Chapter 6

1679 Words
Dahil hindi maganda ang itsura ng bangkay ni Benjie ay minabuti nalang nila na paglamayan ito ng hindi nakabukas ang kabaong. Halos maga at hindi parin tumitigil sa pag iyak ang anak nitong si Blaire. Nag iisa nalang tumatayong magulang si Benjie sa kanya kaya hindi niya lubos maisip na pati ang kanyang ama ay iniwan na din siya. Pakiramdam niya ay dumadating na ang karma sa buhay niya. Pilit siyang kino-comport ng mga kaibigan niya. Hanggang sa mag tanong si Sydney sa kanya. "Blaire, may kasama ba kayong maliit na tao dito na mahaba ang buhok. Yung bang parang pandak?" Umiling si Blaire. "Eh sino yung nakita ko kagabi na umaakyat sa hagdan n'yo?" Napatingin bigla si Blaire sa kanya ng tanungin niya 'yun. "Umaakyat? Sino 'yun? Wala kaming kasama dito na maliit na tao na may habang buhok." "Naglalakad-lakad ako kagabi kasi hindi ako makatulog. Nadaan ako dito sainyo tapos nagulat nga ako ng may makita akong maliit na tao na umaakyat sa hagdan n'yo. Nawala nga siya bigla ng mamatay ng sandali ang ilaw. Natakot nga ako nun eh," kwento ni Sydney na nagpaisip ng husto kay Blaire. "Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit namatay si Daddy?" Sambit bigla ni Blaire. Naisip ni Blaire na tignan ang mga kuha ng mga CCTV sa bahay nila para malaman nila ang totoong may sala sa misteryong bumabalot sa pagkamatay ng ama niya kagabi. Tumungo sa isang kwarto si Blaire kasama ang lima niyang mga kaibigan. Hinalungkat nila ang mga kuha kagabi pero nagtaka sila ng hindi nila nakita ang mga kuha kagabi lalo na yung pagkamatay ni Benjie. "Mukang pinagplanuhan ang pagpatay sa daddy mo, Blaire," saad ni Vhangz. "Oo nga. Mukang binura na niya agad ang mga kuha kagabi." Sambit naman ni Mary shantal. Habang nag uusap-usap ang lahat. Napansin ni Khaine na tahimik si Jonna. "Hey, Jonna, okay ka lang. Bakit parang wala ka sa mood?" Tanong ni Khaine. Hindi na nakapagpigil si Jonna. Napaiyak ito bigla na kinagulat nilang lahat. "Kagabi nagpakita ang Daddy mo sa akin, Blaire..."huminto muna siya at huminga muna ng malalim bago ulit nag salita. "Hinila niya ako sa swimming pool. Natakot ako nun kasi kakaiba yung itsura niya. At ang malala po dun ay may nadinig ako na bumulong saakin na hindi ako pwedeng magkamali. Siyang siya 'yun. Boses ng daddy mo." Nag iiyak na parang natatakot si Jonna. "Ano yung binulong niya na nadinig mo?" Tanong bigla ni Mary Shantal. "A-ako na daw ang susunod..." "Bullsh*t! Huwag ka ngang gumawa ng kwento!" Inis na mura ni Blaire. "Alam namin magaling ka sa mga kalokohan na yan, pero this time, seryoso tayo kasi look, patay ang daddy ni Blaire. Umayos ka naman, Girl."wika ni Vhangz na kinainis din niya. "Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko gawa gawa ang kwentong iyun. Nakita ko talaga siya kagabi!" Nagpupumilit na sabi ni Jonna. "F*ck you, Jonna!" Sigaw ni Blaire at sinampal pa niya ang kaibigan niya. "Tama na!" Awat ni Sydney. Alam niya kasing makakatanggap pa ulit ng sampal si Blaire. Alam niya kasi kung paano manggigil ang kaibigan niya. Para matigil ay nilayasan nalang sila ni Blaire. Lumabas na siya sa kwartong 'yun at tumuloy sa kwarto niya. "Sabi na kasing itigil mo na eh, hindi kasi oras ngayon ng pagbibiro." Pangaral ni Khaine. "Kung ayaw n'yong maniwala, fine! Uuwi nalang muna ako." Sambit ni Jonna saka siya lumabas sa kwartong 'yun. "Wait!" Pigil ni Sydney. Sinundan siya ng mga kaibigan niya hanggang sa labas ng bahay pero hindi na nila napigil sa pag uwi si Jonna. "Yes. Kagabi lang daw. At saka ang sabi pa eh, kakaiba daw ang itsura ng bangkay nito." Kwento ni Marianne sa mga kaibigan niya. Nasa kwarto sila ngayon ni Fia. "Sino daw ang pumatay?" Tanong ni Maria Shawn. "Pinatay nga ba o nagpakamatay?" Tanong ni Letizia. "Parang pinatay daw eh," sagot ni Marianne. "Karma is real!" Tawa ni Janisa. "Hey, pero di biro mawalan ng minamahal sa buhay. Oo alam nating b***h si Blaire, pero huwag tayong maging matuwa sa nangyari sa papa niya. Bad 'yun, Janisa!" Pangaral ni Maria Shawn. "May punto si Maria Shawn. Mahirap sa pakiramdam ang may mawala sa buhay." Sang ayon ni Fia. "Okay, sorry na po," sambit ni Janisa na palihim pang umirap. "Pero doon tayo sa kung bakit kakaiba ang itsura ng bangkay niya? Bakit naman agad natuyot na parang inaagnas agad? Diba mataba ang daddy ni Blaire. Huling kita pa natin sa kanya yung kinukuryente niya si Snow white sa hospital para mabuhay. Diba ang healthy niyang tignan nun kaya kakaibang bakit nangayayat agad siya?" Naguguluhang tanong ni Fia. "Ang nasagap kong balita. Isa din daw yan sa mga tanong ng mga tao. Bakit naging ganun? Hindi nga daw alam kung kinulam o binarang. Kaya ayun, minabuti nalang nila na paglamayan ng nakasarado ang kabaong ni kuya Benjie. Creepy ng itsura daw talaga kasi," kwento ni Marianne. "Gusto kong magdiwara, kaya lang baka ipagtabuyan tayo ni madam b***h kaya wag nalang," natatawang sambit ni Letizia. "Ipagdasal nalang natin ang kaluluwa niya. Kahit mayabang at masamang tao si Blaire, ipasa diyos nalang natin ang ang kaluluwa ng Ama niya. Doon nalang natin idaan ang pakikiramay natin sa kanila," sambit ni Fia na sinang ayunan naman ng lahat. Nanginginig habang umiiyak sa isang park si Jonna. Ang sakit sa loob niya na mga sarili niyang kaibigan ay hindi siya pinaniniwalaan. Oo alam niya may mali din siya na madalas mapag gawa siya ng kwento, hindi niya alam na sa oras pala ng totoo na ang sinasabi niya ay mahirap pala sa kaibigan niya ang paniwalaan, lalo na't seryoso at kakaiba ang nangyari sa kanya kagabi na hindi nagpatulog sa kanya sa buong magdamag. Nagulat si Jonna ng sinundan siya ni Sydney. Tumabi ito sa kanya at hinagod ang likod niya para patahanin siya. "Tama na. Naniniwala ako sa'yo, Jonna." Sambit niya na kinabigla ni Jonna. "Talaga? Buti ka pa. Kasi totoo naman talaga. Nakita ko siya at hinila pa niya ako sa ilalim ng tubig. Kung hindi siguro ako nasagip na Papa ko ay siguro pinaglalamayan nadin ako ngayon." Mangiyak ngiyak na saad ni Jonna. "Nadinig mo ba talaga na binulungan ka niya?" "Oo, Sydney. Dinig na dinig kong si tito Benjie 'yun." "Eh bakit kaya niya sinabi 'yun?" "Hindi ko alam. Natatakot ako." "Kalma. Mabuti pa ay umuwi ka na sainyo. Mag ingat ka nalang. Baka binabalaan ka lang niya. Baka may masamang mangyayari sa'yo kaya mag ingat ka nalang. Halika at ihahatid kita sainyo." Umuwi muna sila sa bahay nila Sydney para kunin ang kotse niya. Hinatid niya ang kaibigan niya sa bahay nila para masiguradong ligtas ito. Habang nag mamaneho si Sydney pauwi ng bahay nila ay isip isip niya si Jonna. Kinikalatis niya ang kaibigan niya kanina at nakikita niyang mukang seryoso ang mga sinasabi nito. Sa nakita niya kagabi sa bahay ni Blaire at sa mga kinuwento ni Jonna sa kanya ay pakiramdam niya ay may kakaibang nangyayari na hindi nila alam. Pangyayari na hindi nila alam kung kamalasan nga ba o karma na na padating sa kanila. "Eh ano ang gusto mong palabasin? Mamatay na din si Jonna? Yung ang pinaparating ng Dad ko sa kanya?" Tanong ni Blaire ng bumalik si Sydney sa bahay nila. "Seryoso siya. Nanginginig at umiiyak. Hindi naman ganon si Jonna eh!" Sa ngayon ay naging seryoso sila at biglang nakaramdam ng takot. "Kung ganun, hindi ko na pala dapat ginawa yun kay Jonna. Tsk! Nasampal ko pa tuloy siya." Nagsisising wika ni Blaire. "Bakit naman siya ang susunod? Anong kasalanan ni Jonna sa Daddy mo?" Natatakot na tanong ni Khaine. "Hindi ko alam. Hindi naman sila masyadong close ng Dad ko eh, saka wala. Wala naman siguro silang alitan. Mabait ang daddy ko kaya imposibleng magka-away sila." "Hindi kaya naghihiganti na siya?" Napatingin silang lahat sa sinabing 'yun ni Sydney. "Shut up, Sydney! Kalimutan mo na'yun at wag mo ng dagdagan pa ang mga iniisip natin!" Bulyaw ni Blaire. Hindi alam ni Fia kung bakit napunta siya sa bahay nila Blaire. Walang pag aalinlangan na pumasok siya sa loob nito. Pagbukas niya ng pinto ay malinis at walang tao siyang nakita. "Maupo ka." Nagulat siya ng biglang sumulpot si Benjie. "I-ikaw? P-patay ka na diba?" Gulat na tanong ni Fia. Tatakbo na sana siya pero nagulat siya ng pagharap niya sa pinto ay inaagnas na muka ni Benjie ang humarap sa kanya. Napasigaw si Fia. "Ahhhhhhh!" "Tulungan mo sila. Kausapin mo siya na itigal na ang paniningil. Iligtas mo sila Fia..." Napabalikwas ng bangon si Fia. Pawis na pawis siya at halos hihinga hinga ng bumangon siya. Inisip niya ang napanaginipan niya. "Ano ang ibig iparating ng daddy ni Blaire sa panaginip ko?" Tanong niya sa sarili niya. Mayamaya ay biglang humangin. Nagulat siya na tangayin ang libro ni totoro. Nalaglag ang libro sa sahig at nabuksan ang libro sa pahina kung saan nabasa niya ang ikadalawang dimonyo na magiging alaga ni Snow white. Si Lestat. Ang dimonyong kayang maging taong may magandang itsura. Hindi mapakali si Sydney sa kaibigan niya kaya samdali siyang dumaan sa bahay nito. Sinilip niya ito at siniguradong maayos at walang aberyang nangyayari sa kaibigan niya. Paalis na siya ng makita niyang may humintong lalaking gwapo sa harap ng bahay nila Jonna na may hawak pang mapulang mansanas. Pinaglalaruan pa nito ang mansanas na hinahagis hagis pa sa itaas habang nakatanaw sa kwarto kung saan nandoon si Jonna. Naintriga si Sydney kaya bumaba siya at kinausap ang lalaking gwapo. "Hey! Sino ka? Bakit ka nakatingin sa bahay ng kaibigan ko?" Tanong niya. "Wala lang. Nagandahan lang ako sa bahay na'yan." Sagot ng lalaki. "Ngayon lang kita nakita. Bago ka lang ba sa bayan na'to?" "Oo, bagong bago. Kakawala ko lang kasi sa bahay ko na matagal kong pinamahayan. Nakakatuwa lang na nakalabas na ako. Salamat sa amo ko." Hindi nalang pinansin ni Sydney ang sinasabi nito dahil iniisip niya na mukang may sapak sa utak ang lalaki. "Ah, okay. Anong pangalan mo nga pala?" Tanong niya pa. "Lestat. Ako si Lestat..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD