' napatingin ako sa paligid na para bang kunting kurot ko pa kay Hell ay matatawa na talaga ang mga tao rito sa mansyon nila na ikinatingin naman sa akin ni Hell. Nakita ko ang kanyang naging reaction na namula ang kanyang pisngi.
''H--h'wag ninyong subukan na tumawa.'' aniya na nagpipigil siya na h'wag siguro mainis.
''Hija, pagpasensiyahan muna ang Lolo ni Syx, ganyan talaga 'yan, pero mabait naman 'yan.'' Sabi ng Mommy ni Hell na ikinatango ko lang. Dahil sa nakaisip naman ng paraan ang Mommy niya na mabago ang sitwasyon ni Hell.
''Hoy, Fernando pag may nangyaring masama sa apo ko sa tuhod, ako na nagsasabi sa 'yo 'di ka talaga makakalapit sa akin.'' Nagulat nalang ako sa pagpapagalit ng Lola ni Hell.
''I'm sorry hija, 'di ko naman sinasadya nadala lang,'' Paumanhin ng Lolo ni Hell.
''Okay lang po 'yun, wala po kayo kasalanan.'' Pagkatapos ng sagutan ay napatingin ako sa Adobo at para bang nagtutubig ang bibig ko.
''Iyan kana naman sa pagpapantasya sa pagkain, pero 'di mo kakainin.'' Hell said.
''Ganyan talaga ang paglilihi at dapat bawasan muna ang pag-init ng ulo mo. Alagaan mo si Fulvia.'' Habang nag-uusap sila'y ako naman ay tamang kain lamang dito. Hindi ko na lamang sila pinansin. Wala din naman akong magagawa sa kanil;a at baka ano pa din ang masabi ko.
''Ate, ang ganda n'yo naman po. Parang nakikita ko kayo sa panaginip ko,'' nagulat ako sa batang lalaki na sumulpot sa kanan ko. Napakagwapo din nito at kahawig s'ya ni Hell.
''H-huh?'' Nagtataka ako napapanaginipan n'ya ako?
''Kayo po ang future wife ko.'' Namula ako sa pangbobola ng bata.
''What the f**k! You brats!'' Napasigaw si Hell sa bata at agad na binatukan.
''H'wag kayo kay Kuya Syx. Mainit ulo! Sa akin nalang po kayo, pasisiyahin k--'' 'di natapos ang sasabihin nu'ng bata o sabihin natin kapatid ni Hell.
Agad na tinakpan ni Hell ang bunganga pero agad.
''Argh! you brats Ouch!!'' Kinagat lang naman siya ng kapatid n'ya at nag habulan silang parang mga bata. Napapangiwi na lamang ako dahilan sa may ganyan palang ugali si Hell na itinatago na hindi mo alam kung isa nga ba talaga siyang Mafiaboss.
''Naku, pasensya kana hija, 'di talaga magkasundo ang dalawang 'yun alam mo naman si Syx laging mainit ulo.'' Natatawang saad ng Mommy ni Hell.
''Mukhang nagbago ang anak ko gawa mo.'' Nagulat ako sa Daddy ni Hell focus itong nakatingin sa magkapatid na hanggang ngayon nagtatalo.
''Hindi naman po.'' Nakatingin 'di ako kay Hell. Kung alam ninyo lamang ang dinanas ko sa kamay ng anak ninyo, hindi ninyo masasabi 'yan sa akin pero anong magagawa ko? Andito na din ako ngayon sa kanila.
''Alam mo bang ang tagal na din namin 'yan 'di nakakasama sa hapagkainan at dito sa bahay sa edad 26years.old ni Hell ay 'di man lang talaga nagawi, tsk. 17years.old ay umalis na 'yan sa puder namin at ngayon lang nakabalik.'' Nagulat ako sa sinabi nila.
9years na pala 'di umuwi ang isang 'yan? Ay grabe siya.
''Sana'y aalagaan mo siya at ang magiging apo namin,'' paalala naman ng Ama ni Hell at ngumiti lang ako dito.
''Siguro ay pinilit ka din niya?'' Agad akong napatigil sa sinabi ng Mommy ni Hell. ''Di na kasi bago 'yun, ganyan din itong si Henrick pinilit din ako.'' Napakamot naman ang Ama ni Hell at namula.
''Iyang anak ninyo siguro naman, 'di 'yan sa pilitan? Dahil si Syx ay gawa namin sa pagmamahalan namin at 'di sa dahas.'' Nanginig ang kalamnan ko at 'di ako agad nakapagsalita at iniiwasan kong magsalita dahilan hanggang ngayon naman nasa akin parin naman ang trauma nang ginawa ni Hell pinipilit ko naman s'yang takasan pero siguro nga makapangyarihan si Hell at napakalabo kung gagawin ko pa 'yun.
''H--hindi po.'' wala akong nagawa kundi ang magsinungaling, gusto ko man subukang magsumbong pero alam ko. Nasa pamilya pa din ako ng lalaking sumira ng pagkababa* ko. At alam ko naman saan sila kakampi, hindi sa akin 'yon kundi kay Hell.
Nang matapos ang pagsasalo ay ramdam ko ang katahimikan namin alam ko na nagtataka sila sa mga ikinikilos ko. Dahil alam ko naghihinala sila sa kung ano nga ba talagang totoong nangyari sa amin ni Hell o saan kami nagkakilala.
Kung yelo ako, baka kanina pa ako natunaw. Kakatingin ng masama ni Hell. Andito lang naman kami sa office n'ya kasama n'ya ulit ako, ayaw n'ya talaga ko mawawala sa paningin n'ya. Pero buong meeting sa akin s'ya nakatingin at 'di sa harapan nangg mga ka meeting n'ya, paano natawa lang ako kay Jack, busy maglaro 'yung uso ngayon 'yung mobile legends.
Para kasi itong t*nga na nagmumura. Kanina pa talo bawas na nga 'yung star niya.
''Put***! B*b* ng kakampi takbo *l*l! Ayy p*** bang b*b* patay na nga tatakbo pa--''
''Don't cursing! Nasa harapan ka ng Asawa ko. Kanina ko pa napapansin ang bunganga mo.'' Nagulat ako ng pasakan ni Hell ang bunganga ni Jack ng papel.
''Ay, grabe Syx, naglalaro lang ako,'' napakamot ng ulo si Jack ng ikinatawa ko ulit.
''Get the fu*king out!'' Agad ako lumabas, sumunod ako kay Jack para kung buntot na nakasunod. Dahilan nag-e-enjoy talaga ako sa mga ginagawa niya at talagang gugustuhin mo din ang mga kalokohan ni Jack. Hindi kagaya ng boss n'ya na walang ginawa kundi magtrabaho.
''Fulvia!'' speaking of, tinatawag na niya na naman ako.
''P***! Bakit ka sumama sa akin? Gusto mo bang mamatay ako ng maaga?'' nagtataka nasabi ni Jack na kumakamot pa.
''Gusto ko lang dumikit sa 'yo habang naglal--''
''No. I'am your husband, dapat sa akin ka didikit o sasama naiintindihan mo?'' Binuhat ako nito ng parang bagong kasal at inilayo kay Jack na ikinayamot ko pa sa lalaking ito. Bakit ba isinilang si Hell sa mundo? para ba inisin lamang ako nito? Naiinis na talaga ako dito.