Halos lahat ng estudyante sa University mapa Senior or College pa busy sa pag rereview. Next week na kasi ang finals kaya todo effort lahat. May kanya kanyang paraan para maka pasa. Sino bang studyante ang gustong bumagsak? "Hell week" Haru "Struggle is real" Wina "Cause of Death: Finals" Zayne. Natawa ako sa reakyon nila. Parang hindi pa sila nasanay sa finals. "Palibhasa may lumalovelife ang isa dyan kaya pa ngiti ngiti pa" pag paparinig ni Zayne saakin. Nag kibit balikat lang ako. Ayan na naman sila sa pag paparinig. "May inspiration daw kasi" pang gagatong pa ni Haru. Inakbayan ako ni Wina at sinundot sundot sa tagiliran. "So kumusta na kayo? Lumevel up na ba? Any progress?" Binitawan nila ang hawak nilang libro at naghihintay ng magiging sagot ko. "Ya--" Bago pa ako maka

