Chapter 13

1515 Words
Nakasilip si Misty sa bahay ng mag asawang Ophelia at Tim. Nagtataka siya dahil saradong sarado ang bahay nito na dati naman ay bukas at hinahayaang nakabuyang-yang ang lahat. Makulimlim ng araw na'yun kaya naman malakas ang hangin at mula sa pinagtataguan niya ay humahampas ang malalaking damo sa mukha ni Misty. Dahil naintriga si Misty sa nakasaradong bahay nila Ophelia ay lumapit siya doon. Dahan dahan siyang naglakad hanggang sa makalapit siya sa bahay. Isang butas ang nakita niya at mula doon ay sinilip niya ang loob ng bahay. Nanlaki ang mata niya ng masilip niyang may babaeng nakahiga sa loob, habang nakapalibot doon ang pitong maliliit na duwende na nakatayo na parang dinadasalan ang babae. Hindi siya pwedeng magkamali dahil sa tabi ng babaeng nakahiga ay nakita niya ang kaluluwa ng mag asawang Ophelia at Tim. Dahil doon ay naniwala na si Misty sa mga akdang sinulat ng Asawa niyang si Totoro. Marahan siyang umalis sa bahay nayun at dali-daling umuwi sa bahay nila. "Malapit na ulit magbunyi ang kampon na kadiliman. Dapat na maghanda ang mga taga dito. Wala silang alam na nasa panganib na naman ang bayan ng Mazdean." Saad niya habang nakatingin sa bukas na bintana kung saan tanaw niya ang lumang simbahan. Naramdaman bigla ni Misty na parang may tao sa paligid niya. Nakadinig siya ng maliliit na yapak na tila ba papalapit sa kanya. Nagulat siya ng kasabay ng malakas na kidlat ay biglang bumukas ang pinto ng bahay niya. Nakaupo siya sa papag na hinihigaan niya ng biglang sumulpot ang isang maliit na tao sa tabi niya. Malakas na sigaw ang pinakawalan niya dahil hindi niya inakalang nasundan siya ng isa sa mga duwendeng nakita niya sa bahay nila Ophelia. "Huwag kang matakot," marahan na wika ng duwende. "S-sino ka? Huwag mo akong papatayin, maawa ka!" Takot na takot na saad niya sa maliit na halimaw. "Ako si Godric. Iba ako sa kanila. Pinadala ako ng panginoon para itama ang landas ng pamilyang white. Pinuntahan kita dahil isa ka sa magiging kakampi namin." Saad niya na kinagulat ni Misty. **--** Palihim na tinawagan ni Syndey si Fia habang kasalukuyan siyang nasa loob ng banyo nila Blaire "Hello, Fia, si Sydney 'to," saad agad niya ng sagutin ni Fia ang tawag niya. "Mabuti at tumawag ka. Nag aalala ako. Mag iingat kayo. Dalawa sainyo ang susunod kay Mary shantal," sambit agad ni Fia na kinagulat niya. "Paano mo nalaman?" Gulat na gulat na tanong ni Sydney. "Magkita tayo mamaya dito sa bahay namin. Dito ko ikukuwento ko sa'yo ang lahat." "Okay. Ako din, may sasabihin din ako sa'yo." Matapos ang pag uusap nila ay desidido na siya na sabihin ang lahat ng ginawa nila kay Snow white. Wala siyang pakialam kung magalit man sila sa kanya. Ang mahalaga ay bago siya mamatay ay nalaman nila ang dahilan ng pagkamatay ni Snow white. Ang problema niya lang ay kung paano siya makakatakas kay Blaire. Matapos ang pakikipag usap niya ay madali siyang bumalik sa kwarto ni Blaire habang dala ang gatas na inutos nito. Nadatnan niyang gising na ang dalawa at umiiyak habang nakatali sa kama. "Tulungan mo kami. Pakawalan mo kami, Sydney," pag mamakaawa ni Khaine. "Parang awa nyo na, Syndey at Blaire, pakawalan n'yo na kami." Sambit din ni Vhangz. "Sorry sainyo. Hindi ako ang may gusto niyan. Pero sinisigurado kong makakaligtas tayo. Tiis-tiis lang," sagot ko sa kanila. "Tama si Syndey. Kumalma kayo. Para sainyo din naman ang ginagawa ko. Para mabantayan ko kayo,"sambit ni Blaire at pinainom pa niya ng gatas na dala ni Syndey sila Khaine at Vhangz. "Pwede ba akong umuwi?" Tanong bigla ni Sydney kay Blaire. Napatingin bigla si Blaire sa kanya. "For what?" Tanong niya na nakataas pa ang kilay. "Uhm, maliligo sana ako at magpapalit ng damit." Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay makikipag kita na siya kay Fia. "No need, dito ka nalang sa bahay maligo at magbihis. Madami naman akong damit pa na hindi nagagamit." "O-okay," sagot niya. "Maliligo na ako now," dagdag pa niya. "Okay. Diyan ka na maligo sa banyo ng kwarto ko," utos niya na kinabigla ni Sydney. "Sa baba nalang. Iinom pa kasi ako ng juice." Pagsisinungaling niya. Oras kasi na makalabas siya ng kwartong 'yun ay tutuloy na siyang lumabas para puntahan si Fia. "Okay. Bumalik ka kaagad." Sagot ni Blaire na kinahinga niya ng maluwag. Hindi makapaniwala si Sydney na mahahawakan sila sa leeg ni Blaire na ang totoo ay siya lang ang may gusto na patayin si Snow white. Siya lang talaga ang dahilan ng lahat ng kamalasang ito. Bago siya lumabas sa kwartong 'yun ay tinapunan muna niya ng tingin ang dalawa niyang kaibigan na nakatali. Bumulong siya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat mailigtas lang niya ang mga kaibigan niya. Paglabas niya sa kwartong 'yun ay tuluyan na siyang lumayas sa bahay nila Blaire at pinuntahan na niya si Fia. **--** Nag uusap sina Fia at Carter ng biglang dumating si Sydney. Naluha agad ito at napayakap kay Fia. Gulat na gulat si Carter sa inasta ni Syndey. Mayamaya ay naupo na si Syndey at nag umpisa ng magkuwento. "Kami ang dahilan ng pagiging malungkutin ni Snow white. Binully at pinahirapan namin siya. Walang araw na hindi namin siya binubugbog. Lahat ng 'yan ay utos ni Blaire. Siya lang ang may gusto na nahihirapan si Snow white. Ganun siya kasuklam kay Snow white dahil mas gusto siya ni Carter. Nagsimula ang lahat ng paghihirap niya ng maging close si Snow white at Carter. Habang nakikita niyang masaya at mukang nag kakaibigan ang dalawa ay lalong naiinis si Blaire. Hanggang isang araw, dinukot namin si Snow white at dinala namin siya sa isang abandonadong bodega. Tinali namin siya ng mahigpit at saka namin pinag bubugbog. Sapak, suntok, tadyak, at palo ng kahoy ang inabot niya. Naawa na ako kay Snow white nun dahil duguan na siya. Pilit kong inaawat si Blaire, pero hampas parin siya ng hampas kay Snow white ng kahoy. Hanggang sa mabuwal at mawalan na siya ng malay-tao. Takot na takot kami kasi akala ko natuluyan na namin siya. Si Blaire ang tuwang tuwa dahil akala niya ay patay na si Snow white. Tinanggal ko nun sa tali si Snow white at ako ang nag aruga sa kanya. Ako ang naatasan ni Blaire na ako na daw bahala sa katawan ni Snow white. Imbis na itapon sa kung saan ay minabuti ko nalang na iwan ang katawan niya sa harap ng bahay n'yo. Mabuti nalang at sumang ayon si Blaire. Sumama sila saakin at sabay sabay namin siyang binaba sa harap ng bahay niya habang may mga itim na mask ang mukha namin. Natakot pa kami nun dahil nakita kami ng tatay mo. Madalis kaming naakalis kaya ng habulin niya kami ay hindi niya kami naabutan." Mahabang kwento ni Sydney habang ang luha niya ay walang hupa sa pagtulo. Ganun din sina Carter at Fia na halos bumabaha ang luha dahil sa lahat ng nadinig kay Syndey. "Pero hindi pa diyan nag tatapos. Nang mabalitaan niyang buhay pa at nasa ospital si Snow white ay hindi siya tumigil," saad pa ni Sydney. Inalala lahat ni Syndey ang lahat ng nangyari at saka niya kinuwento kina Carter at Fia. Kinakabahan si Sydney habang papauwi na sila sa bahay nila Blaire. Nakasakay sila ngayon sa sasakyan ni Mary shantal. "Guys, hindi kaya matuluyan na si Snow white? Kailangan nyo pa bang gawin 'yun?" Basag ni Sydney sa katuwaan ng lahat. Napailing at umirap bigla si Blaire. "Ano ba, Sydney! Basag trip ka rin eh. Dapat lang 'yun sa kanya. Kailangang mawala na siya sa landas namin ni Carter. Malaki siyang hadlang para sa pag iibigan namin. Hindi ako makakapayag na sa kanya mapunta ang taong mahal ko. Akin lang si Carter kaya dapat lang na mamatay na siya!" Tumawa pa si Blaire habang umaapir sa katabi niyang si Vhangz. "Blaire is right! Mamatay na siya para mawalan na feeling maganda sa school natin. Agaw eksena siya lagi sa room. Nakaka-biwisit!" Wika ni Vhangz. "Wait, hindi kaya tayo sumabit sa ginawa natin?" Tanong bigla ni Khaine. "Hindi. Inaayos ko na ang lahat. Walang makakita saatin sa CCTV. Inuto ko si manong kanina. Inusap ko siya ng inusap at habang tumagal ang tawanan namin ay binura ko ang record na nahagip tayo ng camera sa loob ng kwarto ni Snow white. Walang palya ito kaya shut up ka nalang, Khaine..."sambit ni Jonna. "Yan ang gusto ko kay Jonna, malinis magtatrabaho," puri ni Blaire. "Ibig sabihin, kayo parin ang dahilan ng tuluyang pagkamatay ni Snow white sa ospital?" Tanong ni Fia. "Oo, kasabwat namin ang Daddy ni Blaire. Hindi niyang dineklara na dahil sa lason namatay si Snow white. Ang totoo ay nilagyan ni Blaire ng lason ang mansanas na binigay namin kay Snow white. Yun ang dahilan ng kanyang pagkamatay." Kwento pa ni Sydney. Awang-awa si Fia sa sinapit na kapatid niya. Hindi niya lubos maisip na tahimik at wala manlang sumbong si Snow white sa kanila. Tahimik ito na kinikimkim ang paghihirap na dinanas niya sa kamay ni Blaire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD