Umagang magandang sikat ng araw ang sumilay sa bayan ng mazdean. Tuwang-tuwa ang mga tao doon dahil ito nalang ulit ang unang beses na sumikat ng ganoong kaliwanag ang araw sa bayan nila. Tuwang-tuwa ang mga nasa loob ng simbahan. Lalo pa tuloy nilang pinag-igihan ang pagdadasal at lalo naring dumami ang mga taong dumayo doon
Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Fia habang nakatingin sa isang damak-mak na tao na nagdadasal sa loob ng simbahan. Maganda ang kinalabasan ng pag gising nila ng madaling-araw para umikot sa bayan na iyun para manghikayat ng mga tao na tumungo sa simbahan.
Lalo tuloy nag pursige si Carter na sumalok ng holy water sa balon para ipamahagi sa mga tao.
Natuwa din si Misty dahil sa kabila ng mga hirap nila ay may iilan ding tao na nagbibigay sa kanila ng mga gulay at prutas. Pagkain na magpapalakas lalo sa kanila. Pinaniniwalaan nila Fia na 'yun na unang hudyat na nagbibigay na ng grasya ang panginoon.
"Sa tingin mo, ano na ang dapat nating gawin para isalba si Snow white?" Tanong ni Carter ng lumapit siya kay Fia.
"Hindi ko din alam. Hanggang ngayon wala parin akong alam kung paano natin siya isasalba. Hindi ko alam kung paano natin kalalabanin ang mga dimonyong 'yun. Simpleng tao lang tayo at wala tayong kalaban-laban sa kanila," sagot ni Fia.
"At pagbubuwis talaga ng buhay ang gagawin natin. Delikado dahil ano mang oras na sumugod tayo doon na walang plano ay tiyak na agad tayong matatalo. Tutal ay marami nading namang tao na nagpupunta dito ay dapat asikasuhin na natin ang plano natin para kay Snow white. Naiinip na kasi ako. Kinakabahan ako—na baka kung ano na ang ginagawa nila kay Snow white."
"Tama ka. Pag-usapan na natin 'yan, mamayang hapon. Saka isa pa, hihingi tayo ng tulong sa mga tao dito. Siguro naman ay tutulungan nila tayo."
"Pero Fia, paano kung isa-isahin natin sila? Patibong ang dapat nating gawin."
"Patibong? Paanong patibong?" Nalilitong tanong ni Fia.
"Tao ang pinapatay nila, kaya tao dapat ang ipaing," biglang singit ni Misty.
"Sino ang ipapaing? Nakakatakot naman ata 'yan," sagot ni Fia.
"Ako," desididong wika ni Misty.
"Hindi po, huwag po kayo," sagot agad ni Carter.
"Ako na. Matagal ko ng plano 'to. Saka isa pa, hindi ako papayag na isa lang ang mapatay ko sa kanila. Hindi ko sasaying ang buhay ko na isa lang ang mapatay ko," saad niya na kinakaba nila Fia "May plano na ako at saakin nalang muna 'yun," saad pa niya.
Ayaw mang pumayag nila Fia ay wala silang magawa. Matigas ang ulo ni Misty kaya ginalang nalang nila ang gusto nito.
**--**
Nakaramdam ng pagka-antok si Fia kaya pumasok muna siya sa kwarto doon sa gilid ng simbahan. Pahiga na siya sa kama ng biglang sumulpot si Godric.
"Paalis na si Talbot. Pinagpa-planuhan na niya ngayon si Blaire," sambit niya agad.
"Anong kakayahang gawin ni Talbot? Ano ang kanyang kapangyarihan?" Tanong ni Fia.
"Hinihigop niya ang kaluluwa ng taong papatayin niya habang natutulog," saad niya "At may goodnews ako. Maari silang makaligtas sa bingit ng kamatayan kung hindi nila susunggaban ang manasanas na binibigay nila. 'Yun ang pang paing nila para mapatay nila ang mga tao. Bigay at patay. Tanggap at patay. Isang kagat at patay. Kahit hawak lang sa mansanas, papatayin ka agad. Nito ko lang nalaman 'yan dahil malapit ko ng patayin si Syndey. Utos 'yun ni Ichabod na pepekeen ko lang. Palalabasin ko na pinatay ko si Syndey," dagdag pa niya.
"Grabe sila. Hanggang kailan ba nila ito gagawin? Napakawalangya nila. Pero ano nga palang balita kay Snow white?"
"Patuloy paring nakahimlay. Bumabagal parin ang orasyon nila dahil sa dasal ng mga tao," sagot niya "Pero may badnews din ako. May plano sila sa mga tao dito sa bayan ng mazdean. Maaring maghasik na sila ng lagim mamayabang gabi," saad pa niya.
"Anong gagawin nila?"
"Hindi ko pa alam. Babalitaan kita. Babalik ako mamaya," saad niya saka ulit siya nawala ng biglaan.
Dahil sa sinabi ni Godric ay nawala na ang antok niya. Lumabas siya ng kwarto at sinabi sa mga kasamahan niya ang binalita ni Godric.
**--**
Naliligo si Blaire ng marinig niyang may kumatok sa pinto ng banyo niya. Sandali niyang sinarado ang shower at nagtapis saka niya binuksan ang pinto. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Walang bakas ng anumang tao ang nakita niya. Muli niyang sinara ang pinto at ganun-ganun nalang ang gulat niya ng makakita siya ng pulang-pulang mansanas sa malinis na lababo ng banyo niya.
Nangiti at natakam si Blaire. Hindi niya napigilan ang sarili niya na kagatan ng isa ang mansanas.
Matapos niyang maligo at gumayak ay tumuloy na siya sa burol ni Khaine. Doon ang usapan nila ni Letizia tungkol sa isang plano niya.
Nang maupo na si Blaire sa tabi ni Letizia ay nag usap na sila.
Pinag-usapan nila ang plano sa pagtungo sa bayan ng mazdean. Kahit hindi nila sinasabi kay Fia ang planong 'yun ay tutuloy na sila. Isusuprise nila ang kanilang kaibigan. Pakiramdam ni Letizia ay ligtas sila sa loob ng simbahan na kinukwento sa kanila ni Fia. Isa pa, malakas ang loob nila dahil marami silang kasama doon.
"Mag empake na kayo mamayang gabi dahil bukas ng umaga ay tutungo na tayo doon," sambit ni Letizia.
"Okay," sagot ng lahat.
Matapos ang pag uusap ay tumulong na sila sa magulang ni Khaine na magpamigay ng mga pagkain sa mga nakikiramay.
Matapos magpamigay ng zesto si Blaire ay samangdali siyang sumilip sa kabaong ni Khaine. Naluha siya at bumulong doon ng maraming sorry. Sinisi niya ang sarili dahil namatay ang mga kaibigan niya. Kagagawan niya ito kaya namatay ang mga malalapit sa buhay niya. Pero nagulat si Blaire ng bigla itong dumilat at galit na galit na tumingin sa kanya. Sa takot ay napasigaw siya at napaupo sa sahig.
Nagtinginan ang mga tao sa kanya. Nilapitan siya ng magulang ni Khaine kasama nila Letizia.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Letizia.
Takot na takot na tumuro si Blaire sa kabaong ni Khaine. " Si Khaine, dumilat," saad niya.
Agad na sinilip ng Ina ni Khaine ang kabaong nito pero nakahimlay parin ng Khaine ang nakita niya. "Hindi naman ah," saad nito.
"Kitang kita ko siya kanina. Dumilat siya," saad parin ng nanginginig sa takot na si Blaire.
"Baka naman namamalik-mata ka lang," sambit ni Sydney.
Sa gitna ng nagkakagulo na sila Blaire ay nakatanggap bigla ng tawag sa telepono si Letizia galing kay Fia. Sinabi ni Fia sa kanya ang paraan para makaligtas sa mga dimonyong alaga ni Snow white. Matapos ang pag uusap nila ay saka niya sinabi 'yun sa mga kaibigan niya.
"May paraan na para makaligtas tayo," saad niya agad.
"Paano?" Tanong agad ni Maria shawn.
"Kapag nakakita daw tayo ng biglang sulpot na mansanas sa kahit na saan sa loob ng bahay natin ay huwag na huwag daw hahawakan o kainin. 'Yun daw ang paing ng mga dimonyong alaga ni Snow white," mahabang niyang wika.
"Salamat naman," saad ni Janisa.
"Saka ikaw ang dapat na mag-ingat Blaire. Papunta na daw si Talbot para pagplanuhan ka. Huwag na huwag ka daw kakain o hahawak ng mansanas," saad pa ni Letizia.
Biglang naalala ni Blaire ang kinagat niyang mansanas sa banyo niya. Nanlambot siya bigla sa nalaman niya. "Ano daw ang kakahayan ni Talbot? Paano siya pumapatay?" Natatakot na tanong ni Blaire.
"Nanghihigop daw ito ng kaluluwa habang natutulog ang tao. 'Yun ang paraan ng kanyang pag patay. Parang sleep paralysis o 'yung old hog syndrome," sagot ni Letizia.
Napansin ni Syndey na hindi maipinta ang mukha ni Blaire kaya nagtanong na siya.
"Hindi ka naman di'ba nakakakita pa ng apple o nakakahawak di'ba?" Tanong ni Sydney kay Blaire. Wala itong imik. Seryoso lang siya habang nakatingin sa kabaong ni Khaine.
"Sa tingin ko ay hindi na ako makakasama sa inyo sa mazdean," biglang sabi ni Blaire. Nagulat ang lahat.
"Bakit?" Biglang tanong ni Marianne.
"E, tutulong nalang ako dito sa burol ni Khaine at Vhangz. Walang katulong ang mga magulang niya. Kawawa naman sila." 'Yun nalang ang sinabi niya. Tanggap na niya na mamatay na din siya. Tanggap na niya ang karma sa kabila ng mga kawalangyaan na ginawa niya. Tanggap na niya na ito na ang paniningil ni Snow white. Minabuti nalang niya na ilihim ang nalalapit niyang pagkamatay para wala na sa kanilang madamay pa. Ang huli nalang niyang ginawa ay isa-isang niyakap ang mga kaibigan niya.