KABANATA 2

2034 Words
Ikalawang Kabanata “HAND HIM the brochure, Celeste.” Tila isang masunuring disipulo na tumalima ang forty-six years old na si Celeste at sinunod ang utos ni Don Jose Luis Jaramillo. Si Celeste Realina ay ang pinagkakatiwalaang kanang-kamay ni Don Jose Luis Jaramillo sa loob ng halos dalawang dekada. Inilapag ni Celeste ang brochure sa study table sa harapan ni Junger. He could only glance at the small book uninterestingly. “Lo, marami na akong ganiyan sa condo. That's so preschool, Lo, whereas I can have a real wanton women anytime—” “Magtigil ka, Junger. Hindi kagaya ng iniisip mo ang pulyeto na ito.” Don Jose Luis sternly said. Itinuro nito ang hawak na tobacco pipe sa brochure. “Open it!” Tamad na itinaas ni Junger ang kaliwang kamay at sinadyang gamitin ang kanyang middle finger sa pag-flip ng pahina ng brochure. Hindi nagtagal ay lumala ang pagkakasimangot ng beinte siete años na si Jaxx Junger Jozzwick. He looked back at his despicable for a grandfather. The old man is taking his madness too far. Laman ng pulyeto ang ilang larawan ng kung sinu-sinong babae na sa tingin ng Don ay may potential na maging katipan ni Junger. Manipulation is the name of this unbelievable old man’s game. “Ang nais ko ay pumili ka sa mga iyan kung sino sa tingin mo ang mabilis mong makakapalagayan ng loob. Lahat ng babaeng nariyan ay premira klase, apo at kabilang sa buena familia. Walang problema kung sino man sa kanila ang nanaisin mong makilala ng personal. Ahora mismo’y ipapasundo ko kung sino ang iyong pipiliin.” Hindi maawat ni Junger ang inis na tumutubo sa kanyang dibdib para sa kanyang abuelo na dinaig pa ang isang diktador. “Here we go again, Don Jose Luis.” He groaned irritably. “You're terribly insisting on getting me a wife. Alam mo namang hindi pa ako handa sa ganiyan. I'm not yet ready to change my marital status. Masyado akong mapagkumbaba at ayaw kung mauna akong mag-asawa sa aming magkakaibigan baka sa akin mapunta lahat ng kamalasan. Saka na lang ako magpapatali kung labing-dalawa na sa hombres ang maikasal. 13 is my lucky number.” Pinal na saad ni Junger na ikinadilim ng mukha ng matanda. Sa galit nito’y hinampas nito ang ibabaw ng study table. Ang lubos na nasindak sa ginawa ng Don ay ang executive assistant nitong si Celeste na nasapo ang dibdib dala ng gulat. “Mali ka kung iyong inaakala na hahayaan kitang tumanda sa ganiyang istado at palaging laman ng kung anu-anong society pages dahil diyan sa pagiging palikero mo. I've got enough of your scandals, Jaxx Junger! Ibinibilad mo sa kahihiyan ang pamilyang ito.” Walang ganang nakipag-argyumento si Junger sa sariling abuelo ngunit hindi siya mapapagod na igiit ang sariling kagustuhan na taliwas naman sa ibig mangyari ng Don. “Lo, come on! Those were not what you so called scandals. Iyong mga sinasabi ninyo, those were the most exciting part of being a bachelor. Dumaan din kayo roon hindi ba?” Hindi kumibo ang doon sa pagkakataon na iyon. Bahagyang hinabhab ng guiltiness ang kalooban ni Junger nang maalala ang kuwento ni Nanang Greta tungkol sa kabataan ni Don Jose Luis. Katulad ng karaniwang tradisyon sa angkan ng Jaramillo ay produkto rin ng complicated fixed marriage ang Don. Ang malala pa roon ay naging battered husband ito dahil lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Jose Luis ay dominanteng babae ang ipinakasal ng mga ito sa anak nila. Lumpo ang Don may dalawang dekada na. Ang yumao rin nitong esposa ang may kagagawan ng pagkakaaksidente nito na nauwi nga sa pagkalumpo nito. Mula noon ay si Celeste Realina na ang naging paa’t lakas ng Don. Buo ang katapatang-loob nito sa kanyang abuelo at iyon ang lubos na hinahangaan ni Junger sa executive assistant ng kanyang abuelo. “Bueno, makinig ka, hijo. I'll give you a chance to get yourself a decent woman of your choice who you will marry. Kailangan na maiharap mo siya sa akin bago ang kaarawan ko sa susunod na buwan.” He groaned louder and was about to go against the old man again. “Abuelo...” “Get yourself a decent wife of your choice or I will. Mamili ka.” Halos mayanig ang buong library ng Villa nang lumabas doon ang galit at nag-iisang apong lalaki ni Don Jose Luis. “Bibihira lamang akong manghimasok sa mga desisyon mo, Luis lalo na kung may kinalaman sa pamilya ngunit hindi ko lubos maunawaan kung bakit pinipuwersa mo ang apo mo na maikasal kaagad.” Celeste Realina bravely opened up. Palaisipan sa kanya ang mariing pagmamanipula ng Don kay Junger. “Walang nakakaalam sa mga plano ng nasa Itaas sa kapalaran natin, Celeste. Malay nating bukas o sa makalawa’y babawiin na niya ang ipinahiram niyang buhay sa akin. Masyado na akong matanda, Celeste bukod sa inutil pa.” Napasinghap si Celeste. “Huwag mong sabihin iyan, Luis.” “Paanong hindi ko sasabihin gayung malinaw na wala na akong silbi sa mundo?” Mariing wika ng Don. “At si Junger, siya lamang ang natatanging natitirang aking kadugo. Ang aking nag-iisang lehitimong eredero.” Nanlaki ang mga mata ni Celeste. “A–ano’ng ibig mong sabihin? Paano si Julio? Ang tatlong anak ni Julio?” Tila nagdalawang-isip pa ang Don kung itutuloy pa ba ang usapang iyon ngunit nagdesisyon din itong ilahad kay Celeste ang katotohanan. “Julio is my adopted son. Si Greta ang totoong ina ni Julio at malakas ang aking kutob na alam na ni Julio ang kanyang tunay na pagkatao ngunit ayaw niyang tanggapin. Iyon ang sa tingin kong dahilan kaya madalang itong dumalaw dito sa villa.” Ang Greta na tinutukoy ni Don Jose Luis ay ang mayordoma sa villa at ang matandang nagpalaki at umaruga kay Junger matapos bawian ng buhay si Jimena Jaramillo gawa ng madugong aksidente may dalawang taon na ang nakalilipas. “May malupit na anay sa pamamahay kong ito, Celeste na wala ibang hangad maliban sa ipahamak kami katulad sa nangyari sa aking asawa at sa aking pinakamamahal na anak na si Jimena. Nahihirapan akong tukuyin kung sino. It could be Julio, one of his children o kaya’y isa sa mga tauhan ko. Hindi ko alam!” “L–luis, bakit hindi natin idulog sa mga awtoridad ang suliraning ito kung ganoon? Napakatagal na nito kung tutuusin. At may salapi ka kaya hindi ka mahihirapang hanapin ang mga taong tinutukoy mo.” “May ginagawa na akong hakbang upang matukoy kung sino man ang nagtatangka sa pamilyang ito, Celeste ngunit nahihirapan ang mga taong pinapagalaw ko. Ngayon ay walang mahalaga sa akin kundi ang kaligtasan ng aking apong si Junger. Batid natin na may reglamento sa grupo nilang magkakaibigan. Oras na may maikasal sa kanila’y kailangan na sa isla de los hombres iyon gaganapin at mananatili sila roon. Iyon ang pinakaligtas na lugar para sa kanya. Iyon lamang ang naisip kong paraan upang ilayo sa tiyak na kapahamakan si Junger kaya determinado akong maikasal na siya sapagkat may tiwala ako sa grupo ng mga batang iyon.” Nahulog sa malalim na kaisipan si Celeste Realina. Tila nahihirapang unawain ang lahat ng narinig mula kay Don Jose Luis na kilala niyang likas na mailap kanino man. “Bueno, dalhin mo na ‘ko sa receiving area at baka nariyan na ang mga inaasahan kong panauhin.” Tumalima si Celeste ngunit nanatiling buhol-buhol ang isip. “E ANG SABI ko naman saiyo, hijo na huwag ka nang mag-aksaya ng pera sa pagbili ng kotse. Alam mo namang ayaw kong iisantabi itong lumang kotse ng Mommy mo. Napabayaan ko lamang iyon kaya napagdeskitahan ng masasama ang loob.” Sandaling napapikit si Junger sa pagmamatigas ng amang si Jakob Jozzwick, isang half-Portuguese and half-American na matagal nang naka-base sa Pilipinas at nagtayo ng maliit na negosyo hanggang sa nakilala ang kanyang Mommy na si Jimena Jaramillo. “I know you're naturally a hard-nosed person, Pa pero hindi mo maiaalis sa akin na huwag mag-alala. You've been a victim of hold-up thrice dahil basta na lamang titirik ang kotse ng Mommy sa daan.” Nakapuwesto ang isang braso ni Junger sa tuktok ng backrest ng upuan niya habang nakatanaw sa labas ng five-star restaurant na pagmamay-ari ni Xique Xerxes Xeffos, one of his fratmate. Kasama niya sa mesa si Ivor na humabol lang para magpalibre ng dinner. Sabay na rin silang tutulak patungo sa El Sacramento—isang gentlemen’s club na pagmamay-ari ni Scorpion Sergius Sebastos kung saan madalas ang grupo nila maliban lang doon sa mga killjoy nilang fratmate. He needs to be entertained tonight. Full-blown. And the strip joint never disappointed him then and now and always satisfied him to the fullest without s*x. Sa aspeto namang iyon ay hindi rin siya nababakante sapagkat may mga babaeng kusang sumasadya sa condo niya to get laid by him. And that's a price for being a rich and eligible bachelor and a notorious womaniser who never left his bed-buddy unsatisfied in bed. “Oh, son. You don't expect me to get rid of your Mom's car, do you? Doon ka niya ipinanganak sa kotseng iyon and she taught you to drive gamit din ang kotse na iyon.” Narinig naman niya ang kasunod na sinabi ng kanyang Papa mula sa kabilang linya ngunit wala sa loob na natahimik si Junger. Ninakaw kasi ng isang babae ang kanyang atensiyon. The certain girl walked briskly towards the restaurant entrance in her denim jacket and midi skirt. She's tall, about five-six and with delicate features and body curves. There's something in her pretty jet black eyes that somehow close to defiance. Her appearance alone ay may karatulang nagbibigay babala sa kalalakihan like stay the fúck away from me! “...mabuti na lamang at alerto ang mga pulis at natimbog ang grupo sa likod ng car cloning. Naibalik ng maayos ang binili mong sasakyan para sa akin. Hayaan mo at pangangalagaan ko ito.” “Damn!” Hindi napansin ni Junger na nailakas niya ang pag-usal niyon matapos makitang may lalaking lumapit sa babaeng pinapanood niya mula sa labas ng restaurant. A boyfriend maybe? Why does he care anyway? “Ako ba ang minumura mo, Jaxx Junger?! Itong batang ‘to.” “What? No, Pa. Hindi ikaw.” Napasulyap siya kay Ivor na halos mapilipit na ang katawan sa kalilinga sa mga babaeng customer din doon. “I’m cursing the s**t out of Ivor, Pa, kasi may binabastos na namang babae rito kaya heto at sinisermonan ko.” Napatitig sa kanya si Ivor Innocénti at dumilim ang mukha. Tangina mo! Iyon ang piping ganti nito. “Ganoon ba? Bueno, kakatawag lang sa akin ni hepe, hijo. Nahuli na raw nila ang ilan pang kasamahan ng grupong nagnakaw sa sasakyan ko.” “That’s a good news, then, Pa.” “It is. It is. Bukas ay daanan mo ako rito sa opisina at sabay na tayong dumalaw sa puntod ng Mommy mo. Don't forget to buy her her favorite croissant.” “Of course.” He answered all too quickly and when the call ended ay saka naman pumasok ang mensahe mula kay Xennia Gustavo—an ex-f**k buddy of him. At sa gabi ngang iyon sana sila mag-uusap tungkol sa deal na iaalok niya sa dalaga na tiyak niyang hindi nito matatanggihan. I'm waiting for you here at the lobby for roughly two hours, Junger. Where the hell are you? Don't bother! I'm quitting na pala. Adíos, Jozzwick! Pabalya niyang inilapag sa mesa ang kanyang cellphone. He groaned aloud out of too much frustration. Ngunit may umahong kahinahunan sa somewhere inside of him nang sandaling napalingon siya sa table ng naturang babae na tahimik niyang pinapanood kanina. He grinned deviously upon sensing na tila nagtatalo ito at ang nobyo. Hindi niya maunawaan kung bakit parang tagumpay ang dating niyon sa kanya despite the fact that he doesn't know the girl at all. Just a girl and girls aren't his usual type but wanton women.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD