EPISODE 1: Caroling

406 Words
Paano nga ba nag start ang lahat? Well, nagstart ito nung caroling. Unexpected feelings! -------------------------------------------------- Shanie’s POV Start of class. Shanie: Wala na bang matinong lalaki dito?! Jonie: Meron. Shanie: Sino? Jonie: Ako. Sabay apir at tumawa si Shanie. Yun ang unang conversation. Sa kadahilanang hindi naman kami laging nag-uusap kasi…ewan. Pero sometimes nagtatanungan about something related sa mga ginagawa sa school. **FAST FORWARD** November May performance kami. Video while singing representing the music of other countries. Narinig ko kumanta si Jonie. Nabilib ako kasi bukod sa mabait, matalino, at maaalalahanin, may mga talents din pala si Jonie. In-ignore ko nalang ang pagkabilib ko. -------------------- December May nakaisip na magcaroling kami. December 9, 2013 ang start. Ang maiipon ay i-a-ambag sa Christmas party at paghahati-hatian. First day of caroling. Apat kaming naunang mangaroling. EPIC! Kasi ako, first time lang. Naglakad lakad kami hanggang sa may dalawa pa kaming kasama na nakasalubong. Nag dinner kami sa bahay nila Jonie. Kumuha na ng pagkain ang lahat. Jonie: Ganyan lang talaga kinuha nyo no. Pero pagdating sa bahay nyo, singkapuno ng plato. Shanie: Hala! Hindi ahh! Shiwin: Oo ganto lang naman talaga. Baka kasi kulang pa kay Shanie. Shanie: Ako nanaman! Kaw Shiwin ahh. Hmm… Shiwin: Totoo naman. Chanel: Hahahhahahha Jonie: Ows? Julia: Wag na nga kayo mahiya. Natapos na kaming kumain at nagprisinta si Jonie na ipahatid kami sa papa nya, dahil may nasabi si Chanel na pwedeng mangyari at ikapahamak. Dumaan ang mga araw at nagiging close kami ni Jonie. Kami lagi ang nagkwekwentuhan at lagi kaming nasa likod. Natatawa at panay ang pang-aasar ni Glen at ang iba pa saamin. Pero patay malisya lang kami. One day, caroling din namin. Pumunta kami sa bahay ng Sir namin. Naglalakad kami. Nasa huli kami ni Jonie. Naisipan kong maglakad sa gilid ng canal. Dun ako umapak at naglakad. Nasa tabi ko si Jonie. Shanie: Jonie, dyan ka lang ahh. Pahawak sa shoulder mo baka malaglag ako. Jonie: Ok Lumapit si Jonie at humawak ako sa shoulder niya. Seryoso kaming naglalakad ni Jonie ng biglang may tumahol na aso. Sa sobrang gulat ko, napahawak ako ng mahigpit kay Jonie at napadikit. Alam kong nakita yun ni Glen ngunit hindi na lamang sya nagreact pero patago syang tumatawa. Nagulat ako sa nangyari kaya't nagsorry ako kay Jonie. Nakarating na kami sa bahay ng Sir namin. At napag usapan kung ano ang mga nangyayari sa classrooom. --------------------------------------------------EPISODE 1: CAROLING--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD