Chapter 2
Ibang klase mag-alaga ang isang Marrione Tuazon nangingiting sabi ni Lea.
Pumasok ito sa opisina niya.
O here is your coffee...
Hoy!style mo bulok alam ko naman kung bakit andito ka para sumagap ng tsismis di ba?
Well ganon na nga hehe...
Tssssk! alin don yong paggamot niya sa gasgas ng paa ko?wala yon...
Loka!sa'yo lang siya ganon..
Ang alin?patay-malisyang tanong niya.Alam kasi ng mga ito kung gano siya kinikilig kapag nasa paligid ang lalaki. Sus todo deny ka pa..hindi talaga siya titigilan ng babaeng ito.
Hanggang little sis lang ang tingin niya sa'kin at siyempre his my ultimate besfriend yon lang yon.
Sabi mo eh sige na nga maya na tayo mag-usap..
Hay grabe anggwapo mo talaga!kinikilig na tinitigan ang picture ng lalaki na nasa office niya.Impit pa siyang napatili at kumumpas ang mga kamay habang may pasayaw-sayaw pang nalalaman.
Miss Casanova!tawag nito sa telepono....
Oo na! papunta na!manager ba talaga ako ng restaurant mo o delivery girl?why don't you go down and eat here?reklamo niya dito.
Busy ako sagot nito.
Hoy!Marrione Tuazon busy din ako sa trabaho ko dito no?pagtataray niya pero deep inside kinilig nanaman haha baliw na puso.
Kailangan mo ring magrecharge.
I know your tired and i'm your source of energy lalo na pag nakikita mo ang gwapong mukha ko.
Crazy!she whispered.She went to take his meal.Pasta,salad and pineapple juice. She knows what he likes and dislikes sa sobrang close nilang dalawa mapagkakamalan talaga silang couple.
Pinindot niya ang 28th floor sa elevator.
Nakarating siya sa taas at deretso sa opisina nito.
Kristine....tawag niya sa secretary nito.
O ikaw pala Drew magiliw itong ngumiti. Tinawagan nito ang boss at pagkatapos ay sumenyas na pumasok na siya.
Ngumiti siya at nagpasalamat. Binuksan niya ang pinto at pumasok.
Lumapit siya rito.Busy itong pumipirma sa mga papeles.
Kamahalan narito na ang lunch mo...hehe. Sumenyas ito na ilapag na lang sa lamesa ang dala niyang pagkain.
Tsssk!!ng maibaba ay nagpaalam na siya.
Hatid na kita mamaya sabi nito habang busy pa rin sa ginagawa.
Sige...sabi niya at lumabas na ng opisina .
Nadatnan niyang kumakain na ng lunch ang secretary nito.
Kris alis na ako...
Ngumiti ito.Kain muna aya nito.
Salamat sagot niya at nagtungo sa elevator.
Drew sama ka sa' min bar hoping naman tayo aya ni Lea.
Oo nga naman Drew ikaw lagi ang wala magtatampo na kami sayo hirit ni Yza.
Naku next time na lang maaga kasi akong uuwi pasensya na nakangiting sagot niya. Saktong parating na si Marrione.
Good evening sir bati ng mga kasamahan dito.
Good evening...O ano tara na?tanong nito sa kanya.
Kaya pala.....bulong ni Lea....ihahatid ka pala ni sir kinikilig nitong sabi. Sssshhhhh!!!?ang ingay mo bulong niya dito.
Naiiling na nagpaalam ito at inaya na ang iba.
Bumaba sila ni Marrione sa basement kung nasaan ang parking lot
Pinagbuksan siya nito ng pinto saka pumasok sa driver's seat.
Let's eat dinner first i'm hungry sabi nito habang nakatutok ang mata sa kalsada. Basta ba libre mo....
Kailan ka ba nanlibre??Anytime we hang out and having food trip ako lahat ang in charge..hiyang hiya naman me sa?'yo. Ouch!kung hindi batok kurot ang inaabot ko sa'yo!reklamo nito.
Magtino ka kasi puro ka kalokohan!
Pumasok sila sa isang restaurant at umorder ng steak and vegetables. Lakas ng dating ng kasama niya at napapalingon ang mga kababaihan.
Pagkatapos kumain ay hinatid na siya nito sa kanyang apartment.
Ng mamatay ang kanyang lola ay bihira na siyang umuwi sa bahay nila.
Every week may pumupunta roon para maglinis.
Kanina pa patingin-tingin sa rearview mirror niya si Marrione pag-alis sa hotel hanggang sa restaurant na kinainan at ngayong papunta sa apartment ni Drew. At ang hayop na senator Laxamanang yon ay pinasusundan siya sa mga tauhan.
Kilala ang politikong ito sa mga illegal na gawain tulad ng gambling,prostitution,drugs at land grabbing. They harass him to give up the position of being chaiman to a foundation who built by his parents. It's purpose to help the poor,giving insurance,medications and housing.
Malaki ang budget nito.It is supported by rich people and good samaritans. That jerk old man wants it for his own evil purposes lalo na ang yearly budget nito. Nakapagtatakang walang man lang alam ang buong bansa sa masamang gawain nito lalo na ang medya.
No hindi niya gagawin at bibitiwan ang pinaghirapan ng mga magulang dahil malaki ang naitutulong nito sa mga kapos-palad nilang kababayan.
Hindi rin mawala sa isip niya ang insidenteng yon five years ago...
Bago magtake-over ng business nila ay galing siya military at nagsilbi bilang scout ranger. Pauwi na siya noon sa kanyang bahay galing sa duty ng makita sa daan ang isang lalaking sugatan sa tama ng baril.
Nilapitan niya ito at inalok ng tulong para madala ito sa hospital pero tumanggi ito. Gamit ang duguang kamay ay may kinuha ito sa suot na jacket isang maliit na kahon. P-p-pakiusap itago mo ito....nakasalalay diyan ang buhay ng nakararami....
Teka ano ba to?tanong niya.
C-congress man....Laxamana....yon lang ang nasabi nito.Umalis ka na dali!!!
How about you? sugatan ka kailangang madala ka sa hospital!
H-hindi wag mo a .....kong alalahanin..kaya ko ang sarili ko umalis ka na!wala na siyang nagawa kundi sumakay sa kotse at umalis sa lugar na yon.
Wala na siyang balita kung anong nangyari sa lalaki.Ni hindi niya ito kilala. Nakarating sila sa bahay ni Drew.
Binuksan ng dalaga ang passenger seat at dumungaw sa bintana.
Thank you sa paghatid ingat ka sa pagdrive paalala nito.
Tsssk!sila ang mag-ingat sa'kin..he answered .
Kayabangan mo sige na alis na sabi ng dalaga.Hinintay muna siya nitong makaalis bago pumasok sa tinutuluyan. Nakasunod pa rin ang mga ungas ng nasa daan na siya.
Tignan natin kung makasunod pa kayo bulong niya.Hindi niya ito sinabi sa dalaga at baka mag-alala ito.Ngayong siya na lang mag-isa ay magagawa na niya.
Binilisan niya ang patakbo sa sasakyan at bago mag red light ay nakalampas siya.
Naiwan ang mga sumusunod sa kanya. Nakarating siya sa bahay niya ng walang hussle.
Tinungo ang kwarto at nagbihis pagkatapos ay humiga at nag-isip ng paraan at plano to avoid them from pestering his life.
Kinuha ang maliit na kahon at binuksan ito.Ano bang meron sa micro chip na to at sekretong nakatago sa'yo?at sinipat itong mabuti.
Maybe it's time for him to know what is it.
Ano?!bakit natakasan nanaman kayo?!sunod-sunod na ang problema natin pag nakarating ito sa itaas mayayari tayong lahat!sigaw ni Antonio Laxamana. Pangunahing problema niya ang pagkawala ng files nilang kung saan naroon ang mga listahan ng mga kasapi sa kanilang organisayon at lahat ng mga plano at binabalak ng grupo.
Hindi pa ito nakakarating sa pinakalider nila. Tuazon may araw ka rin!sigaw niya at ibinaba ang telepono.