Kabanata 12
“Yaz, tara na. Gutom na ako.”
Napatingin ako sa pinto ng break room nang marinig ko ang boses ni Jessica.
Nakasandal siya sa pinto, may hawak na tumbler, at gaya ng palagi—mataas ang kilay, pero nakangiti. Kahit may pagod sa mukha niya, she’s radiating with energy.
Tumayo ako mula sa maliit na desk sa loob ng opisina ni Clyde. He’s not here, nasa boardroom pa for a closed-door meeting, kaya saglit akong nakahinga.
Tumango ako. “Sige. Kailangan ko nga ng hangin.”
Magkasunod kaming naglakad papunta sa pantry. Pagkaupo pa lang namin sa sulok ng lounge area, agad na lumapit si Jessica sa vending machine, maya-maya lang may hawak na siyang chips at cup noodles.
“Gusto mo?” tanong niya, inaabot sa akin ang isa pang cup noodles.
Umiling ako. “Wala pa akong gana.”
Tumigil siya sandali. “You’re not okay.”
Napatingin ako sa kanya.
“I mean, duh. Halata, besides, hindi ka naman na talaga okay,” dagdag pa niya, sabay kurot ng noodles sa tinidor niya. “Kanina pa ang tahimik mo. And don’t get me started sa mata mo—namaga. Parang may sinalubong kang allergy at breakup nang sabay.”
Wala masyadong tao sa pantry. Tahimik.
Siguro kasi halos lahat ay lumabas para kumain. Lunch break kasi, at sa department namin, sanay na ang lahat na bumababa o lumalabas tuwing ganitong oras. Kaya’t ngayon, kami lang ni Jessica ang naroon.
“Yaz,” sabi niya habang binubuksan ang pack ng cookies niya at hinihintay ang pagkaluto ng noodles niya.
“You look worse than yesterday, epekto ba yan ng bagong boss mo?” she said matter-of-factly, not in a judgmental way. Jessica’s version of concern was always blunt—but it was real.
I sighed. Deep and long. “I went to see Earl.”
Her chewing slowed. “And?”
I looked down. My fingers fidgeted with the edge of the table.
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. “Okay... and?”
“I was ready,” patuloy ko. “Handa na akong sabihin ang totoo. About Clyde. About everything.”
She nodded slowly, giving me space to speak.
“But then…” Napakagat ako sa labi. “When I got there… someone else opened the door.”
Napakunot ang noo niya. “Someone else? Like who?”
I looked down. “A man.”
Tumigil siya. Tumingin sa akin, parang hindi sigurado kung tama ang narinig.
“Lalaki? Gabi? Nandoon kay Earl?”
Tumango ako.
“Wait, lalaki?” inulit niya, mas malakas.
“Jess—”
“Hold on, lalaki talaga?” Kita sa mukha niya ang gulat.
“Jessica…”
“Please don’t tell me that Earl... cheated on you… with a man?”
Hindi ako agad sumagot. Pero nakuha niya ang sagot sa pananahimik ko.
Nagpatuloy siya, hindi makapaniwala. “No way. Hindi. Earl? Are you sure?”
“I saw him, Jess. Yung lalaki. Tall, foreign-looking, may accent. He was leaving. Tapos paglingon ko, si Earl—he looked like he’d been crying for hours. He was shirtless... and may mga marka sa dibdib niya.”
Jessica’s eyes widened. “Marks?”
Tumango ako, mahina. “The kind you don’t get from just sleeping next to someone.”
“Oh my God,” bulong niya, natulala. “So you’re telling me... you went there to confess your mistake, only to find out na may nangyari sa kanila ng—what’s his name?”
“Jacob,” sagot ko. “I didn’t even know him. Earl never mentioned him.”
Jessica ran her hands through her hair. “Yaz, that’s… that’s insane. I mean, not in a bad way na lalaki ‘yung kasama niya, pero... that’s a whole other betrayal. That’s a truth you weren’t even bracing yourself for.”
“I know,” I whispered.
She leaned forward, eyes locked with mine. “And you’re sure? Like... sure-sure?”
“Yes, Jess. I saw it in Earl’s eyes. Sa katawan niya. Sa paraan ng pagkakatingin niya kay Jacob habang paalis siya. He didn’t even deny it.”
“Damn.”
“Yeah.”
Tahimik si Jessica.
Hindi siya kumikibo, pero ramdam ko ang bigat ng lahat ng sinabi ko sa kanya.
Ipinikit ko sandali ang mga mata ko, pilit pinipigil ang biglang nananamlay na lalamunan. Pero kahit ilang ulit akong huminga nang malalim, hindi ko pa rin kayang itago ang panginginig ng boses ko.
“Sinabi ko rin sa kanya,” bulong ko, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. “Sinabi ko rin… ang tungkol sa kasalanan ko. Though hindi ko nabanggit na si Clyde ‘yon. Pagkatapos kong makita ang result ng HIV test niya, h-he’s reactive.”
“What the f*ck!”
“Akala ko hindi ko na kayang magsalita. Pero hindi ko rin kayang umalis nang hindi sinasabi ang totoo.”
“So you… confessed anyway?”
“I had to. Kasi kung aalis ako nang hindi sinasabi… para na rin akong tumakbo palayo sa sarili kong kasalanan.” Napahigpit ako ng hawak sa baso ko. “I told him about that one night stand I made. That I cheated, too.”
Jessica swallowed hard, her expression frozen in quiet shock.
“Then I told him, we’re over. Then, he cried. He literally fell to his knees, Jess. Humagulgol. Pinilit akong intindihin. Hindi siya sumigaw, hindi siya nagalit. Nagmakaawa lang siya... na huwag ko siyang iwan.”
Napahawak ako sa mukha ko.
At tila gripong nabuksan na naman ang mga mata ko.
Muli na naman akong umiyak.
Hindi na ako nagsalita. Umiyak lang ako nang tahimik, habang umiikot ang lahat ng alaala mula sa gabing ‘yon—ang boses ni Earl, ang pagkakapit niya sa akin, ang pag-iyak niyang punô ng sakit at takot.
Jessica quickly moved beside me. Hinawakan niya ang balikat ko, pinisil ito ng marahan. Hindi niya ako kinompronta. Hindi rin niya ako tinanong ng kung ano pa.
She just let me cry.
“Yaz…” mahinang sabi niya pagkatapos ng ilang sandali. “You both broke each other, yes. Pero that doesn’t mean you’re not allowed to grieve. You’re allowed to cry for the version of love that didn’t survive.”
I nodded, still trembling. “Ang sakit kasi, Jess. Hindi ko alam kung anong mas masakit—yung ginawa ko, o yung natuklasan ko. Hindi ko na alam kung ano pa ‘yung totoo sa amin.”
Jessica looked at me with soft, steady eyes. “You’re still processing it. You’re not supposed to have all the answers right now.”
“Pero ang gulo, Jess. Ang dumi. Para akong nilamon ng sarili kong kasalanan, tapos may nadiskubre pa akong panibagong sugat na hindi ko naman hinihingi.”
“You're human,” she said. “You're not perfect, Yaz. And you don't have to carry it all at once.”
***
Late na kami ni Clyde nakalabas ng office.
He offered to finish the reports himself, pero hindi ako pumayag. Gusto ko na lang tapusin lahat, para bukas… kahit papaano, gumaan kahit kaunti ang bigat sa loob ko. Kahit hindi man mawala.
Pero ngayong nasa elevator na kami pababa, ramdam ko ang lahat: *pagod, sakit ng ulo, hilo, pagkagutom—*lahat nang puwedeng maramdaman ng taong halos hindi na natutulog.
Clyde was quiet beside me. He knew I didn’t want to talk. Hindi siya nangulit. Hindi siya nagtanong. Pero paminsan-minsan, lumilingon siya sa’kin, parang sinusuri kung kaya ko pa ba.
Pagbukas ng elevator, sabay kaming lumabas.
And just as I was adjusting my bag on my shoulder, napahinto ako sa paglalakad.
Dahil naroon siya.
Si Earl.
Nakatayo sa lobby. Nakasandal sa marble column, suot ang paborito niyang dark denim jacket na regalo ko, at tila ilang oras nang naghihintay.
Nang magtagpo ang tingin namin ay agad siyang lumapit sa aming dalawa ni Clyde.
“Yazmin…” bulong niya.
Biglang humigpit ang hawak ko sa bag ko. “Earl, please. Huwag ngayon.”
“Gusto lang kitang makausap,” aniya, desperado ang tono pero mahinahon pa rin.
Umiling ako. “Hindi ako handa. Hindi pa.”
“Yaz, please,” lumapit pa siya, mas malapit ngayon. “Kahit saglit lang.”
“I said no,” matigas kong sagot, pilit pinapanatiling kalmado ang boses ko kahit gusto ko nang tumakbo. “Puwede ba? Ayokong pag-usapan ngayon. I’m tired, Earl.”
“Pero hindi mo pwedeng takasan na lang ‘to!” Biglang tumaas ang boses niya, nanginginig. “Hindi puwedeng iwasan mo na lang ako para masabi mong tapos na! Yazmin, I need closure! I need you to tell me na wala na talaga!”
Natigilan ako at napatitig kay Earl. Hindi na siya makilala pa. Hindi ito ang lalaking nakilala ko.
“Earl, I already did,” mahina kong sagot. “I walked away last night. You begged. And I left. That was your answer.”
“Hindi ‘yon sapat!” sigaw ni Earl, tuluyan nang bumigay. “You don’t just leave someone you loved for years and expect me to accept it just because you walked out! I’m breaking, Yazmin! Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kung hindi ikaw ang dulo ng lahat ng ‘to!”
Halos nanlilisik na ang mata niya. Namumula ang mukha. Hindi dahil galit—kundi dahil sa sobrang hinagpis.
Pilit niya akong inabot hanggang sa pumagitna sa amin si Clyde.
“Enough,” malamig pero kontrolado ang boses niya. “She said no. You need to respect that.”
Sinulyapan siya ni Earl, sinamaan ng tingin pero agad umawang ang labi niya nang may mapagtanto.
“I…I knew you. It was you…her ex.”
“Earl, saka na lang tayo mag-usap,” saad ko at bago pa ang panibagong komprontasyon ay pareho ko na silang iniwanan na dalawa.
Pero mapilit si Earl. Hinawakan niya ang braso ko.
“Mag-usap tayo, Yaz.”
“Earl, tama na,” pabulong kong sabi. “Huwag mo na akong pilitin. Please.”
“No!” humakbang siya muli. “Kahit anong sabihin mo, hinding-hindi ko matatanggap na wala na tayo. Kung galit ka, saktan mo ako. Kung nasaktan ka, sigawan mo ako. Pero huwag mo lang akong talikuran na parang wala akong halaga!”
At doon na siya tuluyang napaiyak. Malakas. Yung tipo ng iyak na hindi mo na kayang pigilan. Hindi na siya makatingin sa akin. Nakayuko, nanginginig ang balikat.
Humugot ako ng hininga.
“Hindi ko sinusumbat sa’yo kung ano ka, Earl. Hindi ako natatakot sa sakit mo,” mahina kong sabi.
Napatigil siya sa pag-iyak.
“Hindi ako nagtatangi. Hindi ko ikinakahiya na reactive ka. Hindi ako umalis dahil doon. Hindi ako nandidiri,” dugtong ko agad, malinaw, buo ang tono ko kahit nanginginig ang loob.
“But?” tanong niya, halos pabulong.
Napakagat ako sa labi. “But I can’t get over the fact that you had it… habang magkasama pa tayo.”
Hindi siya umimik. Wala siyang sinabi. Parang bigla siyang nawalan ng boses.
“I keep asking myself,” patuloy ko, paos ang boses, “habang kasama mo ako… habang yakap mo ako, hinahalikan mo ako, pinapaniwala mo akong ako lang… were you already sick?”
“Yaz…” bulong niya.
“Did you suspect it and kept it to yourself?”
Umiling siya. “I didn’t know, I swear to you. I felt weak, yes, but I never thought it was that. I thought I was just burned out. Overworked. I didn’t feel anything that screamed danger. I swear, Yazmin. Kung alam ko lang... kung alam ko lang…”
Napapikit ako.
“Pero hindi mo sinabi kahit nung may naramdaman ka na. At i-iyong nakita ko kagabi? Iyong naabutan ko? Ano ‘yon? A-ayon ba ang meeting na sinasabi mo?”
Humagulgol siya. Doon, doon na tuluyang bumagsak ang tuhod niya sa malamig na sahig ng lobby.
I looked away.
“Earl, I’m not rejecting you because of the illness. I’m rejecting you because I don’t feel safe with you anymore.”
Tahimik. Walang lumalapit. Wala nang ibang tao sa paligid. Wala na ring dapat sabihin.
Kinuha ko ang lakas para lumapit, lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang kamay niya, marahan.
“Please Earl, tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang tayo. I’m sorry, a-alam kong kailangan mo ng masasandalan ngayon, p-pero hindi ako ‘yon, Earl. Hindi na pwedeng maging ako ‘yon.”