Chapter 27

1183 Words

Nagulat si Fia ng mapunta sila sa gitna ng kagubatan. Nakita ni Fia na mula sa tungkod na hawak  ni Margarita ay nagpalabas ito ng maraming itim na kandila. Itim na kandila na kumalat sa paligid nila. Lumapit sa kanya si Harper at agad na hinila papunta sa bangkay ni Snow white. "Anong gagawin n'yo?" tanong niya habang nanginginig ang tuhod. "Huwag kang mag-alala, hindi ka naman mamatay. Dugo mo lang ang kailangan at malaya ka na," sagot nito sa kanya. Nag umpisa ng magsalita ng mga latin na words si Ichabod na sinundan naman agad nila Vladimir at Lestat. Hawak ang parehas na kamay ni Fia ng mag-asawang dimonyo na si Harper at Margarita. Habang binabanggit ng mga dimonyo ang mga hindi maintindihan na salita ay namuo ang dilim sa kalangitan at yumanig ang malakas na kulog at kidlat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD