Nagising ako ng 2am at napangiwi na lamang ako ng maigalaw ko lamang ang kunting ang katawan ko. Hindi ko akalain na may mangyayari sa amin dalawa dahilan sa ginawa kong pagtitig kay Theodor. Pumayag ka naman, para ngang nagustuhan mo pa ang ginagawa sa'yo. Nailing na lamang ako sa aking isipan ng maalala ko na hindi man lang ako nanlaban kay Hell kanina sa mga nangyari.
Dahan-dahan akong tumayo at talagang parang may hinahanap ako tinignan ko ang kama at nakita ko ang mangga na kanina ko pinakuha kay Hell at napailing ako inatake na naman si Hell Syx ng katimangan niya kaya nagawa na naman niya ang kahalayan, buntis pa naman ako pero, ang pinagtataka ko ay parang hindi siya marahas ngayon at parang napakabanyad niya. Nagkataon lamang ba 'yon?
Umalis ako sa kama at dahan-dahan na bumaba napatingin ako sa tiyan kong mas lumaki ang umbok niya. 3months na siya, kaya mas pinipili ko na ang malalaking damit at madalas ay damit ni Hell ang ginagamit ko.
Ang pinagtataka ko ay 'di nagugulat si Hell parang normal lang sa kanya. Para siyang walang pakialam sa dadamitin ko, pero ngayon'y siya ang nagpalit sa akin na mas pinagtataka ko dahil hindi niya kaya napansin ang tiyan ko? No. Fulvia, hindi niya siguro napapansin dahil alam mo naman siya mas busy pa siya sa buhay niya mag payaman.
Hinubad ko ang short na ibinili ni Hell at parang mas gusto ko pang mag panty dahil mas maganda sa pakiramdam. Atsaka 'yung damit ni Hell ay malaki hanggang taas ng tuhod ko ito.
Bumaba ako nang hagdaan at nakita ko si Hell sa office room niya. Bukas kasi pintuan niya, pati na din ang ilaw na nagsibing liwanag sa kanyang tambak na gawain. Hindi talaga niya ako ginising para sana nakakain ako.
Para kong bata na dumungaw dito at napatingin ito sa akin na kumunot ang noo. Gusto ko sana lumipas ang oras o araw para pigilan ang paglilihi ko, pero mas kinatatakot kung mapasama ang anak ko at kawawa naman.
Lumapit ako dito at napatingin sa akin at umupo ako sa mesa at humarap sa kanya mukha siyang pagod na pagod para lang akong bata kay Hell dahil kahit nakaupo ako sa mesa at siya'y sa swevil chair ay mas matangkad pa din ito sa akin. Tiningnan niya ako at pinat ang ulo ko at ngumiti.
''What's the matter? Hmmm.'' Parang nawala ang pagod niya ng hawakan niya ako at pinunasan niya ang luha na bumabagsak ngayon sa pisngi ko. O hindi ba ang arte ko kapag kaharap ko siya. Hindi ko din alam kung bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing nanghihingi ako ng gusto ko'y nauunahan na agad ako ng iyak.
''I-I wanna eat.'' Nakayuko ako at nagulat ako ng hilahin niya ako at pinaupo sa kanya lap. Napapatingin na lamang ako kay Hell Syx sa kanyang ginagawa kakaiba talaga siya ngayon na para ba siyang sinasapian ng kabaitan. Medyo, lulubusin ko na din para kabayaran sa ginagawa niya sa akin no'n.
''I wonder what food it is. Binigay ko sa'yo kanina lahat, pero isinuka mo lang lahat. What did you want to eat? Me?'' Ngumisi ito at napakunot noo ako ano daw? Siya? Bakit makakain ko ba siya? Huh?
Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo at bahagyang ngumiti. Parang gusto kong tusukin ang mata niya dahil mas binu-b'wisit niya pa ako ngayon. Hundi ba niya alam na masamang b'wisitin ang mga buntis dahil baka makapatay kami? Oa na masyado Fulvia.
''Gusto ko ng balot?'' saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin na para na naman siyang loading.
He paused for a second and take a look of his wrist watch before focusing his eyes on me.
''It's past might, baby. If you what go to sleep and bukas tayo bumili.'' Nag iba ang timpla ng mukha ko at 'di ko siya pinansin. Bahagya ko din siyang tinulak at gusto kong umalis sa lap niya talaga at naiinis na ako sa kanya, pero hindi niya ako hinayaan umalis at niyakap lamang niya ako at para siyang naglalambing na ewan.
''I want to eat now!'' Naluha ako naikina buntong hininga niya pa. Hindi siguro niya inaasahan ang mga sinasabi ko at ang mga gusto ko ngayon.
''But, bab--''
''Ganyan ka naman i-uwi muna lang ako sa amin, para magulang ko 'yung ginigising ko, at aalagaan na lamang ako.'' Halatang pinipigilan niya ang mainis gawa sa nag kiskis ang panga niya sa galit. Ngayon mo ako subukan Hell Syx, dahil magkakaalaman tayo talaga.
''Lagi ka naman galit. Kagaya kanina si Theodor, wala naman ginagaw--''
''Inaagawan niya ako ng atensyon sa'yo.'' Naiyak ako ng biglang nairita siya.
Hahawakan sana niya ako pero tinabig ko at bumaba ako sa lap niya. Hindi niya ako ibibili ng balot. Bahala siya sa buhay niya diyan.
''Kung ayaw mo ako nalang bibili. B'wisit ka! 'Di ka naman naawa sa akin. Gusto ko lang naman s-sana ng balot.'' Padabog akong lumabas at nagulat ako ng tumawa pa ito. Masamang tumingin ako sa kanya na ikinagulat ko sa sinabi niya sa akin.
''You're so d*mn cute. Nakakainlove ka talaga, kahit araw-araw kita titigan. Walang magbabago, ikaw pa din ang napakagandang babaeng nakita ko.'' Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Ano'ng nangyayari sa kanya? Huh?!
''Okay. Let's go, baby I buy you so many balot.'' Umakbay ito, at nag umpisang hilahin ako at ngumiti naman ako sa kanya pero tumingin sa damit ko at napakunot noo. Mabilis pa sa alaskwatro na ipinasok niya ang kamay niya sa damit ko na ikinagulat ko at natulak ko siya. Sira*** ba ito?! ang ganda na ng mood ko tapos, mang mamanyak na naman.
''What the f*ck?! Why aren't you wearing you short?'' mura nito sa akin? Ngayon niya lang ba napansin suot ko? Kanina pa ako na kaganito sa kanya. Kaya nga nararamdaman ko ang pagkalalak* niya kanina sa pag upo ko sa lap niya. Tsk,
''Ano naman pinagkaiba ng panty sa short? Atsaka, gabi naman. Kaya okay lang 'yan.'' Tatalikuran ko sana ng magsalita pa ito.
''F**k! Isang hila ko lang diyan punit 'yan.'' Agad ito lumapit at hinubad ang damit niya na sleeve na white at kinagulat ko ng hubadan niya ako sa harapan niya. Natataranta akong tinatakpan ko ang mga mata niya at baka makita niya ang aking umbok na tiyan.
''Hey, H-hell what are you doing?'' Natatakot ako at tumingin siya sa bandang tiyan ko at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko at mas tinakpan ko pa ito na ikinatawa naman niya na hindi ko na alam ang gagawin sa loko na ito.
"H-Huwag kang t-tumingin. A-ano ba?!" saad ko dito na ngayon ay busy sa pagpapalit sa damit namin. Ano bang kaibahan ng damit niya e, damit din naman niya ito.
''Mag palit tayo, promise. I don't look at you. At least, hanggang tuhod muna 'to.'' idinamit niya ito sa akin at mukha akong ewan sa parang naging dress na ito sa akin. Hindi ko alam kung napansin niya ito o ano, pero mukha namang hindi e.
''F*ck, you're so hot. Baby,'' sabay siil sa akin ng halik. Naikinatingin ko na lamang sa kanya ng masama.
''W-wait lang, gusto ko ng balot.''
Napabuntong hininga ito at kinuha ang susi ng kotse. Baka makaisa na naman siya mahirap na.
''Pare? Gabi na ah. Saan kayo pupunta?'' Nagtatakang saad ni Jack na tumingin kay Hell at hindi sa akin.
Pero nagkatinginan lang ang dalawa at parang nagkakaunawaan sila? Ganyan ba 'yung mga Mafia? Mata palang alam na nila? Ang weird naman nila.
''Good luck!'' tumalikod ito sa amin at naglakad palayo. Napakunot noo na lamang ako sa mga 'to,
Para kong tang*ng nakaupo sa bench ng park at naghihintay ng himala na magkabalot o may dumaan mangbabalot.
''Balot!'' Agad nag ningning ang mata ko at hinabol ang mambabalot. Naku, naglalaway na ako kuya. Bilisan mo at tignan mo ako!
''Kuya! Pabili po!'' Tuwang-tuwa ako, pero napahinto ako ng may humila sa akin. At masama ang aura.
''What the f*ck! Fulvia, sh*t! Stop running okay.'' Nagulat ako kay Hell ang oa niya naman. Lumapit ang mangbabalot at agad ako binentahan.
''Wow. Ineng ang ganda-ganda mo naman--''
Nagkasa lang naman si Hell inaatake na naman siya ng kapraningan na ikinatakot ng magbabalot. Napatakip ako ng tainga nang binaril niya ang magbabalot, pero, 'di naman niya pinatamaan daplis lang.
''Ano ba problema mo, gag* ka.'' saad ko sa kanya na ikinakunot lamang niya. 'Di ko alam pero 'yun ang lumabas sa bibig ko nakakab'wisit kasi siya. Agad ako sumakay sa kotse dala ang napakaraming balot na halos bilihin niya lahat, pero galit pa din ako sa kanya sa ginawa niya sa mambabalot. Nasisiraan na yata siya ng bait.
''Hey. I'm sorry, baby. Nagselos lang ako, grabe siya kasi makatingin sa'yo.'' Pero 'di ko ito kinausap.
Ang dami niya pang sinabi pero 'di ko siya pinansin at kahit makadating kami ng 4am sa mansyon. Marami ng maid ang gising kaya dumiretsyo ako sa kusina.
''Fulvia Smith.'' ubos na ang pasensiya niya?! Abah! Gano'n din ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Kanina sinasabi niya na nakakainlove ako at hindi ko alam ang iniisip niya, pero sinusubukan kong hulaan, pero wala talagang pumapasok sa ulo ko talaga e.
''So, naninigaw ka?!'' Lumamlam ang itsura nito at lumapit sa akin at yumakap sa likod ko. Nakita ko kung paano natatawa sila Jack at iba pa sa mukha ni Hell Syx. Para kasi siyang timang talaga.
''Inlababo talaga ang isang Mafiaboss.'' Agad naman bumunot ng baril ito at pinagbabaril ang mga tauhan niya na nagtakbuhan palayo sa amin.
''What the f**k! Ano problema ng mga g*go na 'yon! Tsk! Baby, sorry na.'' aniya at inismiran ko lang. Hibang na siguro itong lalaking ito at kung ano na lamang ang maisipan ay gagawin.
"Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Kakaiba na talaga ang ipinapakita mo. Hindi ka naman ganyan ng una tayong magkita? Are you sure, okay ka--"
"I'm in love." aniya sa akin na ikinangiwi ko na lamang sa sinabi niya. Ang layo naman ng sagot niya. Huwag na lang baka sabog siya ngayon. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa balot na binili niya sa akin at kumain. Habang siya'y busy lamang tumingin sa akin, nakakatakot na siya talaga. I swear.