"Cut!" Linapitan ako ni Ms. betty ang manager ko. Hindi pa rin kasi nakaka balik si Lee hangga ngayon. Ewan ko ba pakiramdam ko may itinatago sya saakin. Inayusan ako ng mga make up artist ko "Ang galing mo talaga Ara!" Kantyaw ni Celine. Ngumiti lang ako sakanya. It's been a month since bumalik ako sa pagiging artista. So far maayos naman ang career ko. Ilang projects at commercial na rin ang natatanggap ko. I feel really blessed and grateful. I cant wish for more. "Ara nandyan nanaman si Mr. Jadelania" biglang singit ni apple. Napa buntong hininga ako. Walang araw na hindi pumunta si Zeus para guluhin at asarin ako. Sa loob ng isang buwan buntot sya ng buntot saakin Noong nakaraang araw may dala syang pagkain at ipinamigay nya ito sa mga staff. Kahapon naman bulaklak at chocol

