Nagdinner kami ni Lander pagkasundo niya sakin. Naguusap kami habang naghihintay sa food namin. "So hindi ka na niya guguluhin?" Tanong niya. Alam na niya yung story namin ni Abel dahil nakuwento ko sa kanya. Nagtaka kasi siya na parating sa parking ko na lang siya pinaghihintay sa office. Naguilty ako na wala siyang alam sa nangyayari kaya sinabi ko na sa kanya yung tungkol kay Abel. "Yun ang sabi niya." Sagot ko. "Just know that I'm just here waiting for you." Nailang ako sa titig niya kaya iniwas ko yun. Napatingin ako sa entrance door, napatitig ako dun ng bumungad si Abel. Lumingon siya sa paligid pagpasok niya na parang may hinahanap. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad. Lumapit siya sa isang table na may nakaupong dalawang lalake at isang babae. Sino kaya mga yun? B

