[ Warning SPG ] Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bodega. Lahat ng tauhan ko ay nagkalat sa loob para paslangin ang lahat ng kumakalaban sa Khazarian Mafia. Napuno ng usok at apoy ang bawat sulok nito. Habang ako ay nakaupo sa nakalaang upuang nakalaan para sakin. "Boss, tapos na po silang lahat. Wala ng natira. Nakuha na rin namin ang ilang diamond elixir."saad ng aking tauhan. Hindi ako kumibo at nanatiling seryoso. Binigay naman ng isa ang kahong naglalaman ng mahigit 500 pirasong diamond elixir. "Boss, wala talagang makakatalo sa taktika at talino niyo."puri ng isa kong tauhan. "No one can tamed the beast in underground."malamig kong sambit. Sunod sunod ang naging tango nila. Marahan akong tumayo at pinabitbit ang kahon sakanila. Saka tinalikuran ang bo

