Pagmulat ko ng aking mga mata tumambad saakin ang puting kisame. Napahawak ako sa aking dibdib. Nahihirapan pa rin akong huminga. Inilibot ko ang aking paningin dahil may gusto akong makita. Nalungkot ako dahil wala sya. Oo nga naman. Aasa kapa ba Sahara? "Anak" Napalingon ako kay mama puno ng pag aalala ang mukha nito. "Why did you eat shrimp? Alam mo naman na masama sa kalusugan mo iyon" sermon ni mama saakin. "Sorry ma" mahinang bulong ko. Buti nalang ay dumating ang doctor kaya hindi na ako pinagalitan ni mama. "You should be extra careful next time Iha." Payo ng doctor saakin. I nod my head. "Dont forget to drink your medicine too." Paalala pa ng doctor. Napa tingin ako sa aking sarili sa salamin, puno ng pantal ang leeg at mukha ko. Pati ang aking mga kamay. "I'll get y

