"Why sunny?" Tanong ni Abel habang nakaupo kami sa couch. "Nung nalaman ko kasing lalake siya, parati ko siyang tinatawag na 'my son' o sonny. Nung nawala siya feeling ko yung liwanag ng araw, siya yun, kaya naging Sunny." "Okay. I like it too.. he is my sun and you are my moon." Ngumiti siya. "Why moon?" Curious kong tanong. "Coz in my darkest hour, you are my light." Pinisil niya yung ilong ko. "Bumabanat ka na naman ba?" "Hindi, wala namang Vi dun eh." Tumawa siya. "Ewan ko sayo!" Tumawa din ako. "Alam mo napanaginipan ko siya. Nanaginip ako ng butterfly, masaya siya. He flies high." Sabi ko ng maalala yung panaginip ko. "Talaga... napanaginipan ko din siya eh, may sinabi siya sakin." Malapad siyang ngumiti. "Sinabi? Ang daya ah. Bakit sakin kundi butterfly, ibon siya. Hindi

