Bigla ko naintindihan yung sinabi ni Abel na gago siya pagdating sa babae. Naguguluhan ako. Siguro huwag ko na lang seryosohin yung mga ginagawa niya ngayon. Ayoko din masaktan. Matapos yung klase ko nakita ko si Abel na naghihintay sa labas ng classroom ko. Ngumiti siya at lumapit pagkakita niya sakin. Kinuha niya yung bitbit kong plates case. "Bakit nandito ka?" I asked "Why? Diba sabi ko kanina hihintayin kita sabay tayong uuwi." Sagot niya. Naalala ko yung sinabi ni Nathalia na magkikita sila. Siguro kanina pa yun. Tapos ngayon ako naman ang sasamahan niya. Bigla akong nainis. Naglalaro siya. Naguguluhan ako sa kanya kung seryoso ba siya sakin. Nakita ko si Macy at Lucille na palabas ng gate. "May gagawin pa pala kami nila Lucille. May group study kami. Mauna ka na lang." Bigl

