Nung umagang 'yon nagbabasa lang si Rome ng tungkol sa alamat ng dama de noche kasama si River at Rogue. Kaya kampante akong hayaan sila sa garden. Ang Alamat Ng Dama De Noche Sa isang kaharian sa Mindanao, may isang Sultan na ubod ng tapang. Dahil sa kanyang katapangan ay maraming kaaway ang kanyang nagapi. Ang Sultan ay ipinalalagay na pinakamasuwerteng hari dahil sa bukod sa kanyang katapangan ay mayroon pa siyang isang anak na dalaga na ubod naman ng ganda. Maraming mga mahaharlikang binata ang nanliligaw sa dalaga nguni't wala sa panlabas na anyo ang kanyang hinahanap. Ang nais niya ay iyong kagandahang nagmumula sa kalooban ng tao. Hindi naman nagtagal at si Mayuri, ang anak ng Sultan, ay nakatagpo ng lalaking kanyang hinahanap. Siya ay si Ramen, ang bago nilang hardinero. Mabait

