Nagising nalang ako nang may headaches. Damn hang over! Nakakaiyak! Parang binibiyak ang ulo ko kainis. Nagpagulong gulong ako sa kama. Kama? Geez! Pano ko nakauwi? Wala akong maalala sa nangyari kagabi.
OMG! Si Nyx? Oh my! Where's Nyx? Kasama ko ba siya umuwi? Ugh! Hindi ko alam! Pareho nga pala kaming nalasing sa ininom namin.
TOK! TOK!
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa pagkagulat. Ugh! Lalong nanakit ang ulo ko dahil sa katok na yun.
Mahilo hilo akong umayos ng tindig dahil kelangan. Minsan mas gusto ko nalang maging ordinaryong mamamayan. Tipong walang problemang kaakibat kung anong kilos o pananalita ang sabihin ko. Kaya lang hindi e. Isa akong prinsesa, kailangan kong umakto na naayon sa posisyong meron ako. Maging mabuting role model sa paningin ng lahat kahit na nasa palasyo lamang ako.
Ang mayordoma pala ang kumakatok. Nakangiti ito nang pagbuksan ko ng pinto. Ngumiti din ako pabalik.
"Goodmorning, your highness. Breakfast is ready."aniya. Nakita ko naman si Azra ang aking personal na tagapagsilbi. Pumasok ito agad sa loob. Tumango lang ako bilang tugon sa mayordoma.
Agad kong inayos ang aking sarili. Naligo at nagbihis. Inayusan ni Azra.
"Paano ako nakauwi kagabi?"tanong ko rito. Tipid itong ngumiti.
"a guy brought you at home."aniya na may panunuya sa boses.
Napailing ako. At kinabahan.
"who?"taka kong tanong. No way! Sana ay hindi ako mapagalitan.
"He's wearing a mask."anito. OMG! Ayokong maging assuming pero sana si Rassel yun. Kyaaahhh!
Pakiramdam ko namumula na ko sa tuwa at kilig.
"Sino ang kumuha sakin sakanya?"taka kong tanong.
"Me. I'm waiting for you, your highness."nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Together with the guard."anito. Tumango lamang ako. Loyal naman ang mga guwardiya ng Palasyo sa amin kaya ayos lang.
Lumabas na kami matapos akong ayusan ni Azra. Sinalubong ako ng ngiti ni ama at ina. Kabado pa naman ako mabuti nalang.
"hindi mo pala kasama umuwi si Nyx kagabi."ani Ina, tumango ako.
"Tumawag sa telepono ng palasyo ang pinsan niya. Para sabihing inuwi nila si Nyx. Akihiro Rocketfellers, her second cousin."dagdag ni ina. Hindi ko yun kilala pero parang pamilyar sakin.
Tumango nalang ako.
Akala ko pagagalitan ako ni Ama at Ina. Mabuti nalang hindi.
Nag yoga nalang ako sa nakalaang silid. Para maibsan ang pananakit ng ulo ko nakainom na rin naman ako ng gamot.
Pinikit ko lang ang aking mata at hinayaang sakupin ng masasayang pangyayari ang aking kaisipan.
Nung bandang hapon nagreview lang ako. Malapit na rin kasi ang preliminary exam sa school.
Tipong habang nagrereview ako kumakain din. Geez! Buti nalang di ako nanaba.
Bandang alas tres ng hapon dumating si Nyx sa palasyo. Panay ang kuwento niya tungkol sa kambal niyang pinsan. Kung gano kasungit si Akihiro at kung gano kabwisit sa kakulitan si Vince. Tawa lang ako ng tawa sa kuwento niya. Kapag talaga may kuwento siyang baon napapatagalog siya e.
"Sobrang sungit talaga ng Akihiro na yun! Bakit kasi nagpang abot pa kami sa bar na yun eh! Buti nalang di nila ko sinumbong. Kaya lang nakatanggap ako ng irap at batok! Geez! Masakit! Ang bigat ng kamay nun! Parang bakal!"anito sa iritang muka at tono. Tawa lang ang naisasagot ko sakanya.
"Si Vince naman panay ang kiliti sakin abnormal talaga! Kung ano ano pang kaechosan ang pinagsasabi. May sira talaga sa ulo ang isang iyon."aniya habang nagmemake face. Ngiti lang ang sagot ko.
Marami pa siyang kinuwento sakin about sa kabataan nila. Sabay sabay kasi silang lumaki. Kaya naman marami silang memories. Ikaw ba naman na malapit na kamag anak. Siyempre makakasanayan mo na talaga. In her case, hindi niya kayang masanay. Parang nakakaloka pag sakanya.
Nung mag alas kwatro nagkayayaan lang kami mag grocery. Ewan ko ba dito kay Nyx! May pwede namang mag grocery para samin. Mas gusto niya pa talagang nahihirapan. Siguro gusto niya lang maging normal kahit sa ganitong paraan lang. Pero dahil pareho kaming sikat. Pinagkaguluhan kami. Next time ipapasara niya nalang daw ang Supermarket. Baliw talaga! Kaya ako natatawa minsan may pagkajoker si Nyx kapag ako ang kasama.
"Saan tayo pupunta after?"tanong ko. Nagbabayad nalang kami sa cashier kaya naman matatapos na agad. Wala na kaming gagawin.
"Hmm. Kain tayo sa Elite Cafè, syempre girl! Nakakagutom! Kaya kelangan natin kumain."anito na ikinatawa ko lang. Pambihira.
Umorder lang kami ng paborito naming lasagna at frappes. Nagkuwentuhan about showbiz. Medyo nakakasabay naman ako syempre supportive akong bestfriend.
Nung gabi sa mall lang kami tumambay. Nagshopping ulit ng kung ano ano. Natawa ako dahil VIP treatment talaga kami. Akala namin ni Nyx kami lang meron pa. Hindi ko alam kung panong napunta dito sa Mens wear si Rassel.
"He's here. Sa tingin mo destiny ang nagpapunta sakanya dito?"nangangarap kong sabi. Napingot niya tuloy ako.
"Nagkataon lang girl. Wag kang assuming."pambabara niya. Napairap ako sa sinabi niyang yun. Baliw talaga!
Ugh! Hindi man lang sinuportahan ang pangangarap ko!
"Hey! Hey! I know that look. C'mon! Tumigil tigil ka nga, C!"aniya na nanunuya. Sinimangutan ko lang siya.
"Kala mo ha! Di kita susuportahan kay kiel!"pang asar ko sakanya. Yun yung cool na laging leading man sa tuwing gaganap siya sa kdrama.
"Tigilan mo ko. Wag mong idamay dito ang baby ko!"aniya. Tumawa lang ako. Nagkakilitian tuloy kami. Nakagawian na namin.
Natigil lang kami nung palabas na kami ng dressing room. Pinagmasdan ko lang si Rassel sa kabilang section.
Panay ang sulyap ko sakanya kaya naman lalo akong naiinlove. Bakit ba ang gwapo niya kahit sa anong aspeto pa? Geez! Yung side view lang pero halatang yummy na! Ang gwapo gwapo niya.
Maraming nalilink sakin pero binabalewala ko lang yun. Kahit gano pa sila kamacho! Kahit gano pa sila kagwapo.
Ewan ko ba, may kung ano sakanya na sobrang nakapagpainlove sakin.
Hephep! Hindi yung 7 inches ha! Ano ngayon kung Daks siya? Ugh! What the? Kelan pa ko naging bulgar magsalita? Buti nalang sa isip ko lang sinasabi to. Kundi nakakahiya! Naturingan pa naman akong Prinsesa.
"Hey! Nangangarap nanaman ata ito! Natawa mag isa."pairap irap na saad ni Nyx na di ko nalang pinapansin.
Umayos ako ng tindig nang mapatingin sa direksyon namin si Rassel. Akala ko hindi ako nito papansinin pero humakbang agad ito papunta sa pwesto namin. This is really embarassing! Hindi ko alam kung pano ako aakto sa harap niya.
Ang gwapo niya talaga ang cool niya pa maglakad. Seriously? Siguro kung alam niya lang na gwapong gwapo ako sakanya baka lumaki na ang ulo niya.
"Miss me?"anito sa husky na boses at kinabig ang bewang ko. Pakiramdam ko nanaman umakyat lahat ng dugo ko sa muka. Oh my-Rassel!
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako napatango. Napangisi naman siya dahil doon.
"Do you know me?"tanong ko. Tumango naman siya.
"yeah, of course. My deity---Carma Shea Vantress."anito sa husky na may pagkamalambing na tono. Lalo akong namula at kinilig sa sinabi niya. Sanay na kong tinatawag na deity pero kakaiba parin kapag siya na ang natawag ng deity sakin.
"How about you?"aniya. Ewan ko ba kung bakit siya naka half mask. Yun ang gustong gusto kong itanong e.
"my heir, you're Kemuel Rassel Rocketfellers."malambing kong saad na nakapagpangiti sakanya. That face, na hindi palangiti napapangiti ko. Meh.
"Heler! May tao ho rito!"panunuya ni Nyx na dinedma lang namin.