Dismayado sila Misty ng magising sila na wala na sa simbahan sina Carter at Edgar. "Delikado ang ginawa nila," inis na wika ni Misty. "Patnubayan sana sila ni Lord," wika ni Marianne. "At Sana maligtas nila si Fia," saad ni Letizia. "Sa tingin mo ba ay ganun nalang kadali na maligtas siya sa pitong dimonyo na'yun? Hindi, imposible," sagot ni Misty. "Paunti na tayo ng paunti. Gusto ko ng umuwi saamin," wika ni Sydney. "Marami pa tayo. Ang totoo ay marami pang tao ang nakaligtas," saad bigla ni Sonny. "Paano? Nasaan po sila?" tanong ni Marianne. "Noong kasalukuyan na pinasok ng malaking paniki at nagkagulo sa loob ang lahat sa simbahan ay marami kaming nai-likas ni Edgar. Hindi namin ito sinabi sainyo ni Edgar dahil mas mabuti na daw na walang nakakaalam. Ang totoo ay walang tiwala

